Chapter 14: I really do

78.3K 2.2K 177
                                    

Chapter 14

Pareho kaming nagulat nang makita namin ang isa't isa. Huwag mong sabihin na ang tinutukoy ni Caleb na babaeng mahal niya ay si Mindy na pinsan ko. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko kasi hindi ko alam na magkakilala pala silang dalawa.

"Ate Avery," tawag niya at mabilis na lumapit sa'kin at niyakap ako.

Ginantihan ko naman siya ng yakap dahil sobra ko din namiss ang babaeng 'to. Mas nagmukha na siyang mature sa itsura niya kasi nag-aayos na siya ng kanyang sarili.

Sa lahat ng aking pinsan, siya lamang ang pinaka close ko sa lahat. Sa tuwing magkasama kaming dalawa hindi naman niya binabanggit ang pangalan ni Caleb kaya nakakapagtaka na magkakilala pala silang dalawa.

"Si Mindy na pinsan ko?" gulat kong tanong sa kanya habang nanlalaki ang mata ko nang bigla akong hinila ni Caleb papalayo kay Mindy.

"Oo, siya nga ang tinutukoy ko sayo, " tugon niya kaya kumunot pa lalo ang noo ko sapagkat parang hindi siya sigurado sa sinagot niya.

Mas minabuti ko na lang na huwag nalang magtanong pa sa kanya. Bigla niya akong iniwan sa pwesto kung nasaan ako at tumakbo siya papalapit kay Mindy.

Makikita sa mukha ni Caleb ang saya habang kasama niya si Mindy samantalang ganun din si Mindy kay Caleb na halos pikit na ang mata dahil sa saya na kausap si Caleb. Babae ako kaya alam ko na may pagtingin din sa kanya ang pinsan ko.

Nagtataka ako dahil parang kabaligtaran ang sinasabi ni Caleb sa akin. Sinabi niya na ang babaeng mahal niya ay may mahal ng iba pero napapansin ko naman na gusto siya ni Mindy sa tingin niya palang kay Caleb mahahalata mona.

Umiling ako nang maramdaman kong kumirot ang dibdib ko. No Avery, kaibigan mo lang siya diba? Kaibigan mo lang atsaka si Xander ang mahal mo si Xander lang at wala ng iba.

Siguro hindi lang ako sanay na mapupunta ang atensyon niya sa iba. Nasanay ako na palagi ko siyang nasa tabi at hindi niya ako iniiwan kahit na ano ang mangyari. Siguro kailangan ko ng sanayin na wala sa tabi ko si Caleb lalo na't may iba na siyang priority at 'yon ay si Mindy.

"Ouch naman gurl, nakakasilaw," rinig kong sabi ng nasa gilid ko.

Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang sumulpot si Kaye. May hawak siyang paper bag na sa palagay ko ay pagkain ang mga laman. Kahit kelan talaga food is life ang babaeng 'to pero hindi naman siya tumataba kahit na ano ang kain niya.

Half day lang kami ngayon sapagkat may pupunta na bisita sa aming school kaya naisipan muna namin na pumunta dito sa mall para mamasyal.

Sumama nalang ako sa kanya dahil minsan lang naman ako pumunta dito. Mas gusto ko pang manatili sa bahay kaysa mamasyal sa isang mall. Wala din naman akong gagawin dito sa mall kung pupunta ako rito. Wala akong alam na lugar na pwedeng tambayan kasi minsan lang ako pumunta sa mga mall.

"Huh?" gulat kong tanong nang mapansin kong ngumuso siya sa kung nasaan si Caleb at si Mindy na masayang nagtatawanan.

"Ang sakit naman sa mata, " nakangisi niyang tugon kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya dahil alam kong may ibig sabihin ang sinabi niya.

"Tingan mo ang dalawang 'yon. Bagay silang dalawa diba? 101% na aalagaan siya ni Caleb at hindi pababayaan tulad ng ginagawa niya sa'yo. Titig palang nila sa isa't isa mahahalata mo ng inlove na inlove sila. Kaya ngayon girlfriend first before bestfriend, " malapad na ngiti niyang wika habang nakatingin lamang sa lugar kung nasaan si Mindy at Caleb.

Natigilan ako sa sinabi niya. Alam ko naman ang bagay na 'yon. Wala naman akong karapatan para agawin ang oras ni Caleb at isa pa kaibigan ko lang siya at si Xander naman ang mahal ko.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon