Rebel two!

38.9K 860 65
                                    

NOTE: TRIPLE SPG. Kung hindi mo gusto ng ganito ay huwag basahin.

Chasty Park

CHASTY ---

Ang lakas talaga maka buwisit ng lalaking yon. Akala nya siguro porket bading ako at maliit ako ay hindi ko sya lalabanan? Napaka feelingero pa! Huwag sana kaming lagi magkita dahil baka mamatay ako sa konsumisyon.

Pagkatapos ko syang tingnan ng masama habang may sakay syang babae sa motor nya ay inirapan ko sya at nagpatuloy na lang sa pag aabang ng jeep. Ayoko abutin ng dilim,panigurado patay na naman ako kay tatay.

Sa awa ng Diyos ay hindi naman ako inabot ng fourty nine years sa pag aabang sa jeep. Bago pa ako makasakay sa jeep ay may sumigaw na babae. Paglingon ko ay yung mga babaeng nagpapicture sa akin kanina kaya agad akong nag teleport sa loob ng jeep.

Grabe ang mga iyon. Pakiramdam ko hindi matatahimik ang buhay ko dahil sa kanila. Hindi ko alam kung anong nakita nila sa akin at para silang nakakita ng isang Kpop singer,nakakaloka lang,mahapdi na pisngi ko sa pagkurot nila kanina at ngalay na ang bibig ko kakangiti sa walang katapusan nilang picture taking.

"Buti at umuwi ka pang baklita ka?! Hindi ka man lang nag iwan ng pang inom kong bwisit ka!" agad na bulyaw ni Tatay pagbukas ko ng pinto. Tinamaan din ako sa noo ng ibinato nyang kutsara,ininda ko na lamang ang sakit.

"S-sorry po Tay,nagmamadali po kasi ako sa pagpapa enroll." ang sabi ko ng tuluyan ng makapasok sa bahay.

"Huwag na huwag mo sabi akong tatawaging tatay! Hindi kita anak! Punyeta yang nanay mo! Pagkatapos magpabuntis sa koreano iiwanan ka sa akin? Kaya minalas ako!" sigaw ulit nito habang naglalakad ako papuntang kusina. Sanay na ako,simula pagkabata ay hindi ko naramdamang pinahalagahan nya ako,sa bagay hindi naman nya ako tunay na anak.

"Magsasaing na po ako,magpahinga po muna kayo." ang mapagkumbaba kong sabi.

"Mabuti pa nga ng magkaroon ka ng silbi! Pupunta lang ako kina Tasyo,tawagin mo ako pag nakapag luto ka na." ani Tatay at naglakad na papuntang pintuan. Kahit papaano naman ay mahal ko si Tatay,kaya kahit nagagalit sya ay sinasaway ko sya sa pag inom nya.

"Tay,magpahinga na lang po kayo,huwag na kayong uminom,baka hindi na naman kayo makakain nyan." ang agad kong pahabol. Tumigil si Tatay sa paglakad at agad akong nilapitan at kinwelyuhan,ramdam ko ang pag angat ko sa ere.

"Wala kang karapatan! Ang mabuti pa,lumayas ka na lang,hanapin mo ang tatay mong koreano at huwag ka ng babalik para hindi na ako nakukunsumi! Bwisit ka! Wala ka na ngang silbi,naging bakla ka pa!" galit na sabi ni Tatay at inihagis ako sa may lamesa,tumama ang tagiliran ko sa kanto ng lamesa kaya kinapos ako sa paghinga. "Tama lang yan sayo!."

Agad din lumabas ng bahay si Tatay,ako naman ay hirap huminga at tumayo. Hindi ko na magawang umiyak,naubos na ang luha ko kakaiyak dati. Na immune na din ako siguro,ang tanging nagagawa ko lang ay magtiis.

Agad na akong nagsaing at nagluto ng ulam,tinola ang niluto ko para may mahigop na sabaw si Tatay. Ang totoo nyan kahit na galit ako kay Tatay ay mahal ko sya,mas galit pa ako sa tunay kong ama at sa ina ko,pero ano ba ang magagawa ko? Ang tanging kunswelo ko na lamang ay ang pag aaral,once na makatapos ako ay maiaahon ko na si Tatay sa hirap. Sa ganoong paraan hindi na siguro sya magagalit sa akin.

Matapos kong magluto ay lumabas na ako para puntahan si Tatay kina ka Tasyong. Naabutan ko silang may pinag uusapan na tungkol sa babaeng magaling daw sa kama,nagkunwari na lamang akong walang narinig.

"Tay,kain na po tayo." ang sabi ko at nilingon nila ako,ng mga kainuman ni Tatay.

"Dalaginding na si Chasty,parang babae talaga yang anak mo." sabi ng isang kainuman ni Tatay at ngumisi. Nagtayuan tuloy ang mga balahibo ko.

Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon