CHAPTER 2: HENDRIX REUTOTAR

19.8K 282 15
                                    


  
            HINDI pa rin ako makapaniwala na natali na ako sa babaeng hindi ko naman talaga gusto o minahal at makasama habang buhay. Gusto ko man pekein ang papel pero hindi ko magawa dahil ang mga magulang namin ang nag-ayos ng lahat. Hindi bale, alam ko namang panandalian lang ang lahat ng ito, at kapag nakuha ko na ng tuluyan ang shares nila para sa kompanya namin, sisiguraduhin kong matatapos na ang kasunduang ito. At kung sakaling hindi niya ako bitawan o pakawalan, gagawa’t gagawa ako ng paraan para siya mismo ang kusang sumuko. At kapag nangyari ‘yon, magiging malaya na ako. Sa ngayon kailangan ko munang magtiis at maghintay na dumating ang panahon na iyon.
            Pabagsak na kasi ang kompaniya namin dahil wala ng magte-take over ng company namin. Hindi naman 'yon ang profession ni Mama kasi isa siyang fasion designer samantalang ang business ni Papa ay ang RCC (Reutotar Construction Company). Sayang naman ang pinaghirapan ni Papa kung tuluyan na itong babagsak kaya dahil ako ang nag-iisang anak, ako ang papalit sa pwesto niya, tutal nagtapos naman ako sa kursong architecture at ako rin naman ang magmamana. At dahil sa business namin nagkalintik-lintik ang buhay ko, dahil nga sa malapit ng bumagsak ang kompanya namin naghanap ng paraan si Mama at 'yon ay ang kausapin ang asawa ng kaniyang kaibigan na may ari ng no.1 Construction Company sa bansa. Napagkasunduan na ipag-merge ang company nila sa company namin para 'di masayang ang lahat ng pinagpaguran ni Papa. Napakagandang idea, 'di ba? Makakatanggi ba kami kung sila na ang makaka-merge namin? Siyempre grab the opportunity na.
            Pero hindi ko akalain na kailangan ko pa pa lang pakasalan ang anak nila. Never in my wildest dream na magpakasal sa taong hindi ko naman gusto o minahal. Buti sana kung si Zena, pero hindi, e. Kaya heto ako ngayon, miserable!
             Nagtataka siguro kayo kung bakit agad akong umalis ng mansyon matapos kong magbihis, ano? Simple lang, gusto ko lang magpalamig at makalanghap ng sariwang hangin dahil pakiramdam ko nasasakal ako kapag kasama ko siya, pakiramdam ko wala akong karapatang gumalaw o kumilos man lang, dahil parang lagi siyang nakamasid sa bawat hakbang at galaw ko.
                Nagtataka rin siguro kayo kung bakit ako nahuli sa kasal, ano? Simple lang din, nabalitaan ko kasi sa isa sa mga kaibigan ko na dumating na raw sa bansa si Zena kaya naman walang oras akong sinayang at agad na tinungo ang paliparan. Wala akong pakialam kong hindi man ako makasipot sa kasal dahil mas mahalaga sa akin ang kaligayahan ko. Ito na rin siguro ang sign na hindi ko dapat ituloy ang kasal, na hindi ko dapat sayangin ang panahon na nasimulan namin. Kaya naman hindi ko pinag-aksayahan ng panahon na sagutin ang mga tawag ni Mama.
                 Pero ilang oras na akong naghihintay sa kaniya sa airport ay wala akong Zena na nakita o nasilayan. Marahil ay na-delay lang ang byahe niya kaya naghintay pa ako ng mga ilang oras, pero sa palagay ko sa mga oras na ito ay hindi na siguro natuloy ang pagbabalik niya dito sa bansa.
                Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa harap na ako ng simbahan. Hindi ko rin alam kong bakit dito ako dinala ng mga paa ko, siguro ito na rin ‘yong sign na ituloy ko ang pagpapakasal, na kalimutan ko na ang lahat ng nakaraan ko, na nakalimutan na niya talaga ako. Pero umaasa pa rin ako na balang araw ay babalik siya sa akin. Alam kong may dahilan siya kong bakit ito nangyayari sa amin ngayon, kaya handa akong makinig sa mga paliwanag niya.
                 Lalo na sa interview niya sa isang talk show na napanood ko noon. Itinanggi niya kasi sa media noon na never pa siyang nagkanobyo.
                  Ano ‘yon? Laro-laro lang lahat ng pinagsamahan namin? Na hindi niya talaga ako minahal? Kaya hindi niya ako masisisi kung bakit ako nakatali ngayon sa ibang babae. Nangako siya sa akin na sabay kaming magtatapos ng College, pero ano’ng ginawa niya? Iniwan niya ako para sa career niya ng hindi man lang ako kinausap na tanging sa text lang siya nagpaalam. Nalaman ko rin na iyon na rin pala ang araw ng alis niya.
                 At nandito nga ako sa bar, pagpasok ko pa lang ingay agad ang sumalubong sa 'kin at sari-saring amoy ng alak at sigarilyo rin ang maamoy mo. Umupo ako sa may counter bar at uminom ng hard liquor, ‘yon bang nakakapagpagaan ng loob at isip ko. Pwede rin akong uminom at umorder kahit kailan ko gugustuhin dahil kaibigan ko naman ang may ari ng bar na ito, syempre libre kami ng mga barkada ko. Hindi ko rin nga alam kong bakit BEER GIN BAR ang pangalan ng bar niya, e. Parang VIRGIN lang ‘pag binasa mo ng mabilis. Hay! Ewan ba sa mukong na ‘yon porque mahilig sa mga V na babae.
            And speaking of that mukong, nakaramdam na lang ako ng tapik sa liguran ko at nakita ang kaibigan ko, ang may ari ng bar na ito.
             “Hey bro, what’s up?” si Nix, isa sa mga matatalik kong kaibigan."
              “Ano pa nga bang bago,” walang ganang sagot ko sa kaniya sabay lagok ng minsanan sa alak ko at sinalinang muli.
               Hindi niyo ako masisisi kung bakit ganito ako sa kanya ngayon, malaki atraso niya sa akin. Akala niya siguro kakalimutan ko ‘yong nangyari kanina na halos ugatin na ako sa kakahintay ng wala sa airport, tsk!
                 “Hayop ka, Bro. Ginawa mo ‘kong tanga sa airport kanina. Kahit anino niya wala akong nakita,” oo siya lang naman ang nagsabi sa akin ng walang kwentang balita na wala naman pa lang katotohanan.
                 “Oh, chill lang, Bro. Narinig ko lang naman ‘yon kanina sa balita. Baka naman nagkaroon lang ng aberya kaya ‘di siya natuloy sa pag-uwi,” pagpapaliwanag niya habang nagsasalin ng sarili niyang alak sa baso.
                “Fuck you!” kasing lutong ng bagong withdraw na pera sa bangko na mura ko sa kanya.
                “I love you too, Bro!” shit siya, mag i love ba naman sa kauri niya, kadiri lang. Kung ‘di ko lang ‘to kilala baka napagkamalan ko na siyang POGAY at baka bulagta na siya ngayon sa sahig at putok-putok na ang pagmumuka niya sa bugbog ko, kaya napailing na lang ako at nag-inuman na kami.

GROW OLD WITH YOU [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon