Forevermore

89 4 1
                                    

My very first short story here in wattpad! please support po! thank you so much!!!

_________________________________________________________________________

Sabi nila...

Walang sikretong hindi nabubunyag.

Pero pwede namang matago mo yun forever na walang nakakaalam eh..

Yan ang akala ko.

Mahirap na kasi kung mabubunyag yung sikreto ko.

Ako nga pala si Xyrene. And I have this best friend named Robbie. 

Best friend kong hindi ko inaasahang maiinlove ako.

We all know naman na mahirap ma-inlove sa isang kaibigan diba? Kasi.. baka mamaya, mag-iba yung turing niya sa'yo. Mag-iba na yung relationship niyo as best friends..

Baka mamaya, layuan ka na niya.. iwasan ka na niya.

Kaya I kept this secret. Yup. I kept it for years. Kaya akala ko...

Pwedeng mabreak yung kasabihan na yun.

Akala ko, maki-keep ko siya forever.

I mean.. yes, I did pero hindi forever kasi.. sa istoryang 'to.. nabunyag na rin. Haha. *clear throat* Oo nga pala, I'm trying to serious here.

Ayun. Hindi ko naman inaasahang mangyayari yung pangyayaring yun.  Edi kung alam ko, sana... matagal ko nang sinabi.

But it's too late. 

#!

I was in Grade 5 nung nakilala ko si Robbie. Transferee kasi ako noon. And since wala akong mga kaibigan, tahimik lang ako. Hanggang sa... dumating ang dismissal. Yung first encounter ko with Robbie.

Naka-upo lang ako noon sa isang bench sa may lockers. Presko kasi yung hangin, malapit kasi sa school garden. Nakaharap ako doon sa may garden at.. nag-iisip kung pa'no ako makakahanap ng kaibigan.. kung magiging maganda yung school year ko doon..

Nang biglang..

May tumabi sakin. Pagtingin ko, si Robbie pala.

"O, andito ka pa pala." sabi niya

Ngumiti lang ako. Syempre, shy-type.

"Xyrene, right?" tanong niya

Tumango lang ako.

"Baka gusto mong magsalita."

Natawa tuloy ako at tumango-tango.

"Matagal ka na dito?" tanong ko

"Matagal-tagal na rin. Since Grade 1 kasi, andito na 'ko." sagot niya

"Ahh..."

Ayun. Tapos, maya-maya, umuwi na rin siya. Kaya, umuwi na rin ako. Simula ng araw na yun, palagi na kaming nag-uusap.

Hanggang sa naging close na kami. Naging best friends.

Tandang-tanda ko pa nung Grade 6 ako...

Wala kasi akong baon, nakalimutan kong dalhin.. nagkataon pang mahabang-mahaba yung pila sa canteen.

Umupo lang ako doon sa gilid ng canteen. Gutom na gutom pa man din ako noon. Isang tinapay lang kasi yung nakain ko kasi, nagmamadali ako. 

Si Robbie, may kausap na iba. Yung mga.. kasama ata niya sa isang school club. 

Kaya, wala akong kasama. 

Maya-maya, nung natapos na yung pag-uusap niya.. hinanap niya 'ko. Tapos nilapitan niya 'ko dun sa sulok.

ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon