Chapter 6.2

993 67 21
                                    

Kisses's POV:

Bumaba ako galing sa kwarto ko ng makaramdam ako ng gutom.
Anong oras na ba?

Nag hihikab pa ko habang nasa hagdan niyan, medyo madilim pa sa labas, may laman ba ang ref?

Kaka grocery lang naman ni Joao siguro,
Speaking of Joao, after that day, three days after, hindi na siya bumisita ulit pa.

I was wondering if okay lang siya o baka na ano na yun dahil sa lugaw ko,

Pagpasok ko sa kusina ay nakabukas ang ilaw, napatingin ako sa may lababo ng marinig ko ang agos ng tubig, kinilabutan ako pero nawala rin naman agad yun ng makita kong si Edward lang pala naghuhugas ng kamay.

Lumapit ako sa kanya,

"Edward"

Tawag ko

"F*ck!"

Napalukso sya ng konti sa kintatayuan nya at hinarap ako,

"You startled me you stupid!"

Inis nyang sabi,

"Hoy! Sumusobra kana ah! Hindi na ko tanga , ngayon stupid naman?"

Napairap siya bigla,

"Pareha lang yun, tss."

Lumapit siya sakin at winisik yung tubig na nanggagaling sa kamay nya sa mukha ko.

Bastos talaga eh!
Pinunasan ko ang mukha ko  gamit ang kamay ko at sinundan siya.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko sa kanya habang sinusundan siya.

"Aray!"

Tumigil ba naman sa paglalakad! Nauntog tuloy ako sa likod niya, umatras ako ng humarap siya.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti ako sa kanya, bat nya pa tinatanong ang obvious,enebe

"Nagugutom ako hehe"

He just looked me like he was expecting that answer.
Mukhang alam niya hahaha

"Ako na nagluto ng pang breakfast, nasusuka nako sa palaging itlog at hotdog mo!"

Choosy naman nito, buti nga ipinagluluto ko pa siya eh!
Ang hirap kaya magluto!

Specialty ko na yung itlog at hotdog, akala niya madali? Nagluluto ka na nga, nakikipagbakbakan ka pa sa mantika! Kailangan mong mahing alerto at maliksi, hindi mo alam kong kailan aatake ulit yung mantika!

Sinimangutan ko siya at umupo na lang, nagpahalumbaba ako sa lamesa,

"Matagal pa ba yung niluluto mo?"

Nakatalikod sya sa akin, ewan ko kung ano yang ginagawa niya,

"Bago ko palang yan isinalang sa stove! Maghintay ka!"

Yung tiyan ko, kanina pa tumutunog!
Lumingon ako sa likod at tinignan yung stove.

Napataas yung tingin ko sa kaldero, gusto ko na kainin kung ano man laman niyan.

Napatingin ako doon sa apoy, ewan ko ba, hindi ma alis ang tingin ko dun.

Habang tinititigan ko yun ay parang umiinit rin ang buong katawan ko, kaya sinubukan kong lumisan ng tingin pero hindi ko maalis ang tingin ko.

Hanggang sa naramdaman ko ang pagtulo ng pawis sa noo ko,
Sumasakit na naman ulo ko,

Nais kong iangat ang aking mga kamay para hawakan ang ulo ko, pero hindi ako makagalaw.
Tinitigan ko lang yung apoy,

Beautiful Stranger (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon