Chapter 9. Childhood Friend

317 10 1
                                    

Louise's POV

"Master, nakontak ko na po yung inutos niyo sakin. At sa tingin ko papunta na sila dun."

"Good. Dalhin mo ang grupo natin dun, let's give them a little surprises." Bilin ko kay Xiu saka pinaandar ang motor ko na may ngiti sa labi.

Pagdating ko sa tagpuan, ipinark ko sa malayo ang motor para di nila makita na nauna ako dun saka umakyat sa isang puno. Pinili kong manatili muna dun hangga't di pa tapos ang aking munting surpresa. At tulad ng aking inasahan, dumating nga sila. Palinga linga ang mga ito na wari'y may hinahanap.

Naka earpiece ako at ganun din sila Xiumen at Audry kaya maririnig ko usapan nila. Unang lumabas si Audry at Xiu. Nakahoody sila ng itim at naka mask na mata lang ang nakikita.

"Sino hinahanap niyo?" Rinig kong tanong ni Audry habang naglalakad papunta sa kanila.

Kita ko sa mukha nila ang pagka asar.

"Did you remember me?" Sabi naman ni Xiu. Natataranta na sila lalo na yung isa.

"Palabasin niyo na sila." Utos ko sa kanila. May sinenyas si Xiu gamit ang kanyang kamay at sabay sabay nagsilabasan ang mga sampu kong tauhan. May dala dala silang pamalo.

Pagkasabi ni Xiu ng go signal, sabay sabay na sumugod ang aking mga tauhan.

"Wew. What a nice view Master." Sabi ni Xiu na parang tuwang tuwa pa. Si Audry naman nakadekwatro pa sa isang upuan.

Sugod lang ng sugod ang mga tauhan ko. Natatamaan din nila minsan ang kanilang mga kasamahan. Masasabi kong magaling nga sila. Natumba ang mga tauhan ko dahil sila din mismo ang natatamaan sa sarili nilang palo. Tss.

"Ay bagsak na sila. Tatapusin na ba namin ni Xiu ang labanan na ito Louise?" Tanong ni Audry sakin habang nag iinat na ng katawan. Si Xiu naman pinapatunog na ang mga buto ng kanyang mga daliri.

"Go." Yun lang ang sinabi ko. Nag eenjoy pa kasi ako sa palabas. Walang thrill yung una.

Pagkatapos ng labanan na tumagal ng mga 30 minutes, napagpasyahan ko na rin ang bumaba. Di na kasi makalakad ang mga kalaban, pagbubugbugin ba naman ni Xiu at Audry. Gigil na gigil sila, palibhasa matagal na rin silang di nakasabak sa labanan.

"O, makakatayo pa ba ang mga yan?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi na ata Master." Sagot ng isa sa mga tauhan ko.

"Dalhin niyo sila sa headquarters natin." Utos ko.

"Bakit pa Louise?" Tanong naman ni Audry.

"Afterall, I still have a care with my childhood friends." Sagot ko saka ko sila tiningnan ni Xiu ng matalim.

"Childhood friends mo sila? Eh? Bakit di mo sinabi? Hala ka Xiu! Muntikan mo ng mapatay kanina yung lalaki! Oh my!" Gulat na sambit ni Audry saka dali daling hinawakan ang mga pulso ng mga natumba nila.

"Salamat Lord, buhay pa! Jusko! Kinabahan ako. Bakit mo kasi di sinabi kanina? Paano na lang kung napatay namin sila?"

"Buhay niyo rin ang kabayaran, malamang." Sagot ko habang papunta sa pinarkingan ko ng motor.

"Waahh, I kennat. Naku naku! Ayoko pang mamatay, di ko pa nakitang muli ang aking Hyujin." Yun lang ang narinig ko sa earpiece saka ako nauna sa kanila.

Pumunta muna ako ng Ford's Academy para sunduin si Baby Xyriel at para na rin tingnan ang nakapaskil na announcement sa bulletin ng University namin. So totoo pala talaga yung sinabi ng informer namin sa China. Nandito nga siya sa Pilipinas. May homecoming party para sa may ari ng University at isabay na rin doon ang birthday party ni Ashley. Attendance is a must? Napaka walang kwentang party. Pero pupunta na rin ako. Gusto ko makita ang mukha ng taong pumatay sa magulang ko. I want him to see me alive chasing for his soul.

The Fierce Girl (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon