ONE

6 0 0
                                    

             Love On December

Written by: InvicibleWriter,2016

Paalala!

Maraming grammatical error, typo at kung ano ano pang error.

----------------------------------------



             Nangyari na ba sa inyo ung lagi mo lang nakikita ang crush mo mula sa malayo? Hindi mo siya nakakausap, hindi ka niya kilala at walang nakakaalam na may gusto ka sa kanya. Akala ko hanggang tingin mula sa malayo nalang ako sayo pero biglang nagbago ang lahat ng bigla mo akong bigyan ng mga love letters. Hindi ko alam pero sobrang saya lang. Atleast alam ko napapansin mo rin pala ako. Sobrang saya lang kasi na malaman mo na ang taong nagugustuhan mo ganun din ang nararamdaman sayo diba? We've been together for about 2 years. Yung dating hinihintay ko na Mr. Right dumating na. Naging masaya kami sa isa't isa. Naisip ko pa nga na baka siya na nga, siya na ang forever ko na magiging kami na hanggang sa kamatayan. 

                 Pero dun ako nagkamali. Ang akala ko na may forever na sa amin wala pa rin pala. Wala kasi talagang forever. Hindi rin siya ang Mr. Right ko. Our relationship ended. We broke up. Those promises went to bull-sh*t. And there will be no more Him and I. After all he's happy with someone. Someone that I did't expected to be. My Bestfriend.

"Miss, Are you alright?"- napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko at tinignan ang panyong inaabot niya.

"Take it, hindi ko pa naman nagagamit yan at tsaka mukhang mas kailangan mo yan"-nung una nagaatubili pa akong kunin ito pero sa huli kinuha ko na rin at ipinunas sa mga mata ko na hindi ko namamalayang nagsisituluan na pala ang mga luha ko. 

"Salamat"-sabi ko sa kanya at nginitian siya. Saka tumingin ulit sa paligid kung saan maraming tao ang nagkakasiyahan. Makukulay na mga ilaw na kumikindat kindat. Malaking Christmas tree na punong puno rin ng decorasyon at mga makukuklay na ilaw. Pero bakit ganun? Ang saya ng mga taong nasa paligid ko, ang ganda ng paligid ko pero hindi ko makuhang sumaya, hindi ko makuhang ngumiti tulad ng mga ngiti nila.

"Malapit na ang Pasko. Lahat nagkakasaya, lahat nagdiriwang pero bakit ikaw parang iba...?"-rinig kong sabi niya. tumingin naman ako sa kanya kung saan kumukuha siya ng mga litrato ng biglang tumapat ito sa akin at nagflash. Binaba niya ang camera at tumingin sa akin na may masasayang ngiti sa kanyang mukha. Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim.

"Siguro nga, siguro nga naiiba ako sa kanila. Na kahit na magpapasko ay hindi ko magawang maging masaya, hindi ko magawang kalimutan ang sakit na nararamdaman ko kahit panandalian. "-sabi ko at tumayo na para umalis na sa lugar na iyon pero bigla pa siyang nagsalita ulit.

"Kung ano man ang problema mo na yan. Wala pa yan sa problema ng ibang tao, pero sila kahit na gaano kabigat ang problema nila alam nila kung paano sila sasaya."- Iyan ang huling narinig ko mula sa lalaki yun at umalis na ng tuluyan.

          Alam ko naman na wala lang ang problema na to kumpara sa iba. Wala laang ang sakit ng pagiwan at ang panloko sa akin ng dalawang tao na mahalaga sa akin kumpara sa nararamdaman ng ibang tao. Pero masisisi niyo ba ako? Masisisi niyo ba ako na hindi ko magawang sumaya? Hindi naman diba? Kasi ako ang nakakakramdam nito dahil hindi naman alam ng ibang tao kung gaano ako nasasaktan ngayon. Kung gaano ako nasaktan ng iwan ako ng taong mahal ko para sa ibang babae na bestfriend ko pa. Na lokohin ako at gawing tanga ng mga tao. Hindi pa ba sapat ang sakit na yun para sabihin na nalulungkot at nasasaktan ako? 

"Faye..."-Naglalakad na ako pauwi ng makasalubong ko siya nilagpasan ko siya pero muli siyang nagsalita na nagpatigil sa akin.

"I broke up with him"-lumingon ako at tinignan siya sa mata. 

Love On DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon