Sa mensahe na winika ng puso ay sana'y madama,
Ang bawat marka ng pag-ibig na idinesenyong salita
Ang papel na mistulang naglulan ng payak na pagsinta,
Sa lapis na ang aking napa-ibig na puso ang nagdikta
Ikinumpas ng kamay binaybay ng bibig ligaya ay nabatid,
Pag-ibig ang sumubaybay upang ito'y tuloyang mahatid
Dahil ang bawat talata sa tula ay nais kong maipabatid,
Upang ang bawat tuwa na namalagi sa akin ay mabuod
Mistulang tarangkahan ng kulay ang iyong pagkatao,
Nais kong malaman mo na ang diretso ko ay sa puso
Walang ibang hatid na karumihan pagsinta ay ninanais ko lang,
Dahilan upang ako'y maging kasangpan ng tulog na nilalang
Sana'y tuloyan ng lisanin ang pook na ang lungkot ay hadlang,
Ninanais na makamtan pag-ibig na ibibigay sa taong iisa lang
Kung hindi mawari mangyari'y mga salita'y naging palaisipan,
Mahal kita aking sinta yun lang lagi sana ang iyong tatandaan.