One

2 0 0
                                    

"Xy, sabing hiwalayan mo na yang gagong boyfriend mong si George. Minsan ang tanga mo rin no!" Pangangaral ni Syvy sa akin.

Hindi ko na siya inimikan pa. Kitang umiiyak na nga ako tapos pangangaralan pa talaga ako. Alam ko naman na ang tanga ko. Wag na niyang ipagpamukha pa sa akin.

"Oo na. Ang tanga-tanga ko na dahil nagpauto na naman ako." Sabi ko at kinuha ng tissue sabay punas ng luha ko na hindi mapigil-pigil sa pagtulo.

"Hay naku! Basta ayoko nang makipagkita kapa kay George na yan." Sabi pa niya at pumunta sa kusina.

Gagong George na yun. Sabi kasi nung una ni Syvy nakita niya daw si George na may kasamang babae sa isang cafe shop. Hindi naman ako naniwala agad dahil nga palagi itong sweet sa akin at ni minsan hindi ito nawalan sa akin ng oras. Kaya ayon pero ngayon masasabi ko na talaga na niloloko niya lang ako. Ako na mismo ang nakakita sa kanya. Hmmp. Ang landi. Mamatay na siya sana.

Tumayo naman ako at sinundan si Syvy sa kusina. Nakita ko naman siya na nagluluto ng ulam. Well , magkasana kami niyan dito sa apartment. Dahil magbestfriend naman kami at para bawas gastos. Malayo kasi bahay namin sa school kaya napag-isipan namin na tunuloy na lang sa apartment.

"Uy , mukhang masarap yan." Sabi ko at bigla na lang akong nalinawagan. Adobong manok kasi ang niluluto niya at kahapon pa ako hindi kumakain simula ng nakita ko si George na may kasamang ibang babae.

"Kumain ka ng marami Xy. Baka ako pa pagagalitan ni Tita Lisyl dahil ginugutom kita dito." Sabi niya.

Napangiti naman ako. Si Syvy talaga mahal na mahal talaga ako nito. Mabuti na lang at palagi siyang nandiyan.

"Oo na po." Sagot ko at sumubo na ng pagkain.

Natapos na kami sa pagkain si Syvy na yung naglinis ng mesa at nanghugas ng mga plato. Di ko naman kasalanan yan kung likas sa kanya na mabait. Haha.

Pumasok naman ako sa kwarto ko. Kinuha ko naman ang kaiisang stuff toy ko. Na si Piggybabes. Bigay pa ito sa akin ni George nung 1st monthsary namin. Kaya mahal na mahal ko ito.

Niyakap ko naman ito ng mahigpit.

"Napakasama ng nagbigay sayo. Niloko niya lang ako. Basta piggybabes wag na wag mo akong iiwan ha." Mangiyak-ngiyak kong saad kay piggybabes kahit alam kong hindi naman ito sasagot.


Ilang minuto ko rin niyakap si piggybabes at naligo na ako. Mabuti na nga lang at walang pasok dahil sunday ngayon.






Lumabas na ako ng kwarto ko nang makita ko ang isang tao na hindi ko inaasahan ngayon. Pagkatapos niyang lokohin ako pupunta-punta siya rito.

Nakita ko naman si Syvy na nakaupo lang sa tabi. Tatalikod na sana ako dahil ayokong makita yung pagmumukha niya.

Nang tawagin niya ako.

"Lian..." tawag niya. Nanlambot naman ang mga tuhod ko dahil sa pagtawag niya.

Naramdaman ko na lang na hinawakan na niya ang kamay ko. Bigla namang tumayo si Syvy at tinignan ako dapat-niyong-mag-usap-look.

"Lian..." tawag niya ulit at napatingin ako sa kanya. Bigla naman kumalabog ang dibdib ko ng makita ang mga mata niya na parang may gustong sabihin.

Tumango naman ako at agad naman niya itong nalaman ang ibig kong sabihin.

Nakaupo kami ngayon sa sofa pero ni isa walang nagsasalita. Kaya ako na ang nagsimula.

"George , kailan pa?" Tanong ko.

Yumuko naman siya sa tanong ko. Hindi ko na talaga kaya to. I need to break up with him now. Dahil kung ipagpagpatuloy ko to siguradong gagawin na naman niya ulit na saktan ako. Sabi nga nila 'Once is Enough'.

"Lian.. Im very sorry for what I did. I know I broke your heart so much. But--

"Yeah. Salamat at nalaman mo yan. At kahit minsan hindi ko ginawa sayo na lokohin ka but wait look , what did you do now? Psh. Ayoko na din George kung yan ang sasabihin mo." Sabi ko at tumayo na.

Tahimik lang siya.

"Lian... Im so sorry." Sabi pa niya.

"You can go now. Leave!" Sabi ko at sinunod naman niya ang sinabi ko.

Hindi naman niya kailan pang magpaliwanag dahil kahit na ipaliwanag niya pa ayoko na.

"Tatagan mo sarili mo Xy Lian Solano." Sabi ko naman sa sarili ko at huminga ng malalim.

Ayoko na siyang makita as in. Nakakababa ng pagkatao. Ako nga nito na wala namang ginawang masama ako pa tong lolokohin. Ang unfair lang ha. Its was so unfair. Life is unfair ika nga.


Nakita ko naman si Syvy. Nginitian ko naman siya at niyakap naman niya ako.

"Thanks God , at natauhan kana din. Magpakatatag ka. Mabubuhay ka pa naman kung wala siya diba!? Smile." Sabi niya at ngumiti rin ako.

Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya at pumasok sa kwarto ko. Magmamall daw kasi kaming dalawa ni Syvy.

Nagbihis na ako. V neck gray t-shirt tinirnuhan ko pa ng ripped jeans at sandals.

"Tara." Yaya ko kay Syvy na kanina pa naghihintay sa akin.

Gusto ko munang magsaya. Ayokong isipin ang nangyayari. Dahil malulungkot lang ako. Napakagago lang ni George dahil niloko niya ako.

******
Susubukan ko talaga na pagandahin itong istorya na ito. Haha. Hello sa pamangkin ko na si Nickanor na napakakulit.

- Criszel

Let Me Love You (On-going)Where stories live. Discover now