My Pink Headset

120 1 2
                                    

Malawak ang karagatan at napakalinaw ng tubig habang nakaupo ako sa dalampasigan at hinihintay ang paglubog ng araw, di ko man lang marinig ang hampas ng tubig sa malalaking bato dahil enjoy na enjoy ako sa pakikinig ng musika sa pamamagitan ng pink na headset na nakakabit saking tenga, pero parang gusto kong sulitin ang pagparito namin tutal huling araw na namin dito sa isla. pasukan na sa susunod na linggo.  gusto kong marinig ang mga alon at ang lawiswis ng mga dahon sa puno, kung kaya’t pansamantala ko munang tinanggal ang headset at binaba sa buhanginan. Babyahe na kami pauwi pagkatapos ng 2 oras, sakto lulubog na ang araw, nabighani ako sa gandang tinataglay nito. Ang ganda kasi ng kulay e, kahel. Lumipas ang mga oras at tinawag na ko ni mommy, uuwi na kami isang lingo rin ang tinagal namin pero bago ang lahat nilibot ko muna ang buong palibot ng isla, hanggang sa hinintuan na ko ng sasakyan naming gagamitin pauwi. Nakakaantok ang byahe, wala man lang libangan at parang may kulang. Pero ayokong isipin kung ano man yon ma ee stress nanaman ako. Kaya itinulog ko nalang ‘toh. .

Ambilis ng panahon, pasukan nanaman pala at love month na next month. tinatamad nanaman akong pumasok nun. Wala naman kasi akong love life, maiinggit lang ako sa mga kaibigan kong maya’t mayang may kalambingan samantalang tumutulo ang laway ko.. kahit kailan wala naman nagkakagusto sakin e, asa naman akong magkakaroon ako ng ganong love life tulad ng sa iba.

Tsk. O teka, andito na ko sa eskwelahan, may bago kaming kaklase jarell ang panggalan nya at parang ang yabang yabang nya,naiinis ako sa mga tingin at ngiti nya kaya puro irap ang natatamo nya mula sa akin, at eto pa! katabi ko pa sya ng upuan. Ayyyyyy. Ayokkkooo na.. >.< lagi niya rin tinatanong ung mga sagot ko tuwing may seatworks, at dahil lumalabas ang pagkamaldita ko, maling sagot ang sinasabi ko. Asar na asar lang talaga ko akala nya siguro ang gwapo nya. Ewwww.. di ako magtatagal ditto, di ako pwede ditto, dadating din yung oras na lilipat ako ng upuan at hindi na ko masusundan pa ng kutong lupa na ‘toh. Lagi nya kong inaasar at pinagsasabihan na pangit daw ako. Hindi ako natutuwa sa mga biro nya.. nagdidiscuss si maam Mendoza pero guguluhin nya ako at bibidahan gng kung ano anong kalokohan, at dahil ditto din a ulit ako nakakakuha ng mataas na marka. Konti nalang sasapukin ko na sya..

Yesss! Nagring na ang bell sa wakas… haha bumili ako ng pagkain sa canteen. Nakakita ko ng bakanteng lamesa kung saan may dalawang upuan kaya don ko nalang kinain yung binili ko, nasa kalagitnaan na ko ng pagpapakabusog pero.. sh*t biglang naupo si jarell, nabwisit ako kung kaya’t naibuga ko sakanya ang juice na iniinom ko. Hindi ko sinasadya yon. Nagsorry ako sakanya pero tinawanan nya lang ako kaya iniwan ko sya sa lamesa.

Ok. Algebra time. Recitation nga pala namin, unang unang natawag si jarell, nagulat ako sa pinakita nya. Sinagot nya talga yung tanong ni maam Gutierrez ng oral. “Wow! Nakakaimpress ha.” Nasambit ko nalamang yun sakanya pero sya nang irap ngayon.. may mga oras na nagkakasundo kami at  mas nakikilala ko na sya. Nagkamali ako nung una, akala ko mayabang sya, akala ko mapang-asar sya, nun pala napakabait at napakalambing nya.. ang sarap nyang kasama. Ayan.. may kaibigan na ko. Lagi kaming magkasama at magkabiruan, sabay kaming kumakain at umuuwi. Minsan hinahatid pa nya ko sa bahay namin laig rin syang nagbibigay ng oras makatext lang ako.. yan si jarell. :’)

“FEBRUARY 13, 2012”

Aw. May Promenade pala bukas. Tsk. Hahanap palang ako ng isusuot na gown. Gusto ko ako yung magiging star ng gabi. :’)) ayun! May pink pala kong gown! Makinang at ibabagay ko ditto ang high-heeled footwear ko.

 Ay! Nako parang may makakaangat parin sa isusuot ko aa.

Hay nako. Tama na ‘toh.  Beauty rest na ang kailangan ko..

February 14, 2012. (6:00 P.M)

Oras na! :D HAHA hinatid ako nila daddy sa school. Napakagandang tingnan ng bawat isa. Pero may kulang. Asan kaya si jarell? Hmm. Ang sakit sakit na ng paa ko, kanina pa may nagsasayaw sakin pero sya, asan sya? Asan ang bestfriend ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Pink HeadsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon