PAW’S POV
Nakatanggap ako ng isang malaking ‘CONGRATULATIONS’ kay Doc Al after ng Finals. Paking teyp! Sinong matutuwa sa’yo kung pang-apat ka lang sa pinakamatataas sa result ng finals? Niloloko ako ni Aldredge eh!
Nakwento niya rin na nagkita sila ni Dawn sa Pangasinan nung naka-leave siya. Tingnan mo ‘to!? Nagkita sila samantalang AKO, AKO NA GIRLFRIEND NIYA, ILANG BUWAN KO NANG HINDI SIYA NAKIKITA!
Anoberr? Summer na oh! Te-ene.
“Ayos na ba gamit mo?” Momsy asked.
Nilaro ko yung lamp shade. “Yeah, hindi ba talaga pwedeng hindi na lang ako sumama? I mean, ayoko talagang umalis ng Manila eh.”
Napahawak na lang si Momsy sa magkabilang bewang niya.
“Pauline, ano kaba! Nung una, hindi ka dito nagpasko tapos nung new year, hindi ka lumabas ng kwarto mo, tapos ngayong summer ayaw mong sumama? Ayaw mo na ba kami maging pamilya?”
“Momsy naman eh! Alam mo naman, I hate travelling! Tapos mabundok pa kila lola, mas gusto ko na lang mag-isa dito sa bahay! Boring dun, walang signal, walang net, tsaka Moms, practicum na namin sa pasukan, maghahanap pa ako ng company, tap---”
Momsy’s eyes widen. “HAH? Akala ko ba dun ka magpaprac sa hospital na pinapasukan ko?”
Hinayaan ko na yung lampshade at ininom yung zest-o na katabi lang ng lampshade. “Ma naman eh! Gusto ko sa isang…Mental Hospital, para naman diba? Makatotohan.” Tapos ngumiti ako.
Napabuntong-hininga na lang si Momsy. “Ayaw mo talaga sumama?”
Oh-kay! Dreams come true! Lumapad ngiti ko!
“OPO. AYAW.”
“Wala ng atrasan June Pauline?” taas-kilay na tanong ni Moms.
“WALA. NA.” Sobrang lapad ng ngiti ko. EMEGED! FOR THE PERS TEYM, DI AKO SASAMA! OH GOD, THANK YOU PO!
Bigla namang sumingit si Popsy. “Eh sino makakasama mo the whole summer?” Sino pa ba? Edi si Dawn! HAHAHA. He promises na this summer we will have a bonding, sa Puerto Azul pa. oha? :D
“Eh sino pa? Edi si Grace, Maxene, Carlo, Tricia.. eeek! and others!” excited kong sabi kahit na hindi ko kilala yang mga binanggit ko! HAHAHA. Hell’ya, I’m a really good liar!
“Pano na Moms? Iwan na natin siya?” tanong naman ni Popsy kay Momsy. Ples? Ples? Ples? Pumayag ka na Moms!
Tinignan muna ni Momsy si Pops sabay tingin balik sakin. “Wala akong kilala sa mga binanggit mo, Pauline.” AKO DIN NAMAN MOMS EH. HAHAHA.
Kinaway ko yung dalawa kong kamay. “Don’t worry Moms, mababait naman ang mga Psyc.”
“That’s it! I’m calling Fabian!” sabay dukot ng cellphone sa bulsa niya.
TEKA?
“NOOOOOOO!!” halos patakbo kong nilapitan si Momsy, mapigilan lang yung pag-dial niya sa number ni Fabian. Hell!
Naiwas naman agad ni Momsy. “NO? Edi sasama ka samin?”
Kumunot-noo ko. Tinignan ko si Popsy, hell-o? Popsy! I need your help here, don’t smirk! =_=
Umiling ako. “No, I’m staying here.”
“Okay,” Momsy said firmly. Thank God! “You’ll stay but with Fabian.” COME AGAIN?!!