Kung kaya ko lang lumipad, ginawa ko na.
Gusto kong lumipad dun sa malayo,
papunta dun sa mga taong nakakaintindi ng buong pagkatao ko.
Matagal tagal na rin na hindi kami pinagtatagpo ng tadhana.
Karamihan busy, yung iba naman talagang hindi kayang abutin ng isang sakay lng sa jeep.
Sa totoo lang hindi ko alam kung pano ko nakayanan na hindi na sila yung kasama ko sa araw araw.
Wala na yung mga tawanan na hindi matapus-tapos.
Yung mga sleep over namen na hindi naman talaga matatawag na sleep over kase wala nmang natutulog. :)
Yung mga tampuhan na naaayos basta may magdrama na.
Yung mga bagay na hindi kayang tumbasan ng kahit anong suhol, kahit pa pagkain yan. :)
Kaya ngayon, gusto kong kilalanin mo sila. :)
Sabe nila, kaya mong kilalanin ang isang tao kahit tingnan mo lang yung mga kasama nya.
Siguro nga tama.
Sasama kaba naman sakanila kung hindi mo sila kaparehas ng trip?
Diba hindi?
Pero, madami pa ding pagkakaiba.
Lalo na kung ano talaga yung totoong sila.
Tulad ko, masayahin at magulo ako pag kasama ko mga kaibigan ko,
pero pagdating sa bahay,
lage lang ako nakakulong sa kwarto – nagbabasa kadalasan habang nagssoundtrip,
pwede ding nagsusulat tulad ngayon. J
Magkakaparehas man kme ng mga trip, iba-iba pa din kme.
Hindi sa lahat ng bagay eh magkakasundo kame.
Tao lang tayo, hindi perpekto.
Pero sa kabila ng hindi namen pagkakatulad,
natutunan pa din nmen tanggapin ang bawat isa,
minahal pa din, at pinahalagahan.
Dun siguro kame magkakatulad, dun kame naging isa. J
Walo kame sa barkada; 5 babae, 2 babae na din siguro, at 1 undecided.
Pag nakasama mo kame, sigurado, luluha ka.
Luluha ka sa kakatawa. J
Hindi uso samin yung kadramahan, lalo naman yung kasipagan. :D
Kaya siguro mainit ang dugo samen ng mga teacher nmen.
Pero sa kabila nun, mahal pa din nila kame.
Alam ko yun, ramdam naman eh.
Kahit na madalas na napapagalitan,
kame pa din yung lagging ngpapangiti saknila. J
Mahilig kameng lahat sa isang bagay – KUMAIN. :D
Ewan ko ba kung pano nmen napapagkasya yung baon nmen sa sobrang dami ng kinakain nmen sa isang araw.
Haay, sarap kase talaga kumain.
Lalo na pa gang tinda sa canteen eh banana cue, french fries, spaghetti, lumpia, atbp.
Parang araw-araw piyesta!
After ng klase, sa simbahan kame dumederetso.
Nagpapasalamat na sa kabila ng mga pinaggagagawa naming kalokohan,
madami pa ding blessings na dumarating sa amin.
Napakalaking bagay sa high school na magkaron ka ng isang kaibigan na tulad ng mga kaibigan ko.
Sila yung mga taong alam ko na hindi ako kailanman ipagpapalit sa iba.
Sila yung mga kapatid ko na hindi naipanganak ni Mama.
Sila ang mamahalin ko forever. J
Hindi ko inexpect na malapit na kameng magkahiwa-hiwalay.
Oo nga, 4th year na kame.
Pero, pwede bang ganito na lang?
Pwede bang ihinto na yung oras?
Parang hindi ko kase kakayanin.
Parang hindi ko kaya na sa isang iglap hindi na sila yung aabutan ko sa classroom na naghihintay sken at yayakap pagkadating ko.
Hindi ko kayang hindi na sila makasalo sa pagkain sa recess.
Hindi ko kayang magsaya kung hindi sila ang katabi ko.
Pano na ako?
Pano na ang lahat ng mga plano naming hindi pa natutupad?
Ayoko pa, ayoko pa.
Hindi ko pa kaya.
Sandali lang.
Pero pag may pangarap ka pala,
kahit pa masaktan mo ang sarili mo sa mga desisyong gagawin mo,
kakayanin mo.
Kase pangarap mo yun, eh.
Yun yung daan na tatahakin mo para sa magandang buhay,
sa magandang kinabukasan.
Kaya kahit masakit sa akin na malayo sa mga kaibigan ko (at alam ko naman na masakit din para sa kanila), kinaya ko.
Dahil alam ko na pagdating ng panahon,
pag lahat na kami may kanya-kanya nang buhay at pamilya,
babalik at babalik pa rin kami sa isa’t isa.
Parang soulmates lang yan.
Kahit pagbali-baliktarin ang mundo,
may mga taong sadyang nakaukit sa buhay mo.
At gagawin mo ang lahat upang mapalapit sa kanila,
at mahalin sila. J
mrgsayson
01-10-2012
*after 10,000 yrs, natapos ko rin. J nabaon na kse sa files, jusko. haha! enjooooy. :D
BINABASA MO ANG
Team Bunganga. (Sequel of Jill's Story)
Fiksi Remajaa short story of friendship binded by love and compassion, despite the distance and spaces.