Chapter 4 ( Keys )
( In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key of Fortune )
Written by: Sab_kitty
= Third Person's Pov =
Nasa harap na ng bahay si Zyres at kadarating niya lang kanina dito sa Japan. Habang tinitingnan niya yung bahay nila ay masasabi mo talagang abandonado na ito at wala nang naninirahan ni isang tao man lang. Sarado na rin ito at hindi man lang sinira o dinemolish kaya matayog pa rin yung pagkakatayo ng bahay nina Zyres noon.
Pumikit si Zyres at inaalala yung mga araw na hindi inasahang pangyayari. Namamasyal pa lang sila non ng Ina niya para bilhan ng regalo yung tatay at kapatid niya pero sa kasamaang palad ay hindi natuloy ang pag-uwi nila dahil sa pangyayaring kagagawan ng Embalm at ngayon hindi na masakit kay Zyres ang paghigantihan ang magulang niya dahil nagawa niya nga iyon. Ang ipinunta lamang ni Zyres sa bahay na ito ay ang susi para sa ganun ay higit niya pang makikilala ang magulang nito.
Binuksan ni Zyres yung gate ng bahay at pumasok ng tuluyan, madilim na't buti ay may dala siyang flashlight para magagamit niya para may liwanag siya. Hindi siya natatakot kung sakali mang may multo dahil unang-una ay hindi siya takot dun at pangalawa sanay na rin si Zyres sa dilim kaya hindi siya nagdadalawang isip na pumasok.
Agad niyang tinungo yung kwarto niya para hanapin yung susi at nong makarating siya sa kwarto ay nakita niya yung mga gamit niya lalo na yung maleta kung san ay nakatayo lang sa gilid ng kama niya. Yung ayos ng bahay noong bata pa siya ay yun pa rin ang ayos niya hanggang ngayon at wala pa rin itong pinagbago.
Agad na kinuha ni Zyres yung maleta at nilagay sa kama saka niya kinagat yung flashlight para buksan yung maleta niya. Pagkabukas ay hinalughog niya yung bawat gamit na mahahawakan niya sa maleta niya at ilang halughog pa nong may sumagi sa kamay niya at napangiti si Zyres nang mapag alaman niya yung box pala na nilagyan ng susi ang nasagi niya. Kinuha niya agad ito at binuksan at dun nakita niya ang susi na binigay ng Mommy niya nong bata pa siya.
Tumayo na si Zyres para lumabas pero napahinto ito nang may maisip siya. Umupo ulit siya sa kama at kinagat ulit yung flashlight saka binuksan yung box. Kinuha niya yung susi at hinalughog pa yung nasa loob nito at tiningnan ang bawat bahagi ng box pero wala siyang makitang ni kasing bakas man lang tungkol sa magulang niya.
Natigilan ulit si Zyres nang may maisip na naman siya.
" Mom's room. "
Agad siyang nagtungo sa kwarto ng Mommy niya at pinagtitingnan ang bawat gamit nito pati na yung ilalim ng kama ay tiningnan na rin niya. Parang dinaanan ng bagyo yung kwarto dahil sa nagkalat na mga gamit ng Mommy niya. Mga tatlumpong minuto na yung lumipas nang tumigil si Zyres sa kakahanap ng mga bagay na sa tingin niyay parang wala naman.
Umupo siya sa sahig katabi ng kama at sumandal sa kama. Hawak ni Zyres ang ulo niya na parang hinihilot ito. Nang makapagpahinga ng sandali ay tumayo si Zyres at naglakad pero napahinto siya nang may naapakan siyang bagay at bigla nalang may tumunog.
Napatingin siya dun sa malaking painting na gumalaw pabukas at may nakita siyang isang Locker mula sa likod ng painting.
Kinuha ni Zyres yung naapakan niya at nakita niyang isa pala itong Remote Control na ginagamit sa TV. Nakita na ito ni Zyres kanina pero hindi niya ito nabigyan pansin dahil buong akala niya ay isa lang itong normal na Remote na para lang sa TV pero hindi niya naman aakalain na may kakaiba pala sa Remote na yun.
Lumapit si Zyres dun sa Locker pero nakalock ito. Tiningnan niya yung bagay na maaaring makapagbubukas nito pero kailangan pala nitong magtype ng code para mabuksan yung locker. Tiningnan ng maigi ni Zyres yung kabuuan ng locker nang makita niya ang isang marka ng susi na pamilyar sakanya lalo na yung hugis nito at dun ay may pumasok sa isip ni Zyres para maliwanagan siya.
BINABASA MO ANG
In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of Fortune
БоевикBook 2 of In Behalf Of the Mafia