Chapter 1 ( Belief )
( In Behalf Of The Mafia Book 2 : The Key of Fortune )
= Third Person's Pov =
" Zeal.. Wala ka bang balak pumunta sa libing ni Zyres? " tanong ni Drake. Wala sana siyang balak tanongin ito dahil alam niyang walang kwenta yung magiging sagot niya pero sinubukan pa rin niyang kumbinsehin si Zeal at baka pumayag.
" No.. Because Zyres is not dead. " Napahilamos ng mukha si Drake.
" Alam ko yun Zeal at alam rin nilang lahat yun pero kailangan nating pumunta para hindi magtaka yung media na wala ngang katawan ni Zyres ang ililibing. "
" Oo nga bro saka si Pike yung nagsabi samin na pakiusapan ka raw naming pumunta, diba mas malala pag nalaman ng ibang grupo na buhay pa si Zyres? Baka pagpe-pyestahan na nila sa paghahanap yun. " singit ni Khu na nasa tabi lang ni Drake
" Kailangan lang nating maghintay kung kailan siya babalik. "
" Pero hanggang kailan? " putol ni Jive kay Vim pero isang salita lang ang sinabi ni Zeal para tumahimik sila.
" Soon. "
Lahat sila hindi alam kung nasan ba si Zyres, ang sabi ni Zeal nong puntahan nila yung kwarto ni Zyres ay wala silang nakitang katawan sa loob.
= Flashback =
Dali-daling nagtakbohan sina Pike at Zeal papunta sa loob ng ospital, lahat sila nanigas sa sobrang gulat dahil sa hindi inasahang pangyayari.
Hindi nila alam kung pano nagkaron ng bomba sa loob ng kwarto ni Zyres pero isa lang ang natitirang rason ni Zeal kung bat nangyari yun. 24/7 may nagmamatyag na sakanila at hinihintay na makalabas silang lahat sa loob ng kwarto ni Zyres nang walang nagbabantay sakanya at yung pag-alis nila ang tyempong oras para magawa yun.
Papunta na sana sila sa hagdan nang may mapansin si Pike na may dalawang lalaking nagbubulongan at parang animoy nag-iingat na wala sanang makarinig sakanila.
" Mauna ka na, may titingnan lang ako. " sabi ni Pike at hindi na sumagot si Zeal at dali-dali itong nagtungo sa pinagmulan ng bomba.
Maingat na nagtago si Pike sa pader ng hagdan kung san ay malapit lang ito sa Fire Exit.
" Tigok na siguro yun diba? "
" Sigurado ako dun. Alam naman natin pareho na yun talaga yung kwarto ni Zyres. "
" Buti nalang wala ng taong nandun. Malinis yung pagkakagawa natin. "
Naalarma si Pike sa narinig niya kaya agad itong hinugot ang baril at bago pa ito makalapit sa dalawa ay pinutokan niya agad yung cctv para walang makakita sa nangyari pagkatapos ay agad niyang itinutok yung baril na hawak niya dun sa dalawang nakahandang bumunot ng baril, inunahan na ito ni Pike kaya yung isa ay nagtaas ng kamay niya pero yung isa ay hindi nagpatinag at pinagpatuloy yung pagbunot ng baril sa bulsa niya kaya walang pakundangang binaril ni Pike ang kamay nito kaya napasigaw ito.
" T*ngina! Bat mo ko binaril! " sigaw ng isang lalaking nabaril niya
" Sino boss niyo.. " blangkong tanong ni Pike pero minurahan lang ito nong isa pang kasamahan nito.
" Ano bang paki mo-- aghh.. " hindi pa nga ito natapos sa pagsasalita ay binaril na agad ni Pike sa puso yung isang lalaki kaya nakahandusay na ito sa sahig kaya ngayon ay sa isa naman niya itinutok yung baril habang nagtitiis sa sakit dahil sa tama ng kamay nito.
" Wala ka bang balak sumagot? " nanatiling malamig ang boses ni Pike, hinintay na sumagot.
" Kahit patayin -- "
BINABASA MO ANG
In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of Fortune
БоевикBook 2 of In Behalf Of the Mafia