SUPPOSED TO BE MY FINAL DAY

59 5 4
                                    

This word/pdf copy is not edited so please bear with the typos and grammar errors. Please do not PLAGIARIZE!

*** SUPPOSED TO BE MY FINAL DAY written by #iLikeYouTheBestGirL!! (M.K. Caspe)

May mga bagay na mahirap paniwalaan. Na di mo inaasahang pwede palang mangyari sayo. Minsan kahit yung mga tao sa paligid mo pinaghihinalaan mo na rin. Dumarating din yung oras na di alam kung sino ba talaga ang dapat mong paniwalaan. Pero magagawa mo pa bang paghinalaan sila kung sila mismo mawawala na rin sayo? Mahirap mabuhay ng may dala kang takot sa puso mo. Minsan pati yung mga taong pumoprotekta at nagmamahal sayo napapalayo na rin ng dahil dito.

*** SUPPOSED TO BE MY FINAL DAY

written by #iLikeYouTheBestGirL!! (M.K. Caspe)

Cassiopea's Point Of View

''Whhaaah. . . !''

''Whhaaah. . . !''

*PAK!*

''Ouch! Bakit mo naman ako binatukan?'' >.<

''Bakit kasi ang hilig mong mangulat!?'' sigaw ko sa kanya.

Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang kaba ng hinarap ko sya. Itinago ko agad ang papel na hawak ko sa loob ng bulsa ko para di nya makita. Hindi ako natakot o kinabahan ng dahil sa pangugulat nya kundi dahil sa death threat na nakuha ko sa locker. Hindi lang isang beses nangyari 'to. Madalas akong makatangap nito sa loob ng locker ko. Lagi itong nagbababala na malapit na ang kamatayan ko.

Mga three months na akong nakakatangap nito. Nung una akong nakakita nito sa locker ko, nilukot ko lang yun at itinapon sa may basurahan dahil akala ko ay nanggu-good time lang. Nang sumunod na araw ay nakatangap ulit ako nun at hindi yun bago. Yun yung itinapon ko sa may basurahan. Tandang tanda ko pa kung paano ko inilukot yun. Medyo punit pa ang ibang parte nun. Ang pinagkaiba lang ay may bahid na ito ng dugo ng makita ko ulit kasama ng mga gamit ko. Halatang pilit lang na itinuwid ito. May nakasulat dito na ''NOT A JOKE ANYMORE'' gamit ang mantsa ng dugo.

Hindi ko alam kung totoong dugo nga yun pero ang masasabi ko lang ay may pakiramdam akong hindi nga yun biro. Sa tuwing makakatangap ako nito di ko na lang pinapahalata na natatakot ako. Baka kasi mamaya pag nagpakita akong takot ako lalo pa kong takutin ng kung sino man yung nagpapadala nito. Hindi ko alam kung paanong nangyaring may nakakapagbukas na iba ng locker ko. Ako lang naman ang humahawak ng susi ko. Kahit yung duplicated key ko sa key keeper kinuha ko na pero mali ako.

Tatlong beses na rin akong nagpapalit ng susi pero ganun pa rin ang nangyari. Sinubukan ko namang panoorin ang video from CCTV pero di ko rin nakita.Masyadong mahigpit ang mga nagbabantay dun kaya di na ko nakaulit. Ang sabi nila baka daw gust6 ko lang makiisyoso. Nagreport na ko sa police pero di rin umubra. Wala silang nakita at pinagalitan pa ko dahil baka daw pinagtitripan ko lang yung mga police. Eh pinakita ko na nga sa kanila yung ebidensya eh ayaw pa din akong paniwalaan. =|

D*mn it. Ang malaking tanong sa isip ko ay kung sinong nagpapadala sakin nun. Natatakot na ko. Kahit sa panaginip di ako tinatantanan nyan. Panu ba naman pati sa tuwing naglalakad ako pauwi nararamdaman kong may sumusunod sakin lagi. Parang laging may tao sa likod ko.

''Alam mo bang mukha kang tangang kabayo?''

''Huh? Anong sinabi mo!? Napakamean mo ah!!!'' >.<

SUPPOSED TO BE MY FINAL DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon