GEEK IN PINK

149 9 2
                                    

Geek In Pink 

By: lirpashannah

Nakita ko na naman siya sa hallway. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan. He is popular. Maganda ang kaniyang boses. He is the lead vocalist of their band. Magaling sa gitara at sa drums. 

He is almost perfect. Iyon nga lang suplado. Kaklase ko siya simula first year kami hanggang ngayong graduating na kami. Pareho kasi kami ng course. Magkaklase rin kami sa lahat ng subjects.

Naalala ko noong first year pa lang kami........................

""Mr. Montillo!!!!! Tinulugan mo na naman ang klase ko? First year ka pa lang ganyan na agad ugali mo? Galangin mo naman professor mo."" Parang umuusok na noon ang ilong ng professor namin. 

Kahit tulog siya noon ang gwapo niya pa rin. Para siyang isang anghel.

""MR. MONTILLO LUMABAS KA SA KLASE KO!!!!! GISIIIIIING!!!"" Sinigawan na siya ng prof. namin noon. Pero siya ang cool niya pa rin. 

Tiningnan niya lang ang prof. namin ng masama. At ang tanging sinabi niya ay.. .

""Wala akong pakialam kung professor ka man dito. Iniistorbo mo tulog ko."" Cool na cool na sabi niya. Parang hindi naman siya inis. Kasi natural lang ang pagkakasabi niya. Normal din ang boses niya. Pero kahit na ganun parang may lumalabas na usok sa tenga ni prof. 

Tumayo siya agad saka binulsa ang isang kamay.

""Saan ka pupunta MONTILLO???"" Nag-iinit na sa galit ang prof. namin samantalang siya ay ang lamig pa rin ng aura.

""Lalabas. Diba pinapalabas mo na ako? Tabi."" 

Pagkasabi niya nun ay naglakad na siya palabas ng room. 

Grabi. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya yun sa prof namin. Yun pa naman ang pinakaterror na prof sa boung college department. Pero......... 

""Kung hindi lang sa kanila itong school, pinatulan ko na ang batang iyon."" Sabi ng prof namin. 

Kaya pala ang angas niya.....

Hanggang ngayon ganun pa rin siya. Suplado. Pero may mga kaibigan siyang nagtiyatiyaga sa ugali niya.

Tumingin siya sa direction ko. I looked away. Ako ba ang tinitignan niya? Assuming naman ako. Pero ako lang naman ang nandito sa bench. Sana naman ako na lang tinitingnan niya. Sana mapansin niya rin ako.

Kagaya ng ibang babae. Gustong-gusto ko rin siya kahit na ganyan ugali niya. Ewan ko ba sa puso ko at bakit tumitibok ng mabilis sa kanya.

Mapapansin niya kaya ang isang tulad ko? Na ang tanging kasama lagi ay libro? Ako na tinatawag ng karamihan na weirdo?

Maski siya. Ang tawag niya sa akin ay 'geek in pink'. Hindi niya ako tinatawag sa pangalan ko. Noong una hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang tawag niya sa akin. Ayun sa isa kong kaklase dahil daw matalino ako tapos ang uniform pa namin ay kulay pink.

*******criiiiiiiing********

Tumunog na ang bell. Tapos na ang vacant period. Next subject na.. inayos ko na ang mga libro ko. Ang dami ko kasing books. Puno na ang locker ko kaya ang mga ito binibitbit ko na lang.

Tumakbo ako papunta sa room namin. Papasok na sana ako sa room ng may nabunggo ako. Nabunggo ko yung taong lalabas sana sa room. Natumba ako at nabitiwan ko ang mga libro ko.

""Ayos ka lang ba gliss?"" Tiningnan ko siya. Tinawag niya ako sa pangalan ko. For the first time binanggit ni Liam Montillo ang pangalan ko. Blessing in disguise rin pala ang pagkakabunggo namin.

GEEK IN PINKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon