Prologue

2.8K 68 0
                                    

"Jungkook... bakit ka umiiyak mahal?" Tanong ni Jesse sa kanyang umiiyak na kasintahan

"Jesse... tandaan mo toh..." sabi ni Jungkook at napalunok "Mahal na Mahal na Mahal kita... tandaan mo yan Jesse" sabi ni Jungkook at hinalikan sa noo si Jesse at niyakap

"Mahal na mahal na mahal din kita..." sabi ni Jesse ngumiti at niyakap pabalik si Jungkook. Dahil sa ginawa niya ay humagulgol ng iyak si Jungkook at niyakap ng mahigpit si Jesse "ahahaha mahal hindi ako makahinga..." bumitaw si Jungkook sa pag kayakap at hinawakan ang dalawang pisngi ni Jesse

"Jesse... pwede na ba nating gawin?" Tanong ni Jungkook at napangiti si Jesse at hinalikan ang palad ni Jungkook saka tumingin sa mga mata niya

"Nag papaalam ka pa..." sabi ni Jesse at hinila si Jungkook at ang kanilang mga labi ay nag lapat at dahan dahang nilalasahan ang isa't isa si Jungkook ay patuloy parin ang pag iyak kahit sila ay naghahalikan

At ang gabing yun ay hindi nila malilimutan sa buong buhay nila dahil binuhos nila ang pagmamahal sa isa't isa at ang maliwanag na buwan ang nakasaksi ng pagmamahalang yun

___________


Pagmulat ng mga mata ni Jesse ay natagpuan niyang siya nalang mag isa sa kwarto at siya ay napangiti ng matandaan ang lubos na pagmamahalan nila ni Jungkook.

Nagbihis siya at lumabas ng kwarto at nag tungo sa kusina hoping na makikita niya si Jungkook dun habang nag kakape ngunit walang Jungkook na nag kakape ang nakita niya


"Jungkook?" Tawag ni Jesse kay Jungkook ngunit walang lumalabas na Jungkook "Jungkook?" Tawag niya ulit ngunit wala paring lumalabas o sumasagot sa mga tawag niya at duon na siya nakaramdam ng kaba, lungkot at galit.

Kaba dahil baka kung ano nangyari kay Jungkook, Lungkot dahil iniisip niya iniwan na siya ni Jungkook at Galit dahil nagpakatanga at hindi inisip na iisa lang ang ugali ng mga lalaki na kapagnakuha na ang gusto ay iiwan nalang nila ang mga babae


Napaluhod si Jesse ng hindi niya matagpuan si Jungkook sa bawat sulok ng bahay at napahagulgol ng iyak.


Samantala sa kanilang dulo. Si Jungkook ay kinulong ang sarili niya sa kanyang silid sa palasyo


"Mahal na Prinsipe pinapatawag po kayo ng mahal na hari" sabi ni Jin ang butler ni Jungkook. Binuksan ni Jungkook ang pinto ng kanyang silid at nakaramdam ng kalungkutan si Jin ng makita niya ang sitwasyon ng kanyang amo.


Ang buhok at napakagulo at mga mata ay pulang-pula dahil sa pag iyak at makikita din sakanyang itsura na kulang siya sa tulog dahil sa kanyang malalaking eyebags at mapulang ilong.


Tumungo si Jungkook sa kanyang ama.

"Jungkook anak hindi mo pwedeng ikulong ang sarili mo sa iyong silid buong araw" sabi ng kanyang ama at nakaramdam ng konting awa konti as in konting konti

"I just did" sagot ni Jungkook sa kanyang ama na hindi nito ikinatuwa


"Ayusin mo ang sarili mo Jungkook... nakakita na ako na babaeng pakakasalan mo" sabi ng kanyang ama at nanlaki ang mga mata ni Jungkook dahil sa sinabi ng kanyang ama


"Ama... parang awa niyo na Ama..." sabi ni Jungkook at mga luha ay nag simula ng bumuhos at lumuhod siya sa harap ng ama niya "Ama gagawin ko ang lahat Ama wag niyo lang akong ikasal sa ibang babae ama"pag mamakaawa ni Jungkook


"Mahal wag na..." sabi ng reyna at hinawakan ang braso ng kanyang asawa habang pinipigilan ang sarili sa pag iyak dahil sa sitwasyon ng anak

"AMA PARANG AWA NIYO NA!!" Sigaw ni Jungkook habang nakaluhod sa harap ng ama niya


Winave ng Hari ang kanyang kamay at agad na lumakad ang dalawang kawal at kinuha si Jungkook na pumipiglas sa kanilang hawak "AMA MAAWA KA AMA WAG AYOKO PANG IKASAL AMA!!!!!" ng makaalis ang mga kawal na hawak si Jungkook bumigay ang mga tuhod ng Hari

"Mahal ko... tama ba na palayuin ko siya sa babaeng yun? Ang gusto ko lang naman ay paligayahin siya at kung anong tama sakanya" sabi ng Hari at sabay na umiyak ng tahimik ang dalawang mag asawa dahil sa sitwasyo na meron sila

__________

"Patawad.... Patawad mahal ko... Patawad" paulit ulit na sinasabi ni Jungkook habang nakatingin sa litrato nilang dalawa ni Jesse

The Forbidden LOVE || Discontinued Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon