Chapter 6 ( Unknown )
( In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of Fortune )
Written by: Sab_kitty
( A/N: Kung gusto niyong malaman kung kailan ang susunod na UD ko just Like sab_kitty sa FB page ko at ia-update ko yung Date ng pagpublish sa IBOTM2 and other stories. Then don't forget to like this page guyz.
Zyres Irena Xanth
Zeal Andrex Krypton
In Behalf of the Mafia
Yun lang. Like niyo sa FB guyz hah :-)
= Third Person's Pov =
Pagkapasok ni Zeal sa Cafe ay mula sa entrance tanaw niya si Pike na pinalilibutan ng kaibigan niya.
" Zeal! Pike's here. " tawag ni Jive at tinuro si Pike na nasa harap nito.
Napaisip si Zeal sa taong kaylan lang ay nakabangga niya at kay Pike na hindi nila inasahang nandito.
" Can we talk. " malamig na sabi ni Zeal nang makalapit na ito sakanila at hindi man lang pinansin ang kaibigan nito dahil kay Pike lang siya nakatingin.
Tumango naman si Pike at tumayo samantalang sina Jive naman ay nagtataka sa dalawa.
" Teka Zeal may problema ba? " tanong ni Khu at lumapit kay Zeal.
" Wala.. May pag uusapan lang kami. " Tumalikod agad si Zeal nang makita niyang naunang pumunta si Pike sa labas. Hinayaan nalang din nila yung dalawa at nagpatuloy sa ginagawa nila.
Habang nasa labas sina Pike at Zeal ay tumikhim muna si Zeal bago siya magsalita. " Sa tingin ko.. Nakita ko si Zy-- "
" Hindi ka sigurado Zeal kaya ibig sabihin non walang kasiguradohan. Wag mo nalang siyang isipin. "
" Alam kong nagkausap kayo kanina. Iniiwasan mo ba siya sakin? "
" No.. She's the one who insist na ayaw niya munang makipagkita sayo.. sainyo. "
Napakunot noo si Zeal dahil sa sinabi ni Pike at isa pa, matagal na ring hindi nagpapakita sakanila si Zyres kaya naiintindihan ni Zeal na kaya hindi ito nagpapakita sakanila ay dahil sa posibleng mga taong papatay sakanya but one year is maybe too long for him and for them to wait at namimiss niya ito ng sobra.
" Bakit.. " Yun lang ang lumabas sa bibig ni Zeal bukod sa mga tanong na namuo sa isip niya.
" Dahil yun ang gusto ni Zyres. Let just respect her decision Zeal, alam kong magpapakita rin siya sainyo pero hindi pa ngayon ang tamang panahon. Marami pa siyang inaasikaso ngayon kaya wag muna tayong dumagdag sa iisipin niya. "
" Bakit? Ano bang ginagawa-- " Hindi natapos yung itatanong ni Zeal dahil bigla nalang may umaalingaw ngaw na putok ng baril at nong tingnan nila yung pinangyarihan ay nakita nilang nabasag yung salamin ng Cafe na pinasukan nila.
" Sh*t " tanging sambit ni Zeal nang maalala nito yung kaibigan niya kaya dali-dali itong pumasok sa Cafe at nakita niyang wala na ito sa kinauupuan nila.
" Zeal, nandito kami! " Napalingon si Zeal sa may bandang Cashier at nakita niya si Drake at iba pa niyang kaibigan at may mga hawak na itong baril.
" Stay there-- " Natigilan si Zeal at agad nagtago sa gilid ng pader nang marinig na naman niya yung putok ng baril.
Tiningnan niya yung pinagmulan ng putok at nakita niyang may tao sa rooftop ng kaharap nilang gusali.
BINABASA MO ANG
In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of Fortune
AksiBook 2 of In Behalf Of the Mafia