Showtime-

820 37 7
                                    

A short shot, more like drabble. So yeah. Pagtyagaan nyo. Haha.

——

“Nakakapagod!” Sabi ni Joy habang nakahilata sa couch. Kakatapos lang namin pumunta sa horror house, well, part of a show. Nasa show kasi kami. Red Velvet showtime.

Wendy unnie, samahan mo nga ako sa taas. I just want to show you something.” Sabi ni Yeri habang hawak ang wrist ni Wendy.

Tumaas naman ang kilay ni Joy at sinabing, “Bakit kayong dalawa lang? Hindi nyo 'ko isasama?

Napairap naman ako ng palihim at tumingin sa cameras na nakapaligid samin. Right. Kahit gabi na at nasa dorm na kami, kinukuhanan pa din nila kami ng scenes, for sure, idadagdag nila yon.
May mga cameras na naka-stand by at yung iba naman ay nasa kisame or mga mesa. Wala namang staffs na nandito dahil gabi na rin at binibigyan nila kami ng privacy, so, nag-iwan nalang sila ng camera. Pati ata sa kwarto, meron? Wala naman siguro sa CR.

Pwede ka namang sumama, Unnie eh. Tara!” Sabi ni Yeri.

Nauna na ang dalawang maknae sa taas habang tumingin naman sa'min si Wendy. Magkatabi kasi kami ni Irene Unnie dito sa couch.

“Hindi kayo sasama?” Tanong nya samin. Ngumiti ako at umiling. Ganon din ang ginawa ni Irene unnie kaya naman tumango lang si Wendy at sumunod na sa dalawang maknae na nagsisigawan na ata sa taas. Away na naman. Wala ng bago.

“Irene unnie?” Tawag ko kay Irene Unnie. Napatingin naman sya sakin at sinabing, “Yeah?”

“Namiss kita.” Sabi ko habang may maliit na ngiti sa labi ko.

Napangiti naman sya. “Magkasama lang tayo kanina, Seulgi.”

Yumuko ako ng bahagya at sinabing, “Pero malaki ang distansya natin sa isa't isa, Unnie.” I whispered. “Magkatabi lang tayo… pero ang laki ng pader na humaharang sa'tin,” I took a deep breath. ”Joohyun unnie.”

Napatingin ako sa kanya nang hawakan nya ang baba ko at hinarap sa kanya. “Bakit mo naman naisip yan, Seulgi?” She gave me a warm smile. “Ako pa din naman to. You can talk to me, always.

I smiled bitterly. Matapos ng comeback namin na Russian roulette, Naging malayo kami sa isa't isa. Paano, WenRene na ang mas gusto ng mga tao. Our ship is already sinking. Lumulubog na yung barko namin. Siguro, mas bagay sila tignan ni Wendy kaya naman mas shiniship na sila ng mga tao. Nanonood ako sa youtube ng mga FMV nilang dalawa at paulit ulit lang akong nasasaktan.

Lalo na pag nakikita kong mas nagiging clingy at mas nagce-care si Irene unnie kay Wendy kesa sa iba. Wala akong magawa kundi ang magselos nalang.

Yeah, right Unnie. Pero sa tingin mo, kapag kinakausap mo si Wendy, tapos kakausapin kita, titigil ka ba para sa'kin?” Para ko na rin syang pinapili. Napakaano mo Seulgi. Isa kang malaking tanga. Sasaktan mo lang ang sarili mo pag sinabi nyang hindi.

Of course, Seulgi.” Lumakas na naman ang kabog ng dibdib 'ko. Shh… ang ingay mo masyado, puso. Wag ka ngang maingay, baka marinig ka nya.

I took a deep breath then sighed, “I know this is not a right place and right time but… I couldn't take it anymore.” Tinignan ko sya sa mga mata nya. “I love you, Unnie.”

Halatang nagulat sya sa sinabi 'ko pero sinabing, “A-anong ibig mong sabihin?”

Hindi mo pa din gets?

Mahal kita. Mahal na mahal.

But I guess it's one sided love. Ako lang ang nagmamahal saming dalawa. Ako lang din ang nasasaktan.

“Mahal kita, Joohyun unnie. Simula nung una kitang makita, mahal na kita. Kahit nung mga trainee palang tayo, mahal na kita. At nasasaktan ako…” Yumuko ako at tinuloy ang sinasabi 'ko, “Pag nakikitang masaya ka kasama si Wendy.”

Nanatili kaming tahimik. Hanggang sa may kamay na humawak sa kamay ko at pinisil ito. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nakita kong nakangiti sya sakin. Ngiti nya na isa sa dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya.

“I love you too, Seulgi.”

My world stops. My heart beat stops. My mind stops. All of my body functions, stops. Napanganga ako at para akong naistatwa sa sinabi nya. Nakakahiya dahil natawa sya sa itsura 'ko.

“Gulat na gulat?” Natatawang tanong nya.

Pinisil ko ang pisngi ko ng madiin para magising ako sa panaginip na 'to. Pero hindi eh. Nasaktan lang ako. Kaya naman, ugh!

Natawa sya at hinimas ang pisngi ko na pinisil ko, “Hindi ka nananaginip, Seulgi-shii. I love you.”

Im speechless. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko na akala mo anytime, pwede ng lumabas sa dibdib ko.

“S-so… t-tayo na?” Nahihiya kong tanong. Hindi pa din kasi ako makapaniwala. Nahihiya pa ako dahil sa mga titig nya. Hindi naman sa minamadali ko. Pero naniniwala kasi ako sa kasabihan na ang relasyon ang pinapatagal at hindi ang panliligaw.

Tumaas ng bahagya ang kilay nya sa tanong ko pero maya maya din ay tumango sya habang nakangiti. “Oo.”

Napasuntok ako sa hangin. Hindi ko akalain to! Parang kanina lang, nagdadrama ako eh! Shit. Ang saya ko.
Sobrang saya na hindi mo matutumbasan ng kung ano mang pera o salapi. Tanging si Irene lang ang nakakapagparamdam sa akin ng ganito. Na simpleng bagay na maririnig mo, mapapasaya ka na ay mababago na ang buhay mo.

“Gusto sana kitang halikan kaya lang may camera…” Mahinang sabi ko sa kanya. Gustong-gusto ko na matikman ang mapula nyang labi— na sure akong matamis at malambot. Gusto ko kaya lang maraming camera na nakakabit dito. Napapaligiran kami.

Napangiti naman sya at bumulong sa'kin, “Ieedit naman nila yon panigurado.”
Sabi nya. Kita ko na naman ang pilya nyang ngiti na bihira ko lang makita dahil madalas ay para syang anghel na hindi gumagawa ng kasalanan.

I giggled then closed the gap between us.

++

So as what I've said, maikli lang. How I wish na may showtime nga ang RV at gagawin ng SeulRene to. 😂😂💪

View_Sha vegetaeble Malapit na magpasko. Pacheese burger naman kayo! xx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Showtime | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon