CHAPTER 65
June 14, 2013
Natapos pa lang ni Meynard ang pinaglamayan nila ni Marlyn kaya mag-aalas siete na ng gabi nasundo nito si Yasmine sa kanilang bahay. Paalam naman ni Yasmine sa kanyang Lola na bibisita sila sa burol ni Connery. Sa sasakyan na lang din ipinaliwanag ni Meynard ang kanilang gagawin. Walang katiyakan na magiging epektibo ang anti-beast na napapaloob sa isang CD. Kailangan nila itong maipasok sa internet habang mahina pa ang depensa ni Ulysses. Hindi rin s'ya sigurado kung hanggang kailan ang itatagal nito bago ito matuklasan ni Ulysses.
Samantala, hindi naman sumama sa kanila si Marlyn dahil may babantayan daw ito. Kahit hindi nito sabihin, kilala nila kung sino ang taong ito.
Lumakas ang kabog ng kanilang dibdib ng tumambad na sila sa gate ng kampo. Sinabi ni Meynard sa isang sundalong nakabantay na bibisitahin nila ang burol ni Connery at pinaiwan sa kanya ang isang valid ID. Ibinigay ni Meynard ang kanyang SSS ID.
"Diretso na lang po kayo sir sa may museum sa kanan tapos pakaliwa." sabi ng bantay.
"B-bakit sa museum? Di ba po sa chapel s'ya nakaburol?" tanong ni Meynard at napasulyap s'ya kay Yasmine.
"Ay pansamantala lang po sir. May ikinasal kasi kanina sa chapel." sagot ng bantay.
"G-ganun ba? Sige po sir, maraming salamat po. Ay sir, bukas po ba ang chapel ngayon?"
"Hindi po ata, sir."
"O-okay po sir, maraming salamat."
Dama ni Meynard ang tenyon sa kanyang kamay nang iusad n'ya ang sasakyan paabante nang makitang itinaas na ng bantay ang harang.
"Shit. Lakarin na lang natin papuntang chapel matapos nating bisitahin si Connery." suggestion ni Meynard matapos n'yang iliko ang sasakyan pakanan. "Sa likod na lang tayo dumaan para hindi tayo mahalata tsaka shortcut din yun." pahabol nito.
"O-okay." sagot ni Yasmine.
Makalipas ang mga isang-daang metro, lumiko naman sila pakaliwa at sa layong limampung-metro, sa kaliwang bahagi ng kalye matatagpuan ang museum. Sa unahan at di kalayuan ng museum, itinabi ni Meynard ang kanyang kotse sa tabi ng itim na Montero. Unang lumabas si Yasmine at iniikot ang tingin sa lugar. Sumunod naman si Meynard na akma sanang n'yan bibitbitin ang kanyang laptop pero nagpagdesisyon n'yang iwan na lang ito sa loob ng sasakyan.
Tinungo nila ang maliwanag na museum. May ilang nagkumpulang tao sa labas na karamihan ay katrabaho ni Connery. May ilang military personnel din silang namataan. Medyo may kalawakan ang museum nang pumasok sila. Naka-display dito ang ilan sa mga lumang kagamitang pangdigma at ang mga sinaunang gamit ng AFP.
Karamihan ay mga baril simula sa Garand rifle hanggang sa M16 rifle. May mga mapa ring naka-frame na ginamit noong World War II at ang evolution ng uniporme at accessories ng mga sundalo na pinasuot sa ilang manikin. Pero isang bagay ang nagbigay sa kanya ng kakaibang nginig. Napansin ni Yasmine ang pagkabalisa nito.
"Ayos ka lang, Nard?"
"Ha? O-oo. Hayun pala si Nicole." sabay turo ni Meynard dito.
Sinalubong sila ni Nicole nang makitang lumapit sila. Unang umakap si Yasmine at nagbigay ng pakikiramay. Sumunod naman si Meynard. Lumapit ang tatlo sa kabaong at sinilip nila ang kaibigang modelo ng katapangan at pagiging matulungin. Kita sa mukha na inayos ito dahil sa tindi ng tama. Taimtim na panalangin ang inialay ni Meynard at respeto naman kay Yasmine.
Hinanap nila ang kanilang inaanak ngunit nagpapahinga na raw ito kasama ng kanyang Lola sabi ni Nicole . Masakit daw kasi ang ulo nito. Menos dies para alas otso nang sumulyap si Meynard sa kanyang relo.
BINABASA MO ANG
Alt Key: The Devil's Code (Completed)
Misterio / SuspensoScifi/Paranormal A dark mystery yet to be unfolded. An incident that abruptly altered the life of a simple girl. The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions. But the...