Part 1

3 0 0
                                    

Itago na lamang natin ang babaeng ito sa pangalang "Joey"

Lumaki si Joey na mahiyain, hindi sya basta nakikipagusap kung kanikanino. Palagi sya naglalaro mag isa, at masaya na basta kasama nya ang mga collection nyang manika.

Nagsimulang mag aral c Joey, kinder, elementary hangng mag highschool at dito nya naranasan ang unang pagkabigo sa pag ibig. Sa edad na 15, nagkaron sya ng unang pag ibig. Hindi nya inasahang lolokohin lamang sya ng lalaki na akala nyang mahal din sya. Umikot dito ang kanyang mundo ngunit nagdulot sa kanya ng kanyang unang pagkabigo. Nahirapan syang tanggapin ito, di na sya kumakain ng maayos, hindi lumalabas ng bahay hangng isang araw, nagpunta sya sa isang ilog at nagtangkang magpakamatay. Maswerte na lamang sya at may nakakita sa kanya at nailigtas sya nito. Matapos ang mga pangyayaring ito, nabago na ang kanyang mundo. Di na sya ntutulog ng maayos, di na halos kumain, ayaw ng pumasok sa skul at palagi syang nagtatangkang magpakamatay.

Isang araw, nagising ang kanyang kapamilya sa isang malakas na katok. Bumangon ang kanyang ate at napansin agad na nawawala ang bunsong kapatid, si Joey. Pagbukas ng pinto, dali dali syang hinila ng kapitbahay at sinabing sumasakay ng jeep si Joey, papunta sa skul at sasakay ulit pabalik. Paulit ulit na ganito ang ginawagawa hangang mapansin na ito ng isang nagmagandang loob. Dinala sya sa pinakamalapit na Brgy. Hall at doon ay kinausap. Doon ay hagulgol ng pag iyak lamang ang kanyang sinagot. Minabuti ng pamilya na dalin siya sa isang Psychiatrist. Madaming test ang ginawa kabilang na ang isang Psychological test na nagkompirma na sya ang may "SCHITZOPRENIA". Ang schitzoprenia ay isang sakit sa pagiisip na namamana. May kasama itong hallucinations at ang tinatawag nilang "bulong". Pinaliwanag ng Doctor ang sakit na ito sa ate nya at sinabi na matagal na siyang maysakit nito ngunit, ngaung lamang lumabas gawa ng ang pagkabigo nya ang nakapagpatrigger ng sakit. Ang nakakalungkot lamang nito ay,wala itong lunas...

Lumipas ang taon, nakapag asawa na ang kaniyang mga kapatid. At inilagay sya sa isang private na homecare. Napagdesisyonan ito ng pamilya, gawa ng may mga anak na din ang ate nyang nag aalaga sa kanya at ang ibang kapatid ay nasa abroad na. May mga pagkakataong nagwawala din kasi si Joey at nakakapanakit kaya masakit man sa loob ng ate nya ngunit di nya maisaalang alang ang kaligtasan ng kanyang mga anak at para na rin sa sariling kaligtasan ni Joey ay dinala sya sa isang Homecare,sa homecare na di nya inasahang magiging sanhi ng masmalalim na dagok para sa kanilang buhay......

To be continued.....

JOEY's FULL STORYWhere stories live. Discover now