PROMISE (ONE SHOT)

88 3 0
                                    

“Bespren tingnan mo! Ampogi ni classmate.” Sabi ko sabay turo sa likod.

“Ay! Ayun ba? Yung nasa dulo na mag-isa?”

“Oo yun na nga! Tinanong mo pa eh mag-isa lang naman siya dun sa likod! Tsaka wag mo naman masyado ituro. Baka makita tayo.”

“Uhmm heheh. Aah YUP! Pwede na bestfriend.” Sabi ni Kate.

~Ah anyways, before I continue, magpapakilala muna ako. I’m Jessa ^^At yung lalake na tinutukoy ko na “nakaupo sa likod” si Neil Renzo. Nalaman ko yung pangalan niya dahil nabasa ko dun sa tag ng bag niya. Hahah parang bata. May tag yung bag! Anyways describe ko siya. Cute, Matangkad, Mestiso, Mabait?? Ewan ko lang :) hehe

1st year college na kami dito sa San Diego University  and we’re taking up HRM. 1st day of class and as usual na nakagawian namin ng bestfriend ko, maghanap ng “pogi.”

“Hoy! Naghahanap na naman kayo no?” Sabi ni Tanya na kakadating lang.

“Hahah eh ano pa nga ba?” Sabi naman ni Megan na kasabay niya dumating.

“Di ako no! Siya lang.” Si Kate tas siniko ako.

“Oy ano ba?! Di pa kayo nasanay sa bestfriend niyo.” Sabi ko with matching taas taas kilay pa. “In fact girls, may nahanap na ako!” Me with an evil smile :>

~Itong mga bestfriend kong ‘to, mahal na mahal ko kahit na puro kami kalokohan. Apat kaming magkakaibigan since nung high school, Si Tanya, Kate, Megan and ME. Para na nga kaming magkakapatid. Sabi ko nga sa kanila OK na ako kahit walang boyfriend, basta kasama ko sila. Totoo naman yun eh. Dahil believe it or not NBSB ako. Hanggang paghahanap lang talaga ng gwapo ang gawain ko. Tsaka ni isa sa mga nahanap at nakilala kong pogi wala akong minahal. Pwera lang sa Renzo na ‘to. Ito yata yung tinatawag na love at first sight.

“Ikaw talaga Jess, Di ka pa tumigil.” -Tanya

“Eh ano ba?! Sa lahat naman ng mga nahanap kong POGI ni isa wala naman akong naging boyfriend. Tsaka hayaan mo na ako, eh sa hobby ko na ‘to eh. Palibhasa may Martin ka na.” -ME

“Cheh! Hahahah dinamay mo pa mahal ko.” –Tanya

“ ‘Scuse me? Name niya lang dinamay ko.” -ME

“Kahit na no! Ganun pa din yun. Wag mo na idamay name niya. Mamaya matapilok pa yung tao.” –Sabi ni Tanya habang tumatawa tas hinampas pa braso ko.

“My Gosh Anya. Big deal? Ano ha?! Hahah de joke lang.” Sabi ko na parang naghahamon pero joke lang.

“Huy tama na nga kayong dalawa jan. Ang ingay ingay niyo! Nakatingin na sila sa inyo oh.” Sabi ni Megan na pabulong.

 “Sorry  guys! Let there be peace on earth. Yan! Kaw kase Jess eh.” –Tanya. Hahah loka talaga ‘tong babae na ‘to.

“Hahahah oh sorry pooo!”

------------------------------------------

Nagpapakilala naman ‘tong prof. namin. Tss nakakaboring naman. Sulyapan ko muna si pogi.

Pagtingin ko, Hala! Nakatingin siya. Nahuli ako :} NAKAKAHIYA….

Nginitian ko na lang tas inisnaban lang ako. Di manlang gumanti ng ngiti. Hala ka SUPLADO! Badboy si baby.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PROMISE (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon