Chapter 58

13.8K 171 9
                                    

TRAVIS POV

Ngaun na ung araw ng alis ko pauwi ng America, kaylangan na ako dun, marami kasi akong naiwang trabaho. Mahirap sakin to, lalo na’t maiiwan ko sya. Anu bang gagawin ko? Sinasakop ni alex ung utak ko.. Urgh! Napaupo nalang ako sa kama ko, habang nakahawak sa ulo ko. Maya-maya may narinig akong bumato ng bintana.

Lumapit ako dun para buksan, pag bukas ko may apat na lalaking pumasok sa kwarto ko.. mga matatangkad at naka mascara ng jabawoki. Sino to? Teka, parang pamilyar ung mascara nila ahh.. san ko ba to nakita? Hmmm.

 

“sino kayo?” tanung ko..

Lumapit sakin ung isa sakanila.. ung isa naman humiga sa kama ko. Kumunot ang noo kong nakatingin sa kanya.

“HOY BRIAN TUMAYO KA JAN, TAE NAMAN OO!” sigaw nung isa..

“tumahimik ka! Gawin nyo ng malinis yan.” Sagot nya. Napansin ko ung mascara nya, hindi jabawoki. Mas maganda ung kanya.. mata nya lang ang may takip.. napatingin sya sakin..

e-eh?

 

“nagtataka ka? Bakit naiiba ako? Ako kasi ang pinakagwapo!” Sabi nya tapos tumagilid.. Natulog?

Teka? Brian? Brian ba kamo? Tek---

 

“kaylangan mong sumama samin,” sabi nung isa. Tapos tinakpan ung bibig ko ng panyo.. then ayun na nga.. nagdilim na ang paligid.. patay naba ko?

Maya-maya pa nagkamalay na ko pero di ako makagalaw. Teka, nakatali ako? Nakidnap ba ako? Nakahiga pa ako at..

Anu to?

Bakit may nakatalukbong sakin na kumot.. tae naman, anu bang nangyayari?

Naramdaman kong may yumakap sakin..

“ang daya mo! sobrang daya mo! Di ba masamang damo ka? Bakit ka namatay! Bumangon ka jan travis! Bumangon ka!”

Teka? Si alex ba to? Hindi muna ako gumalaw. Anu bang nangyayari? Namatay? Ako namatay? Tae. Masamang damo nga ako. Di pa ko pwedeng mamatay..

 “bumangon ka jan please.. marami pa kong gustong sabihin sayo gusto mo bugbugin kita para gumising ka jan huh? Travis…”

Sabay sinuntok ako sa braso. Araaaay! Tae naman o, hanggang ngaun parin ba? Nanakit parin sya.

Naramdaman kong niyakap nya ako ng mas mahigpit tapos ibinaon nya ung ulo nya sa dibdib ko..

 

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon