Sino? Ah. Si Jill.

87 0 1
                                    

Ako si Jill. 

Hindi ako bigtime, lalong di ako sikat.

Kilala lang ako sa skul kase teacher ang nanay ko, atsaka siguro dahil sa mga kaibigan ko.

Simple lang naman ako; walang make-up, lalong hindi konyo.

Proud promdi ata to. :) Isa lang naman ang gusto ko sa buhay, eh.

Gusto ko makilala bilang ako, bilang si Jill.

Hindi yung anak ng teacher,

hindi yung kabarkada ng bigtime.

Gusto ko malaman nila na may ibubuga din ako,

na mahalaga din ako,

na magaling ako sa isang bagay,

na magaling ako sumulat. :)

Ako si Jill.

Pangarap kong sumikat, pangarap kong makilala.

Gusto kong magkaron ng direksyon ang pagkatao ko.

Pakiramdam ko kase, hindi ako buo.

May kulang, may nawawala.

Parang masarap kase sa feeling na makilala ka dahil sa pinaghirapan mo o dahil sa kakayahan mo.

Kaya eto, sumusulat ako, para makilala mo ako.

Ako si Jill.

Hindi ako mayaman, hindi din mahirap.

Para sa akin, masasabi ko ng yaman ang pagkakaron ng isang buong pamilya na masaya.

Kaso, kailangan umalis ni papa.

Sabe nya, para daw sa akin, para daw sa amin.

Magsasakripisyo sya kase gusto nya matupad ang mga pangarap ko sa buhay.

Dun ko napatunayan kung gano nya kame kamahal.

Simula nun, si Mama na ang tumatayong padre de pamilya sa aming bahay.

Kulang, malungkot, pero alam kong sa huli ay magiging masaya din kame.

Buo, maligaya, at hindi na maghihiwalay pa. :)

Ako si Jill.

Madami akong kaibigan.

Iba iba silang lahat.

May leader,

may magaling kumanta,

may sobrang bait,

may masungit,

meron ding matalino pero tamad,

anjan din yung magaling sumayaw,

tapos yung sobrang masayahin,

meron namang sobrang hilig sa music,

tpos yung sobrang tyaga mag-aral.

Pero kahit iba-iba silang lahat,

pantay-pantay lang sila sa puso ko.

Bawat isa sa kanila itinuturing ko ng kapatid.

Hindi dahil sa makukulay nilang personalidad,

pero dahil tanggap nila ako bilang tao,

bilang si Jill.

Hindi big deal sa kanila na hindi ako sikat, o hindi ako pansinin ng tao.

Lalong wala silang pakialam pagdating sa grades ko.

Ang mahalaga sa kanila ay ang kasiyahan na nabibigay namen sa isa’t isa pag kame ay magkakasama.

Yung feeling na sasabog na yung tyan mo sa kakatawa? :)

Isa sila sa mga kayamanan ko sa buhay, kasama ng pamilya ko.

Sila ang isa sa mga dahilan kung sino at ano ako ngayon.

Naisip ko tuloy, siguro kapatid ko talaga sila sa nakaraan kong buhay.

Tiyak, napakasaya ng pamilya namin.

Sorry naman, cute lang talaga kame. :)

Ako si Jill.

Tao lang din ako, marunong din umibig.

Nakilala ko siya sa hindi inaasahang lugar at panahon.

Kaya tuloy nung mawala sya sakin sa unang pagkakataon,

hindi ko din inaasahan.

Pero, sa kabila ng mapait na nakaraan namen,

ibinalik sya sa akin ng Panginoon.

Alam ko kase na siya na talaga,

siya na yung taong gusto kong makasama habambuhay.

Mahal nya ako at mahal ko din siya.

Magkahiwalay man kame ngayon,

hindi yun hadlang para sa pagmamahalan namen.

Siya ang taong nagkukulay ng mundo ko,

ang nagbibigay ng mga ngiti pag nalulungkot ako.

Hindi ko maisip kung pano mabuhay ng wala siya.

Siya na talaga, siya na.

Ako si Jill.

College na ako ngayon.

Mahirap, malungkot.

Mag-isa lang kase ako ditto sa Maynila.

Tulad ni papa, kinailangan ko umalis samen para matupad ang mga pangarap ko,

ang mga pangarap nila para sa kanilang panganay na anak.

May mga pagkakataon na gusto ko nalang bumalik sa amin,

kaso hindi pwede.

Dalawang taon na lang graduate na ako.

Hindi ko na pwedeng isuko ang laban na to.

Kase sa huli, lugi din ako.

Gusto kong mapatunayan na sa kabila ng mga pagpapabaya ko,

may kakayanan din akong makamit ang diploma ko sa kolehiyo.

Gusto kong sa kabila ng pangarap kong maging magaling na manunulat,

makilala din ako sa propesyon kong tinatahak.

Yun bang pag may nakakita sken mapapasabi sila na “uy congrats, nurse kana.”,

diba ansarap nun sa feeling? :)

Kaya kahit malungkot at nag-iisa, kinakaya ko.

Tulad ni papa, tutupadin ko din ang pangarap nila. :)

Ako si Jill.

Hindi ako bigtime, lalong di sikat.

Pero, kahit ganito ako, sikat ako pagdating sa pamilya at mga mahal ko sa buhay.

Ngayon alam ko na, na hindi ko kailangan na makilala ng ibang tao para maging masaya.

Ang kailangan ko lang ay ang pagmamahal ng mga tunay na tao sa buhay ko.

Sila ang dahilang kung bakit may Jill na nagsulat ng kwentong binabasa mo.

Sila ang dahilan ng tinatahak kong direksyon.

Sila at wala ng iba.

Kaya sa susunod kong kwento, gusto kong makilala mo sila. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sino? Ah. Si Jill.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon