Tekstong Naratibo

19 0 0
                                    


Ang aming pasko noong nakaraang taon ay napakasaya dahil kumpleto kami. Lahat ng aking mga kamag anak sa manila ay umuwi ngayong pasko. Kami ay nagtipon tipon, kaya tuwing pasko ay nagkakaroon kami ng family reunion. Masayang masaya ako dahil nakauwi ang aking tita na galing sa manila. Ngayon kasi ay doon na sya nagtatrabaho, pero noong mga bata pa kami ay kami ang magkakalaro. Umuwi ang tito at tita ko na galing sa cavite kasama ang kanilang anak. Umuwi din ang isa kong tita at tito na galing sa korea. Kami ay nagtipon tipon sa bahay ng aking auntie. Kaming magkakamag anak ay pumunta doon ng lunch. Maghapon rin kami doon. Mayroong videooke at lahat sila nagkakantahan. Pagkatapos nila magkantahan ay nagkaroon kami ng isang Bingo na kung saan ay binubuo ang mga letra ng aming apelyido. Kaya tuwang tuwa kami kapag may nakakakuha ng bingo dahil maganda ang makukuha mong price. Noong gabi na kami ay umuwi na. Masayang masaya kami sa aming maliit na pagtitipon tipon kaya nakumpleto kami ngayong pasko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Proyekto sa FilipinoWhere stories live. Discover now