Chapter 47

5.5K 237 105
                                    

K E V A N



"Ayun...eh pumayag naman ang tukmol. Haay..." pahayag ko habang nags-stretching. "Ewan ko dun!"

"Haay nakoooo! Sinasabi ko sa'yo, magiging impyerno lang ang life mo pag kasama mo yung kapreng yun!" tugon ni Timmy habang naka back bend, matapos kong ikwento sa kanya ang mga nangyari. "Kalerki ang mudra mo, bes!"

Isang linggo din kaming hindi nagkita ng baklitang 'to dahil sa exams last week at kababalik lang namin uli sa practice. Mas mainit pa ang dugo nito kay Jansen kesa sa akin eh.

"Good luck na lang talaga!" dagdag pa niya.

"Di ko nga alam ang gagawin eh," ani ko.

"Heller?! Dorm mo kaya yun! Edi mag set ka ng house rules!" tugon niya sabay irap ng mata. "Kung gusto mo, mag lagay ka pa ng partition... lagyan mo ng masking tape! Mag set ka ng teritoryo mo at teritoryo niya... na hanggang dito lang siya, na di niya 'to pwedeng galawin o gamitin, na walang pakialamanan... mga ganern-ganern!"

Napaisip ako...

Oo nga noh? Pwede kong gawin yun! Di ko talaga kasi maintindihan yung nanay ko kung bakit niya pinagpilitan pa yun eh. At pumayag naman ang tukmol. Ayaw na ba niya dun sa bahay nila Kent? Edi umuwi siya sa kanila!?

Kesyo nalaman ni mama na kila Kent siya pansamantala nakikitira, inalok agad ang dorm pag alis na apag alis ni Prince? Para may kasama daw ako. Para may taga bantay daw ako. Hala? Malaki na'ko noh! Kaya ko nang mag-isa. Ewan ko ba sa mama ko –– parang gustong-gusto talaga nun si Jansen. Haay, kung alam lang niya kung gaano ka itim ang budhi nun.

"So pano na kayo ni Papa Kent niyan?"

"Anong pano na kami ni Papa Ke— este ni Kent?!" Sinamaan ko siya ng tingin. Inirapan niya lang ako ng mata sabay ngising nakakaloko. "Walang namamagitan sa amin ni Kent!"

"Defensive, bes? Haha! Eh ansaveh niya?"

"Alam mo naman yun... Di naman kumukontra sa mga desisyon ni Jansen yun," sagot ko.

"Speaking of the devil..."

Napatingin ako sa direksyon na tinitingnan ni Timmy at nakita ko si Jansen na papasok ng gymnasium na may dalang malaking duffel bag. Seryoso siyang nakatingin sa akin at biglang tumango. Matalim na tingin naman ang binaling niya kay Timmy. Nilagpasan niya lang kami at tinungo na ang locker room.

"Pogi sana, impakto nga lang talaga!" wika ni Timmy.

Nakita niya akong nakasunod ang tingin kay Jansen kaya kinalabit niya ako sa tagiliran at napa sipol siya sabay sabing, "Hala ka, Kevaaaan! Jan nagsisimula yan!" kaya binatukan ko.

"Aray ko, bes!" reklamo niya sabay kamot ng ulo. "Mamaya na siya lilipat sa inyo? Good luck!"

Haay.. Good luck na lang talaga.

Maya-maya'y nagsidatingan na halos lahat ng mga kasama namin sa pep. Pero bago pa man mag-umpisa ang practice, si coach ay tinawag kaming dalawa ni Timmy.

"Guys, may problema tayo," bungad ni coach.

Bakas sa mukha niya ang stress at pag-aalala. Kakabalik lang namin sa practice, problema agad? Di maganda 'to!

"Nagkakagulo ngayon ang admin about sa budget. They proposed na i-reallocate ang budget ng Student Council, pero ayaw naman pumayag ng Council. But to cut the story short, we all agreed na i-shoulder ng Council ang kalahati ng total expenses natin, but we need to raise funds for the other half," pahayag ni coach.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon