A/n: Kayo na ang bahalang magjudge kung aling ending ang maganda. Sa mga sumusubaybay po ng Saving my last goodbye, sana wag po kayong malito dahil connected po ang first ending sa mga pangyayari sa SMLG. Hayaan niyo nalang po itong ikalawang ending dahil ginawa ko lang ito para sa mga nagsasuggest at para na rin syempre mabigyan ko ng hustisya si Kerk. XD 'Yun lang. Salamat po sa nagaabang ng update ko dito. Merry christmas po sa inyong lahat :) *Dun na tayo sa part na dala ni Kerk 'yung Blue Scarf*
Kerk Point of View
Playing: Pusong Ligaw by Jericho Rosales
Di kita malimutan
Sa mga gabing nagdaan
Ikaw ang pangarap
Nais kong makamtan
Sa buhay ko ay
Ikaw ang kahulugan
Pag-ibig ko'y
Walang kamatayan
Ako'y umaasang
Muli kang mahagkan
Ikaw pa rin ang hanap ng
Pusong Ligaw
Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan
Pag-ibig mo ang hanap ng pusong ligaw
Mula noon. Bukas at kailanman..
Hindi yata uso sa akin ang salitang "suko na", "ayaw na", "bitaw na", mas uso, mas matibay o mas mas mahalaga sa akin ang salitang "kaya pa", "gusto ko pa","kapit pa", kasi I'm one of those guys na pinanghahawakan ang kasabihang "Kapag mahal mo, ipaglaban mo". Kaya eto ang ginagawa ko. Walang katapusang ipinaglalaban ang sarili ko sa taong hindi ako maalala. Okay lang. Hindi naman na siguro importante kung maaalala mo ako, ang importante ay mahal pa rin kita, inaalagaan kita at hindi pinabayaan. Ginagawa ko ang responsibility ko sa kanya, ang I hope gawin niya din ang responsibility niya sakin. Ginawa ko ang dapat talaga'y ginagawa ko. Naisip ko minsan na magmahal nalang ako ng iba but my thoughts said to me na baka the time na makahanap na ako ng bago ay doon siya magkaroon ng ala-ala, ayokong saktan si Terra pag ganoon ang nangyari. Anyways, sa mga nagdaang taong lumipas, 'yung araw na binabantayan ko siya at inaalagaan ay doon unti-unti akong binubuhusan ng realisasyon kung ano ba talaga ang totoong kahulugan ng pag-ibig.
Ito 'yung hindi ka naghihintay ng kapalit na mahalin ka niya, na ibalik o suklian ang mga sakripisyo mo sa kanya. Kapag nagmahal ka, magbibigay ka. Okay lang kahit sobra atleast hindi nastuck yung pagmamahal diyan sa puso mo. Atleast may nakinabang. Ito din 'yung kahit nasasaktan kana, nagpapakatatag ka pa rin para sa kanya. Ito 'yung kahit mamatay kana sa kakaasa sa kanya, patuloy mo pa rin siyang mamahalin, hindi ka titigil. Ito 'yung kahit alam mong hindi ikaw ang laman ng puso niya, gagawin mo pa rin ang mga paraan na sa tingin mo ay makapagpapasaya sa kanya. Ito 'yung kahit may nakaraan ka na gusto mong baguhin kung bibigyan ka man ng pagkakataong mabigyan ng time machine, tatanggapin ka pa rin ng present because he/she knows how to be on that position. Ito 'yung kahit hindi niyo first ever ang isa't-isa, you will still find a way para maramdaman ang magic ng unang pagkakataon. Ito 'yung kahit paulit-ulit mo siyang sinasaktan, babatuhin ka naman niya ng pagmamahal. Well, there's no definite meaning ang pag-ibig (Pag-ibig ng isang tao sa isa pang tao). In my point of view, tayo o sarili natin mismo ang nagbibigay ng kahulugan ng Pag-ibig because we're in different situation. Ikaw? Ano sa tingin mo ang kahulugan ng pag-ibig when it comes sa pagmamahal mo sa isang tao?
Nakatayo ako sa harap ng bahay nina Junn habang nakatitig sa bintana ng bahay nila, inaabangan ko kung dudungaw ba si Terra pero mukhang malabo. Nakapulupot sa aking leeg ang asul na bandana, na tanging makakapagpaalala sa kanya. Aaminin kong nakokonsensya na ako sa mga pinagagawa ko dati, mukha ngang karma na sa akin ito dahil hindi ko dapat pinaglaruan si Terra. Hindi dapat ako nagkunwaring may 10 million pesos na utang sa akin ang mga magulang niya....pero ngayon pa ba ako magsisisi e huli na? Tsk.
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
Любовные романыSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover