My Last Message for you

7 0 0
                                    


"Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko maliban sa pamilya, kapatid at pinsan ko" Napangiti ako sa sinabi mong iyan. Ang sarap lang kasing pakinggan iyan mula sa taong mahal na mahal mo.

"Wow ang sweet mo naman. Kaya kita mahal eh" sagot ko sayo.

"Mag send ka nga uli ng letrato mo na mimiss kasi kita e."Hindi ako nagdalawang isip na mag send sayo ng letrato. Alam ko na may tiwala ako sa'yo at alam ko din na nagtitiwala ka sa akin. Ang dami kong nalalaman tungkol sa'yo na alam kong hindi alam ng iba. Alam kong ganun ka din saakin pero mas madami akong nalalaman sayo.

Patago lang itong relasyon natin, hindi ko nga alam kung relasyon pa ba 'to. Pero sobra ang saya ko kapag napapatawag ka sa akin. Nasa ilalim panga ako ng kama bumubulong para makausap ka lang. Para marinig 'yang boses mo, yung tawa mong nakakahawa.Alam ko kasing maraming hadlang saatin.

Naaala mo pa ba yung mga araw na lagi tayong nagpupuyat. Nagkuwekwentuhan ng kung anong mga bagay.Thinking about life, sharing experiences as well as problems.

"Hindi naman ako papahadlang sasanggain natin lahat ng ito."Naalala mo pa ba iyan? Iyang sinabi mong yan. Diyan ko napagtanto na mahal na pala kita ng hindi ko nalalaman.Na fafall uli ako sayo kahit sa mga simpleng salita lang.Yung lagi kang nag iilove you gabi-gabi, kinakantahan ako lagi. Masaya ako sa kung anong meron saatin ngayon. Masaya ako dahil i have you. Masaya ako dahil sayo. Lahat ng problema ko nakakalimutan ko. Wala na akong hihilingin pa.

Pero ang kinakatakutan kong isang araw nangyari. Hindi mo ako kinausap ng halos isang buwan. Ang alam ko kinalimutan mo na ang lahat ng meron tayo. Parang nabura na lahat. Sa halos isang buwan na iyon, sobra akong nalungkot , nasosobrahan ko nalang yung tulog ko. Hindi ko namamalayan ang oras kasi lagi kitang hinihintay. Hinihintay ko na kausapin mo ako pero wala.Ni isa. Sa tingin ko nasobrahan ko na ata yung pagmamahal na ibinigay ko sayo. Pinilit kong ngumiti uli, pinilit kong sumaya ng wala ka kasi alam kong nagbabago na ang pakikitungo ko sa iba. Nagbabago na ako.

Kahit papaano natanggap ko naman na sa sarili ko na mistulang nakalimutan mo na ako.Pero nagulat ako nang biglang kausapin mo uli ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako o ano.

"Sorry ha? Busy kasi ako nitong mga nakaraang araw. Gumagawa ako ng thesis" Pinatawad naman kita sa rason mong iyon dahil naiintindihan ko kung gaano kahirap maging college. Sa sitwasyon ko nga ngayon na hihirapan na ako. Ikaw pa kaya.

Ang akala kong ending ng relasyon natin na dugtungan pa pala. This time maslalo pa tayong naging matatag.Naging understanding na din ako hindi na ako madaling magselos kung nakikita kong may kasama kang ibang babae.Pati nga pinsan mo pinagseselosan ko dati.

Alam ko naman na hindi mo magagawa iyon saakin kasi sabi mo nga mahal mo ako and i believed you.We were both happy sa presensya ng isa't isa but we both knew that this is not enough so we decided to meet up.

We were planning our meet up then something happened and you needed money so the plan didn't work. You were depressed because you thought na magkikita na talaga tayo.And from that i knew that you love me, that you would sacrifice everything for me. Pero pinigilan kitang gawin iyon kasi mas kailangan mo iyon and i told you that love will find away.'Just leave it to tadhana' So yeah we waited for that very moment.

I planned to surprise you pero imbes na ikaw yung masurprise ako naman yung nasurprise.

It was saturday afternoon noong nagpunta ako ng mall alone. Even if i couldn't stand alone, nagpunta pa din ako para sayo. Kasi ang tagal tagal nating hinintay itong pagkakataong ito.

The scenery was perfect! Both are happily kissing each other infront of the whole crowd. Boy was holding girl's waist whilst girl's arm is around the boy's nape. That scenery is like a fairytale parang sa pelikula kung titignan.The kiss was passionate.Yung tipong lahat ng tao mapapangiti sa sobrang perfect ng scenery.

It was too late when i realized that boy was you at yung girl na kahalikan mo ay yung sina sabi mong pinsan mo.

And it wasn't me.

Halos madurog ng pinong-pino yung puso ko.

Yung sinasabi mong babae na sinasamahan ka lagi sa lahat ng trip mo.

Yung lagi mong kapicture.

Yung sinabi mo saaking "pinsan ko lang siya wag mong pagselosan"

All of that was a lie kasi hindi mo pala siya pinsan.

at ang mas masahol girlfriend mo papala.


Para akong tanga na umasa sa wala.


Hindi na ako nagtangkang lumapit sa inyo kasi alam kong ako lang ang talo.
Wala naman kasing tayo di ba? Yung PARANG tayo pero hindi tayo. Yung hindi kita boyfriend at hindi mo ako girlfriend. Pareho tayong walang pinanghahawakang titulo sa isa't isa.Isa pa baka irason mo na,chat lang lahat ng ito.Walang personalan.




ang sakit lang kasi isipin na makikita kita na kayakap ang iba.Buong Akala ko ako lang? Akala ko ako lang mahal mo? Ginawa mo akong tanga.Ano ako ngayon luhaan dahil sayo. Ganun lang ba talaga kadali lahat ng ito sa'yo? Ganun lang ba kadaling iwan at kalimutan ako. Saying all those sweet stuffs. Then suddenly you just ignore me. Like we we're nothing.Like i was nothing.Alam mo mahal na mahal kita ang tanga tanga ko kasi buong akala ko ganun ka din saakin.

sana nga makalimutan na din kita.


message sent


Seen 11:12 pm

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Last Message For YouWhere stories live. Discover now