Chapter Q1

999 6 6
                                    

PAW’S POV

Kararating lang namin ni Fabian from Puerto Galera, And ouch! My body really hurts. Hinatid niya muna ako bago siya umuwi sa kanila. Three days ago, Ah, One month ago, I’m enjoying my life ngayon binabawi na.

Look, you have a choice, pwede mo namang iwan na lang si Dawn eh, my subconscious started.

“Ayoko. Mahal ko siya.” And I was like, what the hell?! I was actually talking to myself! Changalang! Hinagis ko yung mga bagahe ko sa kung saan man.

And I slump on the sofa. Pagod na pagod ako, and I fast asleep.

Naalimpungatan ako ng mag-ring yung phone ko. Neri’s right. My fuckin’ ringtone is really irritating. UGH. It’s 2.41 AM. And sht. Sa Sofa ako natulog?

“Hello?” I answered half-asleep.

“Neli, pasensya na, nagising ba kita?”

Napadilat ako. Oh-kay. Weird. Alex’s calling me on this late hour? Not her style. “Frankly, yes. What’s up? Kakauwi ko lang galing Puerto eh.” tapos naghikab ako.

“Neli, natatakot ako eh.”

I smile. “Bakit may nagawa kang kasalanan noh? Ikaw ha, kunwari, banal ka, yun pala. Nakuuu!” para akong baliw, dahil tinawanan ko yung sarili kong joke. Kaaay, kakagising ko lang eh.

Biglang tumahimik. Na-offend ko ba? Ahhh, ewaan!

“Hello? Uy! Joke lang, eto naman!” I added.

“Pumunta si Zelo sa bahay kagabi, hinahanap ka niya, wala ka daw sa bahay niyo. Tapos Neli, lasing ata siya, may sinisigaw siyang, WAIT. Sorry po Lord, magmumura muna ako, sabi niya ‘Babalik sakin si Neli, she’s fckin’ mine! Ilabas nyo siya! Tengene nyong lahat! Mapapatay ko kayo eh!’ Pina-barangay namin siya,” tapos huminga siya.

“Teka – teka! Wait lang ha? Si Zelo ba yang kinekwento mo? Lacsamana?! Hindi ako naniniwala!”I yell but she ignored me by the way.

“Pina-barangay nga namin siya pero nakatakas eh, pero buti hindi na siya bumalik sa bahay tapos ngayon bago ako tumawag sa’yo…nagising kami sa putok ng baril. Neli, he’s hunting you. Mag-ingat ka.”

May gusto akong sabihin eh, ano ba yun? Bakit wala akong masabi?!

“May ba..ril siya?” I utter with disbelief. Really, it’s not his style.

“Oo, hinahanap na siya ng mga pulis ngayon. Member na pala siya ng frat few months ago pa.” Ibig sabihin? Nung nasa Republiq kami, Frat-Boy na siya? Kaya ba ganun kilos niya?

“Alex, natatakot ako! Ano bang ginawa ko sa kanya?!” hindi ko namamalayang nanginginig na kamay ko. Baka mamaya maghysteria nako!

Hindi ko pa naman siya binabasted ah? Diba? Wala akong balak na bastedin siya! Anoba! Biglang may kumalabog sa back door namin kaya I unconsciously shrieked.

“Neli! Ayos ka lang? Anong meron?” Paano kung nasa labas lang siya? Paano kung nandito siya sa loob ng bahay namin?

Automatic, tinignan ko lahat ng pinto at bintana. Tinaas ko yung paa ko sa sofa. “Alex. Napaparanoid na ako. Baka naman hindi ako ang hanap niya, kung good time ‘to, okay! Natatakot na ako!! You win!!”

“Anoba! Mahabaging Diyos! Hindi ako nagbibiro! He always says your name. Hindi na siya si Zelo.. ipagdadasal nalang kita. Ingat ka, sasama ako sa paghahanap. Sasabihin kong nakabalik ka na para may pulis na pumunta jan.” Binaba na niya. Hindi na ako nakasagot dahil halos lahat na ata ng tunog naririnig ko. Yung mga insekto, pagtulo ng patak ng tubig, yung hanging galing electric fan….

Desperadang KeridaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon