Bakit ba tuwing may gagawin ako ?
May sasabihin ako,
lagi nalang akong nasasaktan sa nakukuhang sagot ko?Bakit ba kasi?
Nagtatanong lang naman ako,Hindi ba pweding may mga bagay lang na hindi ko alam,
at hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko ?May mga tanong kasi sa loob ko na hirap akong malaman at hanapin ang sagot ,
Minsan nagtatanong din ako ,
hindi ko na kasi alam kong ano ang paniniwalaan ko... hirap kasi ako... kaya pasensya na,
ang kulit kulit ko,Ang totoo kasi ,
napakahirap paniwalaan at intindihin nang mga sinasabi mo,
kaya sana kahit kunting oras lang ipa intindi mo ,ganito na kasi talaga ako,
Yan kasi , tanong ng tanong!
Katyaw nila sa akin,Tumawa nalang ako ,
ngumise ng sobra pero ang totoo?
Ang sakit sakit sa loob ko,
Nagtanong lang naman ako diba ?
Pero bakit sinasaktan na nila ako ,Hahahaha sige tanong pa more!
Katyaw nila ulit sa akin,
Ngumise nalang ako at dinampot ang bag sa upuan ko,
Sige haha , una na ako!
Pekeng tumawa pa ako habang nagpapa alam na sa mga kaklase ko,
Epokreta ba?
Ganito na kasi talaga ako hindi ko kasi talaga alam kung anong bang iaakto ko,
Bess okay ka lang?
Biglang napalingon ako sa gilid ko napangite nalang ako,
Huhuhu tang inang lalaki siya bess!
Umiiyak na sumbong ng babae sa bestfriend niya...
Kailan kaya may magtatanong sakin ng tanong nayan?
Yung... okay lang ba ako?
Itatanong ko rin kasi kung bakit hindi ko magawang maging okay?Dapat kasi sanay na ako... pero kahit anong gawin ko... hindi parin ako masanay sanay... nasasaktan parin kasi talaga ako,
miss ,
biglang may lalaking lumapit sakin ,
nagtatakng tinignan ko siya ,
hindi naman kasi kami magkakilala kaya ewan ko lng kung bakit niya ako nilalapitanah...kasi ito oh ,
ngumiti mo na siya at inabot sa akin ang asul na panyo ,
nagtatakang tinigan ko siya ,
baliw ba siya ?anong gagawin ko dito ...
ahh ..kasi napansin kung umiiyak ka , kaya ayan
, yan muna ang ipamunas mo sa mga luha mo ..
ngumite siya sakin at naglakad na palayo ,ako daw umiiyak ?
hahaha patawa ba siya ?
bakit naman ako iiyak diba ?
ano ako baliw ?wala sa sariling napahawak nalang ako sa ilalim ng mata ko nang may makapa akong basa ,
napangite nalang ako bigla,oo nga ,
baliw na yata talaga ako...pero salamat,malungkot na bulong ko at sinulyapan ang panyo na hawak ko ,
for the first time in my life my taong lumapit sakin habang hindi ko namamalayan na nasasktan ako