All I Want For Christmas Is You

50 4 7
                                    

Alexandria's POV

"Nak, gising na. Nandito na tayo."


Binuksan ko na ang aking mga mata at ramdam ko pa ang pagka-pugto ng mga ito. Tumingin ako sa labas at nakitang madaling-araw palang.


I faked a smile. Lumabas na ako ng sinasakyan naming van. Nakita ko ang driver namin na binababa ang bagahe mula sa sasakyan. Nakita ko rin si daddy na kausap si Alex, ang nakababata kong kapatid.


"Ma, I'll just go upstairs," sabi ko kay mommy na kasalukuyang inaayos ang ilan sa mga gamit namin.


Umakyat na ako sa hagdan namin at pumunta sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama ko at tumitig sa kulay asul na kisame.


Biglang lumabas ang mukha niya. Ang mukha ng lalakeng miss na miss ko na. Ang lalaking mahal ko. Miss na miss ko na siya. Yung mga magaganda niyang ngiti. Mga corny niyang jokes. Lahat-lahat tungkol sa kanya.


Naramdaman ko ang dahan-dahan na pagtulo ng mga luha mula sa mata ko.


Xander, mamaya magkikita na ulit tayo. Miss na miss na kita.


~~~~~~~~


I woke up and looked at the wall clock. Alas-nwebe na pala ng umaga. Ginawa ko na ang morning rituals ko. Nagbihis ako ng t-shirt, jeans, at sneakers.


Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Okay na 'yan. Ayaw rin naman ni Xander ng ayos na ayos ako. Gusto niya 'yung simple lang. Napangiti ako nang mapait nang maalala ang mga memories na 'yun. Mga panahong masaya pa kami.


Bumaba na ako ng hagdan at nakita si mommy na inaayos ang hapagkainan. Napatingin siya sa akin at ngumiti.


"Oh anak, kumain ka muna bago ka umalis. Ikamusta mo ako kay Xander ha?"
Sabi ni mommy.


Tumango nalang ako habang nakangiti at umupo na para kumain. Binilisan ko na ang pagkain ko. Excited na kasi akong makita siya.


Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay mommy na aalis na ako. Dinala ko ang sasakyan ko at pumunta na sa hospital. Sa hospital kung saan siya nakaconfine.


Naka-confine siya for almost a year. Isang buwan na ako halos walang balita sa kanya simula noong mawala ang phone ko.


Pinark ko na ang sasakyan ko. Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok sa hospital. Dire-diretso na akong pumunta sa room 143. Hindi na ako nagtanong kasi alam ko naman ang room number niya.


Sa wakas, magkikita na ulit tayo.


Bubuksan ko na sana ang pinto nang may maramdaman ako. Bakit parang may hindi maganda? Bakit parang, may hindi magandang mangyayari?


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All I Want For Christmas Is You (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon