Chapter 8 ( Training part 2 )
( In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key of Fortune )
Written by: Sab_kitty
= Third Person's Pov =
Umagang umaga ay nasa labas na ng compartment silang lahat kasama si Zyres at nakita niya yung mga nakahanda na iba't ibang klase ng baril at karamihan don ay kilala niya kung anong klase itong baril samantalang yung iba naman ay bago palang sa paningin niya at kahit saan ay hindi mo ito makikita.
" Dahil nakapasa ka na sa pakikipaglaban, dito naman tayo sa paggamit ng baril. Habang tinitingnan kita kahapon alam kong marami ka nang alam Zyres pero hindi ko basta bastang ipasa ka dahil lahat ng tao nagkakamali kaya isang pagkakamali mo lang Zyres masakit yung kapalit kaya talas naman sa paningin yung magagamit mo rito. Yung mga baril na hindi pamilyar sayo ay gawa ng kasamahan naming myembro at yun ay ang tinatawag naming Gunner. Siya minsan ang gumagawa ng baril at isa lang yan sa mga nagawa niya at pag pumasa ka rito matutumbasan mo na yung galing ng Gunner kaya talas ng mata, bilis ng kilos ang kailangan Zyres. Nakikita mo yung mansanas doon? "
Tinutukoy nito ang mga nakatukod na mga mansanas sa isang kawayan at palayo ng palayo yung distansya nito.
" Yung target mo ay yung gitna ng bawat mansanas na nandun. Sampung baril yung nakahanda diyan at sa isang mansanas isang baril ang gagamitin mo its your choice kung alin diyan yung uunahin mong gagamitin at sa isang baril tatlong bala ang ilalabas mo at siguradohin mong sa isang butas lalabas ang tatlong bala. Naiintindihan mo ba? "
Tumango si Zyres at unang kinuha ang 45 Caliber na baril saka niya sunod sunod na pinutukan yung unang mansanas ng ikatlong beses. Sunod namang kinuha niya ay ang M16 riffle at gaya ng ginawa niya kanina ay sunod sunod niya rin itong pinutukan. Sinundan niya ng Bargain Basement, Air Gun, Stealth at Semi Auto na baril hanggang sa gagamitin na niya ang mga bago lang sa paningin ni Zyres at ngayon niya lang iyon magagamit kaya nag-aalinlangan siya rito.
Kinuha niya yung Model 6505 na nakapangalan sa baril saka siya huminga ng malalim, pakiramdam ni Zyres ay hindi siya gaanong makagalaw ng maayos pero nakuha pa rin niyang itutok iyon at dun niya lang narealize na kahit walang silencer ay hindi ito maingay.
Yung pangwalong baril naman na ginamit ni Zyres ay tinatawag na Model 3382. Maliit ito at magaan kaya hindi nahirapan si Zyres sa paghawak nito pero hindi naman niya aakalain na malakas pala yung putok non kaya hindi niya alam kung tama ba yung pagkakatama niya dun sa mansanas. Lahat ng baril ay nagamit na ni zyres pero hindi siya sigurado kung yung lahat ng yun ay iisa lang yung butas. Lalo na sa baril na bago niya palang nakita at nasubukan.
" Let's go Zyres, tingnan natin yung natamaan mo at pag tatlo don ay hindi mo natamaan sa iisang butas. You've failed. " blangkong sabi ni Hatered at sinundan niya itong naglakad patungo sa pinaglalagyan ng mga mansanas.
Simula sa unang mansanas at pang anim na mansanas ay walang mali sa pagkakatama ni Zyres dahil isang butas lang meron pero kinabahan siya nang mapansin niya yung dalawang magkasunod na mansanas na hindi gaanong natamaan yung iisang butas kaya ibig sabihin non ay isa nalang at hindi na siya papasa sa training niya. Inaamin niya naman na hindi madaling gamitin yung mga baril na bago palang niyang nasubukan. Naiiling si Hatered na naglakad sa panghuling mansanas at kinuha niya iyon nang makita ni Zyres ay isa lang ang butas nito.
" Nakaligtas ka Zyres. Congratulations.. nakapasa ka sa ikalawang insayo ko sayo but make it sure Zyres na sa susunod ay pag aralan mo yung mga baril na bago palang sayo para magiging bihasa ka na. Ngayon naman pag aaralin natin yung mga ginagawa ng Tracker at Hacker namin. Kaya sumama ka sakin. "
BINABASA MO ANG
In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of Fortune
ActionBook 2 of In Behalf Of the Mafia