Arisa Alcantara.
"Hoy, babae! Bumangon ka d'yan! Buksan mo 'tong pinto!"
Halos mahulog ako sa kinahihigaan ko nang marinig ko ang malalakas na katok at maladragong sigaw ng tiyahin ko mula sa labas ng kwarto ko.
Pambihira, sa lapag nga lang pala ako natutulog. Paano nga pala ako mahuhulog?
"Hoy! Buksan mo 'tong pinto!"
"Bakit po, Tiyang? May umaway na naman ba sa'yo? Banatan ko na ba?" inaantok pero makalokong tanong ko habang marahan kong kinukusot ang mga magaganda kong mga mata.
"Baka gusto mong ikaw ang banatan ko d'yan?! Buksan mo 'to! Kapag di mo binuksan 'tong pinto, sisirain ko 'tong pinto at isusunod ko 'yang pagmumukha mo!"
"Sige na nga po! Saglit lang po!"
Ano na naman ba kasing kailangan nitong tiyahin ko at disoras pa lang ng gabi ay full force na siyang nambubulahaw?
Yamot akong tumayo mula sa kinahihigaan ko at papadyak-padyak na naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko ng walang ginagawang tunog. Wala na rin naman akong choice kung hindi sumunod. Baka mamaya kasi totohanin niya 'yung sinabi niya na wawasakin niya ang maladyosa kong mukha. Di pa naman pwedeng masira ang kagandahan ko lalo na't ito lang ang asset ko. Napagkaitan kasi ako ng mga bagay-bagay tulad ng mataas na estado ng buhay, utak at talent. Ganda lang talaga ang mayroon ako.
Bahagya akong napaatras at napahawak sa dibdib ko nang bumulaga sa akin ang mala-abstract art na mukha ng tiyahin ko nang buksan ko na ang mahiwagang pinto.
Grabe, Bes. Akala ko monster.
Sino ba naman ang hindi mabibigla kung salubong niya sa 'yo ay 'yung lukot niyang noo, magkasalubong na kilay at nanlalaking ilong niya sa galit? Dagdag mo pa 'yung sandamukal na rollers na nakakabit sa ulo niya. Nakakaloka.
"Ang tagal mo namang buksan 'tong pinto!"
"Sor' na, Tiyang. Ano nga po pala ang kailangan niyo?"
"May pera ka pa ba d'yan? Bigyan mo nga ako ng isang libo," walang kagatol-gatol na sabi niya sabay lahad niya ng palad niya.
Sa pagkakaalala ko, kabibigay ko pa lang sa kanya ng pera kani-kanina lang bago ako matulog. 'Wag niyang sabihing naitalo na naman niya 'yung dalawang libo sa sugal?
Wakanga! Dugo't pawis kong pinagpaguran 'yung pera pero siya ipinantalo lang niya sa sugal. Grabe, isang malaking huhubels ito. Buti sana kung nagtatae ako ng pera, kaso hindi e. Mukba bang itinatae lang ang pera?
"Ano pa bang tinatayo-tayo mo d'yan? Wag mo akong paghintayin dito!" Excited? Masyadong atat?
YOU ARE READING
Harford Household
ActionPaano kaya kung malaman mo na ang pinaka kinaiinisan mong cold- blooded professor at demonyitong master na araw-araw ay high blood sa 'yo ay isa pa lang 'one hell of a boss'? Will you run for your life or will you stay faithful to him like a loyal d...