2

1 0 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa aking ulunan. Pasado 7:00 ng umaga ng ako'y tumayo sa pagkakahiga ko sa kama. Nag-ayos ng sarili para makabili ng agahan.

Nag-ayos ako ng dalian dahil ayokong malate sa unang araw ng ikalawang semestre ko sa kolehiyo.

Habang ako ay nasa biyahe, nakatulog ako dahil kinulang ako sa tulog kagabi siguro sa sobrang excitement. Hindi ko namalayan na napasandal ako sa balikat ng katabi ko.

"Miss gising nandito na tayo."

"Ha?"

"Sabi ko nandito na tayo?"

"Hala Kuya sorry po nakatulog ako."

Hindi na niya ako pinansin dahil bumaba na kami ng jeep. Balak ko pa man din na mag-thank you sakanya pero mukhang malabo dahil ang bilis niyang maglakad at nasa ibang kurso pala siya.

Ganun padin naman ang mga ganap  sa araw na yun. Getting to know yourselves na naman kahit magkakakilala na kami. Aral, tawanan at kwentuhan sa nagdaang bakasyon. Tipikal na araw para sa isang ordinaryong estudyante.


Entry 578

Natapos na ang araw na walang masyadong ganap. Hindi man lang ako nakapagpasalamat dun sa lalaking nasandalan ko habang natutulog ako sa jeep buti di ako naglaway. Sana magkita kami para magpasalamat ng personal.


Walang TitleWhere stories live. Discover now