Chapter 5
Nakatambay kami nina JAM and the girls sa tabing dagat. Basically, today is our last day here kaya parang we needed time to take in the view. And we’re already planning kung anong gagawin namin for the rest of the day. Dapat gawin na namin ang mga gusto namin gawin kasi bukas aalis na kami. Early morning pa. We wanted to extend pa, pero syempre may mga magulang din naman kaming nag iintay sa amin at we only had enough money for tomorrow and some contingency fund in case of emergency.
“Bakit di tayo mag diving sa laot. Diba? Maganda corals dito.” Sabi ni Kylie
We all agreed pero napagdesisyonan na isama ang boys. The more the merrier daw. Okay. Ground, eat me now. —.—
So now, tinawag ni Kylie ang mga boys para yayain at syempre pumayag sila. Why do I feel so tensed?
They came at may dalang camera. We took pictures muna. Smile dito, smile don. Photobombing dito, photobombing don.
“Divz! Kayo naman ni Jake!” sigaw naman ni Gerome.
Oh. Why me? Why?
“Sure!” sabi ko na lang. Patay malisya. Hihihih.
“O closer naman. Closer! Closer!” tudyo pa ni Aaron.
Umakbay si Jake sakin. Then we smiled for the camera.
“Isa pa.” Aaron said.
“Hey about last night..” he whispered to my left ear habang nakaakbay.
“Good shot!” sigaw pa ni Aaron.
Napatingin ako kay Jake.
Click!
We looked at each other. Somehow, parang nabura sa background ang ingay. Parang kami lang ang tao dito. He looked gloriously handsome. His messy hair looked hot, parang he’s not even trying to be good looking pero he still make me swoon on him. Hindi ko nga alam if that’s even possible, but he’s more handsome now than yesterday. Shoot. Nababaliw na nga siguro ako.
“Hoooy! Kayo, gusto nyo lang ba magtitigan dito maghapon”
Nagulat ako nang marinig ang boses ni JAM at saka ko narealize na nagtititigan pala kami. I jerked away, blushing.
“Tara na.” I said walking away from them.
Nakasakay kami sa isang bangka, syempre kasama namin yung nagmamaneho at isa pang lalaki. Sabi nila, pagpunta daw namin sa laot, pwede na daw kaming lumusong sa tubig para tingnan ang corals. Pero mahigpit nilang pinagbawal ang kumuha. Tsss. As if naman may makakasisid sa ilalim para kumuha nun ano. Wala kaming oxygen tank, o kahit na anong apparatus. At first akala ko, kakabitan kami ng ganun pero hindi pala. Basta lng kami binigyan ng life jacket at goggles. Sabi nila pwede daw kami lumangoy sa ilalim para mas makita ang corals.
The boys swim, pero kaming mga girls kuntento na sa pagsusuot ng life jacket para lumutang at paglublob ng ulo para makita ang ilalim ng dagat. It’s very beautiful. As in, ang ganda ng view sa ilalim. At pag tinitingnan mo sya, parang ang lapit lapit lang na kaya mong abutin pero sa totoo lang super lalim na nya.
If I can only capture the view down there, kaso hindi pwede. Kaya binusog ko na lang ang mata ko ng magandang kulay ng corals.
On our way pabalik sa shore, tumabi sakin si aaron sa bangka.
“Tingnan mo. Ang gaganda ng kuha ko o.” He said while handing me tha camera. Pinapakita nya yung mga pictures kanina bago kami sumakay ng bangka. Picture of us. Kami ni Jake. Wow. We’re looking at each other’s eyes like we’re the only person in the world.