Chapter 24: Happy Family

23.1K 276 1
                                    

Elize' POV:

"Babe bilisan mo diyan at atat na atat na si Seth na magbeach!" tawag ni Micheal sa akin.

"Eto na nga oh.. Naku naman!" sagot ko at binitbit na ang bag ko palabas.

"Ang ganda talaga ng misis ko!" sambit ni Micheal ng makalabas ako ng silid at agad iniyakap ang isang braso sa aking bewang.

"Hmp! Matigil ka nga!" pang-asik ko kunyari at nauna ng maglakad papunta sa kotse.

Pero ang totoo ay kinilig ako sa tawag niya. Misis daw? Eeehhh! Ang sarap pakinggan..

Pinagbuksan naman ako ni Micheal ng pinto sa may front seat sa tabi niya.

"Mommy ba't ang tagal niyo!" reklamo ni Seth na printing nakaupo sa backset ng kotse at naglalaro ng ipad niya.

"Nagpabeauty pa si mommy baby kaya relax ka lang dyan." sagot naman ni Micheal.

Pinandilatan ko siya ng mata kaya natatawa siyang inistart na ang makina at nagdrive na.

Nakatulog naman si Seth sa byahe kaya ginising ko siya ng makarating kami sa beach.

"Wow! Its so beautiful here mommy! Can i swim there?" namimilog pa ang kanyang mata na nakaturo sa dagat.

"Yes baby, but we should rest first. Dady is tired driving." sagot ko at inakay na siya patungo sa beach house na nakareserve na sa amin. Nakasunod naman si Micheal dala ang aming gamit.

Palukso lukso pang naglakad si Seth.

Ang saya saya niyang pinagmamasdan ang paligid at turo ng turo sa mga bago sa kanyang paningin.

Ng makarating kami sa cottage ay agad na pumasok si Seth at naupo sa sofa na yari sa kawayan.

May tvset din doon kaya nanonood muna siya ng cartoons habang inaayos namin ni Micheal ang gamit.

"Baby behave ka muna riyan okay?" sabi ni Micheal at hinalikan ang ulo ni Seth.

"Yes daddy!" sagot ng bata at ipinagpatuloy ang panonood.

Inayos na namin ang gamit namin sa silid. May dalawang kama roon at para kay Seth ang isa.

"Ambango talaga ng babe ko..." sambit ni Micheal at niyapos ako mula sa likuran.

"Wag kang OA.. Di pa ko naliligo at pawis na pawis pa ako.." sagot ko at humarap sa kanya saka piningot ang kanyang ilong.

"Eh sa nababanguhan ako eh!" maktol na sabi ni Micheal at nagkandahaba pa ang nguso.

"Asssuuusss!" nakangiti kong sabi at umalis na sa kanyang pagkayakap.

Subalit muli akong niyakap ni Micheal at siniil ng halik sa labi.

Gumanti naman ako ng halik at iniyapos ko pa ang aking dalawang kamay sa kanyang leeg.

"Mommy! Daddy! Im hungry!" biglang pumasok si Seth kaya nagbitiw agad kami.

"Come! Lets eat na! Halika na Micheal.." inabot ko ang kamay ni Seth bago ko binalingan si Micheal at kinindatan.

Napakamot naman siya sa batok at sumunod nalang sa amin.

Kumain kami sa isang seafood restaurant na nasa loob rin ng resort.

"Yehey! Ang daming masasarap na food!" sabi ni Seth.

"O kumain kang mabuti baby at masarap yan.." sabi ni Micheal at ipingahimay pa ng shrimps at alimango si Seth.

Binigyan niya rin ako ng mga nahimay na niyang hipon at alimango kaya ang ending ay busog na busog kami ni Seth at siya ay konti lang ang nakain.

"Ang daya niyo!" nakapout niyang sabi.

Nag-appear naman kami ni Seth at saka nagtawanan.

"Talo si Daddy.. Kinain namin lahat ni mommy!" panunukso ng bata.

Matapos kaming makapagpahinga ng konti ay nagbalik kami sa cottage at nagpalit ng pampaligo.

Kapwa nakasuot ng swimming trunks ang mag-ama habang pinatungan ko naman ng net teeshirt ang suot kong black two-piece swimsuit.

Hawak namin ang magkabilang kamay ni Seth habang papunta kami sa dalampasigan.

Dala ko ang kumot at towel namin habang bitbit ni Micheal ang basket ng aming snacks at ang bag ng gamit.

Nakasuot naman ng goggles si Seth.

Kung titingnan ay tila isa kaming masayang pamilya. Di mahahalatang ngayon lang kami uli nabuo.

Naglatag kami ng kumot sa buhangin at saka inayos ang dala naming pagkain at inumin.

Naghubad naman ako ng tshirt saka naglagay ng lotion sa braso at binti.

"Let me help you babe.." sabi ni Micheal at nilagyan ang aking likod.

Pinahiran ko rin ng lotion si Seth bago pinalusong sa dagat.

"Daddy lets go! I like to swim na!" pagyayaya ni Seth.

"Tara na babe!" sabi ni Micheal.

Umiling ako at suminyas na mamaya na.

"Mauna na kayo.. Parang ayoko pa sa tubig." sagot ko at kinuha ang aking dalang pocket book saka sinimulang basahin.

Hinila naman ni Seth si Micheal kaya napasunod ito sa bata.

Halos buhos na buhos na ang atensyon ko sa pagbabasa ng biglang may bumuhat sa akin at itinakbo ako patungo sa dagat bago initsa.

Mabilis akong sumikad sa buhangin sa ilalim upang makatayo.

"Ano ka ba! Bakit mo ako tinapon!?" inis na sabi ko at tinampal ang balikat ni Micheal.

"Hahaha! Eh kasi kanina ka pa namin tinatawag ni Seth di ka nakinig.." natatawang sagot ni Micheal.

"Oo nga mommy! You were just reading.." sabat naman ni Seth.

Inirapan ko silang dalawa at sinabuyan ng tubig si Micheal. Gumanti naman ito at nakisali rin si Seth kaya nagsabuyan lang kami tatlo.

Minsan ay buhat ni Micheal si Seth sa kanyang balikat at sasabuyan ako ng tubig.

Minsan naman ay maghahabulan lang kaming tatlo.

Nang mapagod ay bumalik kami sa buhanginan at naupo.

Nilantakan naman ni Seth ang aming baon.

Sinubuan ako ni Micheal ng spagetti at muntik na akong mabulunan. Tawa pa ng tawa sila ng inubo ako kaya gumanti ako at kumuha ng marami ring spagetti at isinubo ko lahat kay Micheal.

Ito naman ang nabulunan.

Nang matapos kaming kumain at magharutan ay tinulungan namin si Seth na gumawa ng sand castle.

Di masyadong mainit dahil may tabing namang malaking payong ang aming pwesto at maghahapon na rin.

"Ang ganda ng castle natin mommy!" pagmamalaking sabi ni Seth.

Nang magsawa kami ay bumalik na kami sa cottage at nagpahinga.

Bukas na lang kami mamamasyal..

Will You be My Babymaker? (Completed) + Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon