Title: 11:11
SHORT STORY
COPYRIGHT © 2016**
Sabi nila, kapag 11:11 na kailangan daw magwish... Pero, kailangan ba talagang magwish? Totoo kaya yan?
Pero dahil ako si uto-uto, nagwiwish ako every 11:11. Umaasa ako na sana, sa huling pagkakataon makasama ko ang taong mahal ko.
Krest's POV
"Babe!" Tawag sa akin ng boyfriend ko. Si Skye. Siya yung taong sweet at malambing. Cold sa una pero kapag makasama mo na ay mabait naman pala.
"Hi babe. Kanina ka pa?" Kararating ko palang dito sa park na kung saan kami magkikita.
"So, saan tayo ngayon Babe?" Tanong niya.
"Sa EK nalang tayo." Tumango naman siya at pumunta na kami sa pulang kotse niya. Sumakay na ako at nagseatbelt.
"Babe, anong oras na?" Tanong niya. Chineck ko naman yung phone ko. At nagulat pa.
Time Check: 11:10 AM
Hay, muntik ko nang makalimutan na icheck ang phone ko. Malapit na palang mag-11:11.
"It's 11:10 na." Tinitigan ko lang yung phone ko hanggang maging 11:11 ang time.
Time Check: 11:11 AM
Wish ko, sana makasama ko pa ang mahal ko sa matagal na matagal na panahon.
Nang matapos akong magwish, nandito na kami sa EK.
I want to spend this day with him.
"Babe sa Rio Grande tayo!" Parang bata na sagot niya.
"Sige." Ngumiti ako. Nakakahawa palagi ang kaniyang emosyon. Kapag nakangiti siya ay ramdam mo ang saya kaya nahahawa ka. At kapag malungkot siya mararamdaman mo ang kanyang lungkot. Kaya feeling mo, nalulungkot ka din.
"Okay ka lang babe?" Tanong niya. Hala, nabubuking na ako.
"I'm fine, babe. Tara! Let's enjoy this!" Pilit kong chineer up yung mood ko at tumakbo papunta sa kanya.
I'm lucky to spend this day with him. Baka tinatanong niyo kung bakit parang desperada akong makasama siya ngayon.
I have cancer at may taning na ang buhay ko. Minsan nahihirapan na ako pero tinitiis ko dahil sa aking mga mahal sa buhay.
And I can feel it. Malapit na.
**
We spent the whole day having fun and enjoying our date. Umupo muna kami sa isang bench and out of nowhere, I asked him. "Nagwiwish ka ba tuwing 11:11?" Tiningnan niya ako ng maigi bago sumagot.
"Hindi. Bakit?"
"Hindi ka naniniwala dun?"
"Hindi.. Ah ewan. Hindi naman ako naniniwala masyado eh parang oo na parang hindi. Ikaw?"
"Oo naman, syempre. Naniniwala kaya ako dun. Feeling ko kasi natutupad yung mga wish ko eh."
"Tulad ng?"
"Tulad ng.. gusto kong makasama ang taong mahal ko sa mas matagal pa na panahon." Huli kong namalayan ang nasabi ko.
"Magkakasama pa naman tayo sa matagal na panahon diba?" Gulat na tanong niya. Akala niya ata makikipagbreak ako sa kanya.