[24] Enchanted Kingdom Part 1

3.8K 52 0
                                    

Jazrille's POV

Its August 3, saturday today. Excited ang lahat pumunta ng EK! Hahahaha parang first time eh, well first time naman talaga naming pumunta kasama ang varsity players! Nandito ako ngayon sa CR, naliligo. Pinagmamadali na kasi nila ako dahil ako daw ang pinakamabagal kumilos saamin. Edi ako na!

Sila Rae naman, naliligo na din. Wala pa yung ibang varsity dito, 6am pa lang kasi. Excited lang kasi sila! Oo sila lang hahahaha. Natapos na akong maligo.

Magbibihis na syempre. Kukuha ako dapat ng dress, kaso naalala ko yung sinabi sakin ni Ivan kahapon na wag daw akong magsusuot ng dress. At dahil masunurin ako, nag shorts ako tapos sleeveless na top then nagdala ako ng cardigan. Naka doll shoes ako para hindi masakit sa paa.

After kong magbihis, bumaba na ako. Kakain na kasi ako ng breakfast. Mauuna na ako dahil mabagal din akong kumain. Hahahaha sa lahat na lang ata ng bagay mabagal ako.

Nagpahanda na ako ng breakfast. Hindi ko na sila iintayin, matatagal silang kumilos pero ako daw ang pinakamatagal pero nauna ako ngayon.

Habang kumakain ako, bumababa na sila Rae at Cha. Para ngang pare-parehas kami ng outfit ngayon. Puro naka shorts tapos sleeveless.

Tama naman yung haba ng shorts namin, hindi maikli hindi rin mahaba.

Kumakain na din sila. Habang kumakain kami, dumating na sila Jet and Ryan. Sinabayan na niya kami sa pagkain.

"Nasaan sila Chiny and Sab?"

"Nasa room pa Rain, nagbibihis."

Ang tagal naman nung dalawang yun. Hindi naman nagtagal, bumaba na sila. At pareparehas talaga kami ng outfit today hahahaha cool!

"EK ba ang punta natin or sasayaw kayo sa suot niyo? Grabe pare parehas ah!" -Ryan.

Walang pumansin kay Ryan. Hahahahaha! Pinagpatuloy na namin yung breakfast namin ng may biglang dumating.

"Goodmorning." Ang aga naman ni Ivan. 7am pa lang ah.

"CAPTAIN! Bakit ang aga mo?"

"Wala lang, maaga akong nagising eh."

"Kumain ka muna dito." sabi ko tapos umupo naman siya sa tabi ko.

After 15minutes...

Dumating na din yung iba. Mukhang walang malelate ngayon ah.

Nandito na sila Daryl, Kenji, Ethan, Shan, Kyler, ang Bench. Hindi nakasama yung iba dahil may mga importanteng lakad daw sila.

"Jaz! Goodmorning pwede pakain?"

"Grabe ka naman Kenji! Hindi ka ba kumain sa inyo?" -Jet.

"Hindi eh. Nagmamadali kasi akong pumunta dito para makita kaagad si Cha."

Nasamid bigla si Cha hahahaha! Namumula na sya ngayon pero nagtuloy tuloy na lang sya sa pagkain niya.

Pinakain naman namin yung ibang hindi pa nagbebreakfast, akala ko konti lang yung mga hindi pa kumakain, yun pala lahat sila. Hahahahaha mga excited!

Natapos na ang eating session namin. So napagpasyahan na naming umalis.

Bago kami sumakay ng kotse,

"Teka, sasayaw ba kayo? Bakit pare-parehas kayo ng outfit?" -Kenji.

"Aba, oo nga no. Magkakaiba lang yung style pero parang ganun parin" -Ethan.

"TSS! Wag niyo ng intindihin ang suot ng mga yan, tara na hahahaha!" -Jet.

Hahahaha pati ba naman mga suot namin napapansin. Iba talaga kapag magaganda! Joke hahahahaha!

My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon