XI

4.1K 56 1
                                    

Nakauwi na ako sa bahay pero itong si mama ay tanong ng tanong kung meron bang nangyari sa amin ni Aaron Myloves. Dahil kailangan daw niyang panagutan iyon. Aba! Ang o-old fashion ng parents ko pero atleast feel ko pa din na may care sila sa akin. 

Sinabihan ko namang hinatid niya lang ako dito at wala nang time pang bumaba si Aaron dahil kailangan daw siya sa hotel niya, kaya ako naman mabilis ako lumabas dahil alam ko namang nakaka-abala na ako sa kanya.

"Pa! Tignan mo itong anak mo. Hindi na nakikinig! Katok ako ng katok dito sa pinto-an pero hindi niya talaga ako pinag buksan. Maypa laman laman pa siyang lock-lock. Abi na yung susi! Buksan ko toh! Bilis Pa !"

Sigaw ni mama yan kay papa. E si papa naman nakikinig kay mama. Edi nabuksan nila ang pinto-an ng kwarto ko.

Kitang kita ko ang nakakatawang mukha ni mama na palusong sa akin. 

"Ma naman eh! Pagod po ako!" sabi ko habang nag co-cover ng unan sa ulo. 

Kiniliti ako ni mama sa may tiyan at sinapak sapak.

"Ayan pa! Yang anak mo nag lalandi landi na! Sabihin mo sa amin ang totoo!" sabi ni mama na halong nakakatawang tono.

"Anak? Totoo ba itong binanggit ng mama mo?" ito rin si papa oh. Nakiki-sabay narin kay mama eh. Bad Influence talaga toh! 

Umayos ako ng upo at bumaling sa kanilang dalawa.

"Listen to me carefully my dear lovely parents--".

"Wag mong ingleshin! Tagalugiin mo!"

Putol sa akin ni mama. Excited si besh. Ganun? Lakas Tama lang Pre ?

"Ang totoo po niyan e, walang nangyari sa amin. Wish ko nga po yun---".

"Aray! Aray! Aray! Tama na ma!"

Salita ko dahil binatukan ako ni mama gamit ang unan na nasa likod ko. Ang amazonaaa!!  

"Landi mo! Walang forever bibi ko! WALA !" 

Kumilos agad si papa at binatukan ito ng magazine.

"Patapusin mo muna yang anak mo Maria! Masyado kang madaldal!"  sa wakas kumampi narin papa sa akin.

"O siya sige, ano pa?" commento ng aking mama.

Tumikhim ako nag salita ulit.

"Sa totoo lang po ay hindi sa aming ni Aaron ang may nangyari." pa bitin kong sabi. May pa-thrill kasi akong nalalaman.

"E kanino?" sabay na salita ni mama at papa.

"Kay Mrs.Yan mo, mommy ni Aaron. Chef po kasi siya dun sa hotel na tinatrabaho-an ko tapos pag pasok ko. Tinanong ko kung okay lang po ba siya, pero feel ko talaga na hindi kaya tingin ako ng tingin sa kanya. Nung nahihilo na siya at hinimatay siya e ay sinalo ko naman siya dahil baka ano pa yung ulo niya sa sahig. Tapos nun, sumigaw ako ng pakitawag na ambulansya at thank god. Nakinig namkan yung mga ka-trabaho ko."

"Ay yun naman pala, kailangan may extra bonus ka jan anak." ani ng papa ko.

"Pa ! Sinisiguro mo talaga ang extra bonus ano?"

"Syempre anak, ganun talaga. Utang na loob. Biro lang" 

Sinulyapan ko si mama at yung hyper na mukha nito kanina ay napalitan ng malungkot at maalalahin na mukha.

"Anyare sa'yo ma?" tanong ko kay mama. Tumingin siya sa akin at nag tanong.

"Okay na ba siya ngayon? Anong sabi ng doctor?"  maalalang boses ng akin mama.

Ka ano-ano niya ba si Mrs.Yan? Ba't nag bago mukha nito?

"Bakit? Ka-ano ano mo bang Mrs.Yan na yan Ma ha?" matigas na tanong ni Papa kay Mama. 

Wow. Naunahan pa akong mag tanong.. Bravoo.

"Iniidolo ko kasi siya dahil bukod sa ang ganda nitong manamit e, maganda rin siya. Gustong gusto ko talaga yung pagkaforma ng Lips niya." ayy kaya pala. Si Mama talga oh.

"Kadiri mo ma, natotomboy ka na ata." sabi ko kay mama at iniisnaban lang niya ako.

Inayos ko na ang higaan ko.

"O siya anak, matulog ka na. Ang laki na ng eyebags mo. Kain tayo ng pipino bukas para mabawasa niyang eyebags mong nakakadiri." ani mama.

Umunang lumabas si Papa at sumunod naman si Mama.

Sa wakas at makapag hinga narin ako.

My Boss, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon