Dearest Kathryn,
I don't know why I'm writing this letter. Maybe just to tell you everything, maybe just to look back at our memories once again, or maybe to finally let you go. Yes Kath, I'm finally letting you go 'cause I know that it can make you happy. But before I do it, let us travel back to the past.
Naaalala mo ba kung pano tayo nagkakilala? Ako kasi, oo. Malinaw pa yun sa isipan ko. First day of school this year, pinakilala ka sakin ng kapatid ko. Barkada kayo eh. Tapos nagkakwentuhan tayo and nalaman natin na pareho tayo ng hilig at isa na dun si Batman. After that, napadalas yung kwentuhan natin at naging sobrang close tayo. Pinupuntahan pa nga kita pag uwian di ba? Naaalala mo pa ba yung ga video chat natin? Yung mga video chat na wala tayong ginawa kundi mag-pose ng kung ano- ano tapos ippost natin sa instagram at dun tayo maglalaitan. Meron pa ngang isang beses na nag-video chat tayo para lang ipakita mo sakin na kumakain ka ng spaghetti. Baliw lang di ba? Pero sobrang miss na miss ko na yon. Kaya naman nagising na lang ako isang umaga at narealize kong mahal na kita. Hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung bakit. Pero isang bagay ang sigurado ako at iyon ang nararamdaman ko para sa'yo. Pero hindi ko pinakita sa'yo yun. Naghitay ako ng tamang panahon.
July13, 2013, nanood kami ng sine ng mga kabarkada ko. As usual, magkatext tayo. niloloko nga nila ako na sayang lang daw yung binayad ko sa sine. Nagulat ako nung tinanong mo ako kung may nagugustuhan ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Gusto kong umamin na mahal kita pero hindi ko kaya. Ang sinabi ko na lang sa'yo, wala dahil naka-focus ako sa studies ko dahil graduating ako. Pagkatapos nung movie, nag-good night ka sakin sa text. Ganito pa nga yung text mo eh:
From: Kath Bernardo
Goodnight! :* Sweet dreams. Tomorrow na lang, okay? :)
At doon ako nagkaroon ng lakas ng loob. Akala ko gusto mo na rin ako. Hindi ko alam kung bakit pero tinawagan kita. Naisip kong tanungin ka kung pwede akong manligaw pero natorpe ako kaya ito lang ang naging conversation natin:
K: Hello?
D: Ah- eh. Uhm... Good night Kath!
K: Sus. Yun lang tumawag ka pa?
D: Ganun talaga!
K: Haha. Sige sige. Good night! Umuwi ka na. Late na kaya!
D: Oo na. Bye!
K: Bye!
Pero may nalaman ako. Isang bagay na sobrang nasaktan ako. May iba kang gusto. Si Albie, yung classmate ko na sobrang sikat at gustong- gusto ng mga babae sa batch niyo. Syempre, masakit. Kaya habang pauwi, napaisip ako. Baka hindi ikaw yung para sakin. Pero pano kung ikaw nga? Pano kung pagsubok lang 'to? Siguro lalayo muna ako para malaman ko kung dapat kong ipaglaban ang nararamdaman ko. At iyon nga ang ginawa ko. Lahat na ng paraan para makaiwas ginawa ko. Halos hindi na ako lumabas ng classroom para lang makaiwas. Pero nagulat ako nung tinext mo ako at tinanong kung bakit di kita masyadong kinakausap. Sabi ko na lang busy ako kasi ang dami naming kailangan gawin. At naniwala ka naman dun.
Another week passed and noon ko narealize na hindi ko talaga kaya na wala ka. Sobrang lungkot nung almost two weeks na wala ka sa buhay ko. Kaya naman bumalik ako sa buhay mo pero napansin ko na naging cold ka. Di ko alam kung bakit. Sabi mo naman okay ka lang. Nung tinanong kita kung galit ka, ang sabi mo hindi. Ewan ko pero iba ang pakiramdaman ko nun. Masakit pero parang may iba.
Isang araw, may nagbalita sakin na may boyfriend ka na. Nung una, ayaw kong maniwala dahil alam mo kung sino ang sinabi nila sa akin na boyfriend mo? Yung kaibigan ko! Yung kabarkada ko! Si Enrique Gil! Di ko matanggap yun. Sobrang nasaktan ako nun. Kaya pala biglang naging ganun at biglang lumayo ang loob sakin ni Quen. Lalo pa akong nasaktan nung nalaman kong totoo pala talaga lahat ng 'yun. Galit na galit ako kay Quen. Gustong- gusto ko syang bugbugin pero hindi ko magawa dahil alam kong masasaktan ka. Di bale nang ako ang nasasaktan basta wag lang ikaw. Ganun kita kamahal, Kath.
BINABASA MO ANG
A Letter to My Dearest (KathNiel) (One Shot)
FanfictionTo: My dearest Kathryn Chandria Manuel Bernardo I love you forever