Chapter 11 ( Bomber )

1.2K 38 0
                                    

Chapter 11  ( Bomber )

( In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key of Fortune )

Written by: Sab_kitty

= Third Person's Pov =

" I'm sorry Ma'am , ginawa ko na yung lahat para iligtas yung buhay ng kapatid mo pero wala na talaga siyang buhay pagkarating niya dito sa Ospital. "

Bumuhos yung luha sa mata ni Ayres matapos magsalita ng Doctor. Hindi niya matanggap yung pagkawala ni Pike. Si Pike na yung pumalit bilang magulang niya at ngayong wala na ito ay hindi na niya mararamdaman iyon. Lahat na lang ng mahal niya ay iniwan siya. She don't know how to live without them.

Humahagolhol na rin siya ng iyak ganun na rin si Aria. Alam ni Ayres na girlfriend ni Pike si Aria kaya nasaktan rin ito sa pagkawala ni Pike.

Naramdaman niyang hinahagod siya nina Phire sa likod pero umiwas siya at naglakad paalis, because she want to be alone. Naramdaman ni Ayres na may sumusunod sakanya kaya huminto siya at inunahan ito.

" I *sniff* need to be alone, Please.. "

Nakapangalumbaba siyang naglakad sa hallway ng ospital. Wala rin namang nagawa yung mga kaibigan nito kundi ang sundin ang sinabi ni Ayres. Sina Phire, Tyrah, Aria at Brace lang yung nandon samantalang sina Zeal naman at yung mga kaibigan nito ay nandun pa rin sa pinangyarihan ng aksidente para suriin kung ano ba talaga yung nagyari kay Pike.

Habang naglalakad si Ayres ay bigla na lang namatay yung ilaw ng Ospital at mas nagulat pa siya nang may bigla nalang humigit sa braso niya pero huli na ang lahat para pumiglas siya dahil tinakpan na ng panyo yung bibig niya at dahil sa amoy ng panyo ay nahilo ito hanggang sa magdilim yung paligid niya.

Babalik na si Zyres sa Compartment nina Hatered at habang nagmamaneho ito ay bigla na lang niyang narinig yung boses ni Hatered sa Earset nito.

" Hello Zyres, nakikinig ka ba? "

Walang ganang sumagot si Zyres kaya nanahimik lang ito.

" Tawagan mo lang ako kung okay ka na but I just want you to know that its about Ayres. "

Parang natigilan si Zyres pagkabanggit nito sa pangalan ng kambal niya.

" Bakit? "

" Good you answered. Athena emailed to me, nawawala raw si Ayres bago pa lang. "

" Sh*t! " Agad hininto ni Zyres yung motor sa tabi ng kalsada saka nakinig ng mabuti.

" How does it happened? " nagpipigil na sabi ni Zyres.

" Bigla nalang nawalan ng ilaw yung ospital at nong umilaw na, Ayres disappeared. "

" I need to see Hatered. "

" No need.. Athena send me all copies of different CCTV's around the Hospital. That's why I called. Sabay natin susuriin yung video footage. "

" Wait me. " malamig na sabi ni Zyres at agad niyang pinaharurot yung motor.

Kinakabahan si Zyres, nawala na si Pike at hindi maaring yung kapatid naman nito ang mawala. Bigla na lang pumasok sa isip niya yung sulat na binigay sakanya ni Zeal.

" 2 Xanth down. Take a look at Ayres. She'll be the next. "

" F*ck! "

Mura ni Zyres. Posibleng si Ayres nga yung target nila. Balak pa sana niyang itago si Ayres kay Athena pagkatapos ng burol ni Pike pero hindi naman niya aakalain na mabilis palang gumalaw nong mga kalaban nila at napaaga pa ito.

In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon