Chapter 18

40K 999 89
                                    


"H'wag niyong sabihin na sa buong buhay ni Hatey wala na kayong ginawa kung hindi ay magalit sa kan'ya? Sabihin mo ate, pinaramdam mo bang anak mo siya?" Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha mula sa mata ng isa sa tiyahin ni Hatey na si Kate. She can't accept what just happen. Matapos ng nangyari sa kwarto kanina, nagkaroon na siya ng hint ng pinagdaanan ng dalaga. At hindi siya makapaniwala, naaawa siya tuwing naaalala ang nagmamakaawa nitong mukha. Puno ng sakit, lungkot at pagdaramdam.

"Paano ko mapaparamdam na anak ko siya, eh hindi ko siya mahal. God! Kate, ano bang nangyayari sa'yo! Pag-aawayan pa ba natin 'to? You are ruining our reunion!" Inis na saad ng ina ni Hatey. Nasa sala silang lahat, at heto sinesermunan ni Kate. Natigil ang pagsasaya ng lahat nang makitang tumakbo palabas si Hatey. Wala naman sana silang pakialam ngunit narinig nila ang sigawan ng magkapatid kaya pumunta sila at natagpuan ang dalawa sa sala.

"Ikaw ang hindi ko maintindihan Ate. Kayo, kayong buong pamilya. I can't belive this, wala kayong puso. Walang kasalanan si Hatey dito. Hindi niyo ba naisip ang naramdaman niyang sakit matapos malaman na hindi niya tunay na ama si Kuya Alistair? Na bunga siya ng pangre-rape sa'yo? Hindi niyo ba nakita na wala naman siyang kasalanan pero nanghingi siya ng tawad. Hindi, hindi niyo nakita dahil sarili niyo lang inisip niyo. Akala niyo masyado kayong naagrabyado. Hindi niyo alam na sa buong bunay niya, halos mag-isa lamang siya na hinaharap ang lahat. Nanglilimos siya ng pagmamahal sa inyo. Ginawa niya ang lahat, mahalin niyo lang siya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, at hindi niya rin iyon ginusto..." Napahagulhol si Kate sa gitna ng pagsasalita. Masyado siyang nasasaktan para sa pamangkin. Kung alam lamang niya ang lahat, sana isinama na lamang niya si Hatey sa London at kinupkop niya.

"H-hindi niyo alam kung gaano kasakit na hindi ako magkakaanak. Tapos 'eto, meron kayong anak pero hindi ninyo pinapahalagan. She's God's gift for pete's sake. Siya yung matagal ko ng hinihiling sa Diyos pero hindi napagbigyan, at heto sinayang niyo. Sinaktan niyo!" Napa-upo siya sa sofa at napahawak sa dibdib. Labis siyang nasasaktan, sana sa kan'ya na lamang si Hatey. Siguradong mamahalin niya ito ng sobra. Papahalagahan.

"Kate, don't be overacting! It not like, na mamamatay si Hatey! Umalis lang siya!" Sigaw ni Sandra at napahilot sa sentido. Galit niyang tinignan ang bawat isa.

"At kaya mo pa 'yang sabihin Ate Sandra? All of you, you are taking Hatey for granted! Wag niyong hintayin na dumating ang panahon na magsisi kayo!" Aniya at pumikit. Nagagalit siya. Sa lahat ng kapatid niya, sa ina ni Hatey, sa mga kapatid nito. She's not expecting that Alistair will accept Hatey dahil na rin sa pinagmulan nito. But atleast ang ina man lamang nito. But look what happened! Pinagkaisahan si Hatey, wala man lang naging kakampi ang kawawang pamangkin niya.

Sa gitna ng katahimikan ay tumunog ang cellphone ni Alistair. Seryoso nitong sinagot ang tawag. Maya-maya ay naibagsak nito ang cellphone at natulala. Sinalakay ng kaba ang bawat isa sa kanila sa 'di malamang dahilan.

"S-si Hatey, s-she's on the hospital..." Nauutal nitong saad. Natulala sila sandali at nang makabawi ay mabilis na umalis doon patungo sa nasabing lugar.

Tulala si Jaycee sa labas ng emergency room. Kanina lamang ay 'di maalis ang ngiti niya habang nagte-text sila ni Hatey. Hindi niya alam kung saan ilulugar ang sayang nararamdaman. Hatey likes him, and he's courting her. Pero ngayon? Nabigla na lamang siya nang itext siya nito na sunduin. Hindi man niya alam ang dahilan, agad niyang pinasibad ang sasakyan.

Matamis ang ngiti na sumalubong ito sa kan'ya, ngunit mugto ang mata at bakas ang luha. Sa tingin niya ay may problema sa bahay. And between the defeaning silence na magkayakap sila, umalingawngaw ang putok ng baril. Hatey was shot, exatly 12 o'clock on her birthday.

Napapikit siya at pinalis ang mga luha. May mga bahid pa ng dugo ang damit niya. Nanghihina siya. Kanina naghahanda pa siya para sa surpresa kay Hatey sa birthday nito. At ngayon, nasa loob ng emergency room ito.

The Unwanted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon