Letting go

610 14 6
                                    

'Losing someone is the hardest thing to accept. Remembering you is easy, I do it everyday. Missing you is the heartache that never goes away." - Mariam Ali

_______________________________________

"Alona, bumaba ka na rito at kakain na." hindi ko pinansin ang sinabi ni mama. Pinagpatuloy ko lang ang pagtetext sa'yo. Kasi naman hindi ka nagrereply! Hindi ko alam kung galit ka ba sakin o ano? Hindi mo naman sinasabi sakin. Nahihirapan ako kapag ganito ka. Hindi ako mapakali at nasasaktan ako pag hindi mo ako kinakausap.

"Alona!" bumuntong hininga na lang ako saka bumaba para kumain. Baka akyatin na ako dito ni mama at magalit nanaman siya sakin.

"Umuwi ka ng maaga. Mamaya na ang annive-"

"Aalis na po ako." paalam ko saka kinuha ang payong at naglakad na papunta sa school natin. Malayo siya pero pagkasabay kita parang nalilipat sa tapat ng bahay natin ang eskwelehan sa sobrang bilis ng oras.

Hindi talaga ako mapakali kaya tiningnan ko nanaman ang cellphone ko. Wala ka paring reply. Ano bang nagawa ko?

"Alona!" nilingon ko yung tumawag sakin. Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko saka ako sinabayang maglakad. Sumilong din siya sa payong pero na hawak ko pero dahil mas matangkad siya sakin nakayuko at hirap na hirap siya.

"Goodmoring!" bati niya sabay kuha nung payong mula sa kamay ko. Napagod na siguro. Hindi ko siya pinansin dahil ganyan naman siya lagi pag hindi mo ako sinasabayan papunta sa eskwelahan natin. 

Nakarating kami sa school at hindi parin siya tumitigil sa pagkwento at ako nakikinig lang pero hindi sumasagot. Iniisip parin kasi kita. Pagpasok namin ng gate narinig ko nanaman ang mga bati nila saki

"Morning freak!"

"Ang swerte talaga ni baliw. Lagi siyang sinasamahan ni....."

"Feeling maganda eh baliw naman!"

Minsan naiisip ko kaya ka ba lumalayo sakin kasi napapagod ka na? Kaya mo ba ako iniwan kasi nahihirapan ka na? Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad pero narinig ko siyang sumagot

"Tumigil na nga kayo! Ang aga aga puro bibig niyo na nariririnig ko!" hindi na ako humarap sakanila at nagpatuloy lang sa pinagpatuloy lang ang paglalakad ko hanggang makarating ako sa rooftop. Ang meeting place natin.

"Goodmorning beautiful." parang musika sa tenga ko ang pagkakasabi mo nun at agad na akong napangiti. Akala ko galit ka sakin. Tumingin ako sa kaliwa kung saan nakatayo ka habang nakatinigan sakin at nakangiti. Nakalagay pa ang mga kamay mo sa'yong bulsa. Tulad ng lagi mong ginagawa. Ang gwapo mo talaga kahit kailan!

"Akala ko galit ka sakin kaya hindi ka sumasgaot sa mga text at tawag ko. Lagi ka na lang hindi sumasagot sa text ko nakakainis ka na, alam mo ba iyon? Pati ba naman pagsagot sa tawag at simpleng sagot sa mga text ko katatamaran mo? Dati naman halos nobela na ang itext mo skain at ako naman si irta sa bawat text mo kaya hindi kita sinasagot pero ngayon baligtad na. Kung dati inis na inis ako sa mga text mo ngayon okay lang sakin kahit talambuhay mo na ang i-send mo sakin. Babasahin ko iyon ng paulit-ulit at sasagutin ng mas mahaba pa sa traffic ng Edsa. Huwag mo na lang ako iwan, please?" sabi ko sabay tulo ng luha. Masakit kasi yung dating nakasanayan mo biglang mawawala dahil sa isang pagkakamali.

Letting goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon