Why do we end up hating "the other woman"?
Is it because we have an emotional attachment to our man and not with her?
Why not try to get to know her. Will it make a big difference?
Magiliw kausap.
Yan ang partner ko.
Kahit sino, maaaliw, matutuwa, matatawa, mapapamahal.
Kase ang galing niyang makipag-usap.
Matagal na kaming magkakilala, magkaibigan.
May anak na kami, isa. Pinakamagandang regalo ng tadhana.
Nuong mga single pa lang kami, alam ko nang marami siyang sinusundang mga "chicks".
Sa social media. Masaya daw kase makita, nakakatawa. Nakakaaliw daw.
At ang mga chicks, chicks talaga.
Balingkinitan. Mapuputi. Malalaki ang hinaharap.
At ako, simple lang.
Lagi nga akong nagtataka kumbakit ako ang kasama niya.
Pero laging kasama sa mga biru niya ay ang makasama ang mga chicks.
Sa buhay? Sa bahay?
Minsan, tumatawag sila. Nagtetext. Nagiiloveyouhan sila.
Parte yun ng "other" life niya.
Na parte na rin ng tunay na buhay niya.
Sa kabila nang lahat ng 'to, alam kong mahal niya ako.
Biktima rin ako ng pagiging magiliw niya, ng pagmamahal niya.
Sa higpit ng yakap niya, malilimutan mong pag-aari siya ng mundo, o nang sarili niya.
At pagtapos ng akap, bigla nanaman akong babalik sa madumi kong pag-iisip. Na may iba. Na tuloy parin siya.
Paano ko ba sila magiging kaibigan?
Hindi naman niya shineshare ang pinagsasaluhan nila.
Ano pa nga bang magagawa ko?
Hangang panaginip ko umaabot, ang mga chicks kasama siya.
Iniisip ko na lang, tatanda rin kami. Kukulubot, papangit.
Baka iba na makakapukaw ng atensyon niya.
Hindi na ang social media. Hindi na ang mga babaing "kinakaibigan" niya.
Kami na lang ang matitira.
Hahabulin ang mga oras na nawala.
Maglalambingan.
Magkukuwentuhan.
Mag-uusap.
YOU ARE READING
Befriend the Other Woman
ChickLitA compilation of essays, short stories of my not-so special feelings towards "other women".