Ang manikang may Itlog
Noong bata ako gusto kong magkaroon ng manika, yung naglalakad, yung nagsasalita, yung natutulog rin, kumakain at syempre gusto ko yung napapaliguan at naglalabas din ng masamang loob sa banyo, Siguro kung magkakaroon ako ng manikang tulad ng ganito may matuturing narin akong parang kapatid ko, yung tipong kamuka ko rin sya (para Masaya). Ilan taon kong hinihiling ‘toh sa mga magulang ko, nasa ika-anim na edad palang ako at eto na ang ina-asam asam ko, Pero bakit ganun? Parang hindi kayang ibigay nila nanay sakin ang ganitong uri ng laruan. Teka, kilala mo na ba ako? Ako si Leonora, Pero Leo Sylvester ang tunay na pangalan ko, akala mo babae ako hanuh? Hindi e. Slight lang. Siguro kung isusuot mo ang mga sapatos ko malalaman mo kung gano kahirap ang kalagayan ko, araw-araw akong pinapalo at hinahampas nang mahal kong ama . Walang awa, Walang patawad. Naaawa naman ako kay inay na laging lumuluha sa tuwing pinapalo ako ni tatay dahil sa mga kahilingan ko sakanila. Make-up kit, Gown, Palda at ang ina-asam asam kong manika, sinabi ko na sayo, ang gusto ko yung naglalakad, yung nagsasalita, yung natutulog rin, kumakain at syempre gusto ko yung napapaliguan at naglalabas din ng masamang loob sa banyo. Haaaay. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganito kung sa mismong tatay ko di ako suportado. Madalas pa nga hinihila nya ko sa palayo sa punong nakatanim sa likod bahay namin. Ewan ko ba, tuwing makikita nya ko dun, Sasabunutan nya ko at hihilahudin palayo samantalang wala naman akong ginagawang masama doon, Madalas akong pumunta sa puno na yun, nangangarap na sana kasama ko ang manika na gusto ko, pag nagkaroon ako ng ganung manika papangalanan ko sya ng Kirka.. Di ko makakalimutan yung pangalan na yon sapagkat kinuha ko yun sa pangalan ng lalaking sumubok na mambuntis sa pusa namin syempre nagselos ako kaya’t pinagbabato ko sya ng itlog palayo sa buhay namin ni muning. Balita ko patay na yun ngayun. O teka, wag na yon. Ang patay ay patay na at di na muling babangon para mangahas..Alas Dose ng madaling araw ng pumunta ko ulit sa likod ng puno namin para pag masdan ang mga bulaklak na tumutubo sa paligid nito, magaganda at mababango parang ako Pero di ko namalayan nasa likod ko nanaman si itay, may dalang gunting. Alam mo ba kung ano ginawa nya? Ginupit nya yung buhok kong kulay red, anu ba naman? Bakit pinagkakait nalang nila sakin lahat? Di ba nila alam na masama parin ang loob ko sa kanila dahil yung manikang gustong gusto ko di pa nila ibinibigay! Bakit ganun ang buhay? L Ikinulong ako ni tatay sa isang hawla at isinabit sa puno kung saan ako naglalagi, Imagine? Nagawa sakin yun ni itay. Kaarawan ko pa naman bukas. Tsk. Tsk. Pero bago ako natulog bumulong ako sa puno “alkab oak, alkab oak! Mapasakin sana ang manikang gusto ko. Alkab oak, alkab oak” di ko nanaman nakita si itay sa baba, inabot nya ako at binatukan sabay sampal sa napakakiniskong muka aba ako nahiya! Basta2 nalang nya kong sinampal ng maduming kamay sayang lang ang paggamit ko ng “Belo”. Umiyak ako buong gabi, inisip ko kung pano ko idaraos ang kaarawan ko bukas hanggang sa nakatulog ako, Sa panaginip ko pumatay daw ako ng manok sa kadahilanang may makukuha akong malaking manika sa loob ng itlog nito, hiniwa ko ang tyan ng manok at kinuha ang itlog pero walang laman ang loob ng tyan, sumigaw ako! Ang gulo gulo ng panaginip ko, andaming dugo, ang ingay ingay. Ngunit bigla akong nagising sa malakas na sigaw ni itay “HOY LEO! GUMISING KANG PALAKA KA, ANONG MENSTRUATION KA DYAN? KUNG ANO ANO PINAGSASABI MO”. Sa sobrang lungkot ko dahil sa mga ginawa sakin ni tatay naisipan ko nalang na maglayas, naranasan kong marape, nasira ang pagkababae ko! O anu ba? Anu pa ba? Nanakawan din ako, wala na kong lipstick, walangya rin pala ang mga tao sa kalsada. Andami kong karanasan sa murang edad ko palamang na katorse. Habang naglalakad ako may nakita akong manok na muntik ng masagasaan, sya yung manok sa panaginip ko, iniligtas ko ‘toh at binulungan “alkab oak, alkab oak! Mapasakin sana ang manikang gusto ko. Alkab oak, alkab oak”, bigla itong nagbago, Isang matandang pangit na luray luray ang damit pero kahawig ni superman sapagkat nauuna ang brief kaysa sa pantaloon, sh*t ang panget sabi nya pag hinalikan ko daw sya makukuha ko ang gusto ko, at syempre sa kagustuhan kong magkaroon ng manika hinalikan ko ‘toh aba! Lasang Cadbury! Pero bago ang lahat napansin ko ang Puting itlog na nakalagay sa kanyang tenga. OMG! Di ko maimagine kung panong nagkaroon ng itlog sa tenga, may kinalaman kaya ang mga nanyayayri ngayon sa panaginip ko? Anuuu baaaa? Pagkahalik ko sakanya Dagli dagli syang nagging magandang manika ang hindi ko lang maintindihan andun parin ang itlog sakanyang tenga hanggang sa malaman ko na yun pala yung latest version ng manika.
Isang baklang matanda nanaman ang nagpakita sakin ang sabi nya “Ingatan mo si Kirka, mahal na mahal ko yang manika na yan” May isang bagay akong napansin sakanya kamuka nya si itay. Pero bakit ganun? Bakla? Bakla ba si tatay?. Hay nako , anu ba. Kung ano2 na nasa isip ko. Ang gulo kaya minarapat kong umuwi sa bahay. Sa di kalayuan nakita kong ang daming tao sa tapat ng bahay namin, may maliliwanag na dilaw na ilaw habang papalapit ako nakita kong umiiyak si nanay, napansin ko rin andaming nakikipagburol na mga bakla, bakit kaya sila nandito? At nang pumasok ako, nakita ko si tatay nakasuot ng pink na gown may hawak na red na lipstick sa kaliwang kamay at nakangiti, ang ganda rin pala ng tatay ko kamuka ko pero bigla kong napansin na tumutulo ang mga luha ko, “Itay ikaw ba yan? Bakit mo ko iniwan? Bakiiiiiittttt?” wala na si tatay, nalulungkot ako, andaming lumapit sakin na bakla mga kaberks daw ni tatay yun nagsalita ang isa sa kanila “anak, ang ganda mo. Parang tatay mo, parehas kayong maganda, pero may isang bagay syang gustong ipaabot sayo bago namatay, ang sabi nya pag nakuha mo na daw yung manikang gusto mo wala na sya dahil ang manikang iyon ang tanging maipapamana nya sayo, itinago nya yun sa loob ng cabinet kasama ng isang manok na nangingitlog na laging pinaglalaruan ng tatay mo, kaya’t kung natanggap mo na ang manika sa isang matanda maging Masaya ka, mula yan sa tatay mo” Pagkalungkot at saya ang naramdaman ko pero bakit di nya binigay sakin yung manikang gusto ko nung nbubuhay pa sya ang tanong ko sa barkada nyang bading. Sumagot ‘toh “Dahil ibinigay lang sakanya yun ni Kirk at ayaw nyang may kaagaw pang iba” doon ko napagtanto na nagkaroon pala sila ng relasyon ni Kirk ang sumubok na mambuntis sa pusa namin na binato ko nang mga itlog.. Ngayon may manika nako, sya nga pala si Kirka, ang manikang matagal kong hiniling sa mga magulang ko pero ngayon ko lang nakamit dahil ipinagkait sakin ng ama ko na dapat tinawag kong ina nung nabubuhay pa.. Sya si Kirka may itlog sa tenga..
-WAKAS-