chapter 10- broken

1.1K 24 4
                                    

Hi guys....
Thank u sa patuloy na pagsubaybay...
Sorry s mga errors at kung matagal mag update..phone lng kz gamit ng lola niyo...wala e...poor lang...😉😉

This is just for fun lang naman..
Pampalipas oras..

Love lots...

                   *************

.

.

Dali-daling  umalis si Lyka ng St. Therese upang puntahan ang nag aantay na binata. At sa pagmamadali niya ay di niya napansing nalaglag pala ang sulat ni Nate para sa kanya.

Sana ay di pa siya nakakaalis,sana ay inaantay pa niya ako hanggang ngayon. Piping dasal ni Lyka.

Sa pagkakataong ito ay handa na siyang aminin ang lahat kay Nate.
Mula simula,mula ng unang di maalis sa isip niya si Nate hanggang sa araw araw na niya itong nakakasama. Na sa katunayan ay nakalimutan niyang may lihim na nagtatampo sa kanya. Ang kanyang pinsang si Merly at ang barkada nito. Sapagkat mas lagi niyang kasama si Nate kaysa sa kanila.

Naalala pa niya. Nung isang beses na inaya siya ni Nate na magmeryenda ay sunod sunod na iling ang ginawa niya. Dahil naisip niya na baka mauwi sa ligawan ito at ayaw niya kay Nate. Oo ayaw pa niya noon kase nasa isip niya, hindi si Nate ang tipo ng lalaking nais niyang maging nobyo o asawa. Wala kase kay Nate ang mga nais nito sa isang lalaki.

Ngunit ngayon ay tila nalulon niya lahat ng sinabi niya noon. Sapagkat eto siya, at aaminin kay Nate na mahal niya din ito. Oo wala na siyang pakealam sa anomang sabihin ng mga nakakakilala sa kanya na nakakaalam ng lihim niyang pagka ambisyosa. Dahil si Nate ang minahal niya at hindi niya ito hahayaang mawala ngayon.

Sa katunayan ay hindi din naman pangit si Nate,kinapos lang ito sa tangkad. Bagamat di maputi ay bumagay din naman dito ang moreno niyang kulay. May matangos din itong ilong at bilogan ngunit mapupungay na mata. Na tila ba bawat sabihin nito ay makikitaan mo ng sinseridad dahil sa mga mata nitong nakakadala ng damdamin.

Nakalabas na siya ng campus  bagamat malapit lang ang tinutuluyang apartment nito ay nagpasya siyang mag tricycle nalang.

Pagdating niya sa bahay nito ay nakita niyang di nakasara ang gate kaya tuloy tuloy na siyang pumasok. Ngunit anong panlulumo niya ng mkitang wala ng Nate na naroon. Wala na rin ni isang damit ang binata ng tingnan niya ang damitan nito. Nanlulumong napaupo sa sofa si Lyka at napahagulhol.

Huli naba ang lahat, wala naba kaming pag asa?.
Nate asan kana? Akala ko ba hihintayin mo ako dito? Bat nainip ka naman agad...

.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

.

.

.

Nate..

Kanina pa siya nag aantay sa dalaga ngunit di parin ito dumarating...kaninang umaga pa kase niya iniwan sa locker nito ang sulat kaya imposibleng di pa nito nababasa iyon.
Naghintay si Nate hanggang tanghali, ngunit walang Lyka na dumating. Naiinip na siya. Hanggang sumapit na ang hapon ay wala paring Lyka na dumating... Kaya naisip niyang puntahan ito sa school. Siya nlang ang pupunta kay Lyka dahil baka hindi pa nito nababasa ang sulat niya.

Ngunit pagdating niya sa St. Therese at ginalugad niya ang buong campus ay wala siyang makitang Lyka.
Huli niya itong pinuntahan sa locker room ngunit anong lungkot niya ng walang Lyka na makita doon. Sinilip niya ang locker nito at wala na ang sulat.

Wala na ang sulat.
Ibig sabihin nabasa na iyon ni Lyka.

Pero bakit hindi niya ako pinuntahan. Wala ba talaga siyang pakealam sa akin. Wala ba talaga akong lugar na kahit katiting lang sa puso niya? Kaya ba ganon lang kadali sa kanya na iwasan ako at wag pansinin?
Sunod-sunod na tanong ni Nate sa sarili.

Siguro nga hindi talaga siya gusto ni Lyka. Pero umasa siya.Dahil na rin sa pinakita nitong pagiging malapit sa kanya. At nagkakasundo sila sa lahat ng bagay.

Kaya naman ganon kalakas ang loob niyang umasa na may pagtingin din sa kanya ang dalaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaya naman ganon kalakas ang loob niyang umasa na may pagtingin din sa kanya ang dalaga. Pero ang totoo,wala nman pala talaga.
Napaupo si Nate sa isang bench sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Konti nalang at bibigay na ang mga luha niya. Ngunit bigla niyang inayos ang sarili dahil ayaw niyang makita siya ng sinomang mag aaral na umiiyak na tila ba nalugi sa negosyo o parang iniwan ng girlfriend.

E ganon na rin yun e...Iniwan ng girlfriend??? Yun na nga yun, ang pinagkaiba lng di ko pa pala  girlfriend si Lyka. Magiging palang sana. Litanya niya sa sarili.

Huminga siya ng malalim at akmang tatayo n sa kinauupuan nito ng may mapansin niyang nakalukot na papel s paanan niya.
Letter ko yun ah! Para kay Lyka!
At ng damputin niya ang papel  at binuklat mula sa pagkakalukot ay di na niya naiwasan ang mga luha niyang naghahabulang bumaba sa pisngi niya.

Letter ko yun ah! Para kay Lyka!At ng damputin niya ang papel  at binuklat mula sa pagkakalukot ay di na niya naiwasan ang mga luha niyang naghahabulang bumaba sa pisngi niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngayon ay alam na niya ang dapat gawin. Talagang walang balak magpkita si Lyka sa kanya. Heto nga at basta-basta nalang tinapon ang sulat niya. At di pa nakuntento nilukot-lukot pa ng todo.
Naawa siya sa sarili.

Kaya nakabuo na ng pasya si Nate. Lilisanin n niya ang lugar na ito at uuwi nalang siya ng masbate at doon magtatapos. Sapagkat kailangan din siya doon ng kanyang mga magulang.
Kailanman ay di na siya babalik sa lugar na ito at di na siya magpapakita kay Lyka.

Di Kita Gusto Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon