Maghihintay

98 1 1
                                    

Maghihintay

Paano kung sa isang iglap magbago ang lahat? Sa isang iglap, lahat ng binuo, pinaghirapan, sinakripisyo, pinangarap at pinaniwalaan mo ay mawawala? Makakaya mo kaya? Ipaglalaban mo kaya? O isusuko mo nalang dahil alam mo sa sarili mong tapos na at wala ka ng magagawa?

Ako si Sky. Ayon sa marami, lalo na sa mga nakakakilala sakin, isa akong napakasayahing tao. Siguro dahil hindi naman ako hirap sa buhay , wala naman akong mga mabibigat na problema, at isa pa hindi ko siniseryoso ang buhay. Napakarami ko ring mga kaibigang nagpapasaya sa akin kaya walang puwang ang lungkot sa buhay ko.

First year high school:

Masaya at magulo.

Nagkagusto ako sa isa kong kaklase na nagngangalang Dylan, mabait siya at simple. Nalaman ng klase namin na may gusto ako sakanya dahil sa sulat na ibinigay ko sakanya bilang pagtatapat ng aking nararamdaman na itinapon niya sa bintana ng aming silid aralan. Sobrang kahihiyan at sakit ang napala ko sa pagbalewala niya sa nararamdaman ko.  At dahil sa walang humpay na panunukso rin ng aming mga kamag-aral ay lumayo na rin ako kay Dylan. Simula noon pinilit kong huwag magkagusto kahit kanino. Masakit kayang mabasted ng lalaki. Isa pa, hindi naman ako pangit kaya ipinagtataka ko talaga kung bakit niya ginawa yun. Pero sabi nga, ang lahat ng bagay may dahilan. At kapag may nawala may darating na “mas” pa kaysa sa nauna.

Doon pumasok si Zid sa buhay ko…ay mali, dun ko pala napansin na nag-eexist siya. Katabi ko siya noong first day ng high school. Pero hindi ko siya pinapansin kasi mukha siyang suplado at napakatahimik.  Lumipas ang ilang buwan ng pagsasama namin sa eskwela at ang natatandaan ko lang na pagkakataon na kinausap ko siya ay nung minsang wala na akong choice kundi manghingi ng papel sakanya. Hindi man lang siya nag “You’re welcome” nung nagpasalamat ako kaya sinabi ko sa sarili ko na wala siyang interes na makipag kaibigan sakin. Edi wag. Hindi siya kawalan. At nakakainis siya.

Isang beses sa recess namin, napag usapan siya ng mga kabarkada kong babae, doon ko nalaman na may gusto pala sakanya ang kaibigang kong si Jamie. Nakiusap si Jamie na tulungan ko siya kay Zid dahil seatmates naman daw kami, hindi naman ako makatanggi kasi unang una, kaibigan ko siya, at isa pa alam ko ang pakiramdam ng gusto mong mapalapit sa taong gusto mo. At yun na nga ang nangyari, napilitan akong kausapin at itukso si Zid kay Jamie. At nakakaintriga kasi imbis na mainis ay tumatawa lang siya tuwing kinukulit ko. Lalo akong nahiwagaan sakanya, sobra sa bait…at pakiramdam ko inilaglag ako ni Jamie nung sinabi niyang hindi na si Zid ang gusto niya, dahil ako ang naiwan sa ere. Sa ereng puno ng curiosity sa pagkatao ni Zid.  Hindi ko na rin maiwasang makipag usap sa kanya, natural na rin sakin ang kulitin siya.

At dahil dito nagbago ang buhay ko, ang buhay naming dalawa. Nagsimula yun dahil sa pagiging pilya ko. Setyembre yun, katatapos ng Intramurals namin at napagtripan ang klase namin ng aming PE teacher na pasayawin ng ballroom. Nashock kaming lahat, lalo na ng sabihin niyang dapat babae at lalaki ang magkapareha. Hindi ko alam kung anong mayroon sakin nung araw na yun, sa lahat ng pagkakataon dun ko pa naisipang biruin si Zid.

“Zid, gusto mo partner tayo?” pabiro kong sabi.

Akala ko hindi siya papayag dahil una sa lahat, nagbibiro lang ako. Nagulat nalang ako ng sumagot siya.

“Oo ba, sabi mo yan ha? Partner tayo.” seryosong sagot niya.

At sa puntong yun, alam ko wala na kong magagawa. Sineryoso niya yung biro ko. At pumayag siya. Ayoko naman siyang ipahiya at sabihing nagbibiro lang ako. Ang bilis bumalik ng karma. Wala na kong magagawa, at wala na kong lusot. Pagkatapos noon nagsimula ang kinatatakutan ko, dahil sa partner kami ay halos araw-araw magkasama kami. Magkahawak kamay kami habang nagprapractice ng mga sayaw. At kung hindi ba naman kami malas eh tango pa ang nabunot naming sasayawin na nagrerequire ng mas malapit na distanya at intimacy. Sa loob ko, napakamakasalanan ko bang tao para parusahan ng ganito, pero aaminin ko, nasanay narin akong hawak ang kamay niya. Pakiramdam ko, magiging ayos ang lahat.

MaghihintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon