Chapter 9 ( Hit And Run )

1.3K 39 1
                                    

Chapter 9  ( Hit And Run )

( In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of Fortune )

Written by: Sab_kitty

= Third Person's Pov =

" May iba't ibang klase ng Bomba Zyres at sa tingin ko alam mo naman ang karamihan sa mga bombang iyon. Nandun ang Granada, Time Bomb, General-purpose bomb, Bouncing bomb, Bunker buster, Car bomb at iba pa pero bukod dun sa mga bombang iyon merong wireless na bomba at yun ang hindi mo mapipigilan hindi kagaya ng bomba na may wire ay pagpipilian mo yung wire. Para pigilan yung oras at ang pagsabog pero mind you Zyres. May mga bomba rin na sila mismo yung gagawa at pinapalit yung wire kaya dapat kang maging maingat Zyres. "

" So how we can determine the wires to stop it? "

" Yung pinakamahaba Zyres nakakonekta sa oras samantalang yung pinakamaliit nakakunikta sa main outlet. Yan lang ang dapat mong putolin Zyres pero lagi mong iisipin na unahin muna yung oras bago yung outlet dahil pag inuna mo yung mahabang wire. Bibilis yung oras kaya tandaan mo yan. "

Biglang may naalala si Zyres. Naalala niya kasi si Phire nong araw na isusugod siya sa ospital at nalaman nilang may bomba pala sa sinasakyan nila.

" But what about the colors? " sa pagkakaalala ni Zyres ay yun ang ginawang basihan ni Phire para matigil yung bomba.

" Yung ganong klase ng bomba Zyres ay para lang yun sa mga klase ng bomba na ginagamitan ng oras o maaari ring walang oras. Nakadepende sa bagay kung matatapos o hindi. Yung puting wire sa oras, Pula naman para sa main wire na nakakonekta sa lahat at asul para sa pagsabog at yung panghuli ay itim para sa pagtigil sa lahat at yun lang ang dapat mong putulin. "

Tama nga si Phire yung itim rin yung pinutol niya kaya hindi yun sumabog pero hindi maiwasang isipin ni Zyres kung bakit alam nito yung tungkol sa bomba.

Napabalik sa sarili si Zyres nang magsalita si Hatered.

" Ngayon ay alam mo na kung anong gagawin mo sa bomba Zyres pero ang gagawin mo ngayon ay kilalanin ang mga bombang ipapakita ko sayo at kung paano mo malalaman kung totoo ba o hindi. Nakikita mo ba yan? "

Itinuro ni Hatered yung mga bomba sa mesa.

" Alin diyan ang totoong Granada."

Tiningnan ni Zyres yung dalawang granada na nasa harap niya. Pareho naman kasi itong mukhang totoo pero sabi nga ni Hatered may kaibahan sila. Hinawakan ni Zyres yung dalawa at napagtanto niyang mas mabigat yung kaliwa kesa sa kanan.

" Itong kaliwang hawak ko ang totoo. "

Tumango si Hatered. Nagpatuloy sila sa ginagawa nila hanggang sa umabot sa paraan ng pagputol nito. May nakilala rin si Zyres na iba't ibang klase ng bomba na gawa ng bomber gaya ng Stink Bomb, Tsar Bomb, Land mine, Molotov Cocktail at iba pa. Nagawa naman iyon ni Zyres at sa huling pagkakataon ng pag iinsayo sakanya ay ipapakilala na siyang heiress ng Xanth.

" Gaya ng inasahan ko. Magaling ka Zyres kaya dapat lang na ikaw yung pumalit sa magulang mo. "

" Hindi ko rin naman magagawa to kung wala yung tulong mo kaya salamat Hatered. "

" Wag kang magpasalamat Zyres dahil hindi pa tapos ang lahat. Ibabalik mo pa yung Xanth at dahil nakapasa ka. Sasabihin ko na sayo yung ibang myembro ng Xanth. Kaya, pumunta muna tayo sa baba. "

Tinutukoy ni Hatered yung lugar ng Tracking at Hacking Area. May hinanap ito sa isang folder at pagbukas nito ay nakita niya ang larawan ng isang Middle Age na babae mula sa projector. Bago lang sa paningin ni Zyres ang taong nasa litrato kaya hindi niya ito kilala.

In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon