Chapter 15

1.4K 44 0
                                    

YRRAH

"Guys may laro tayo sa friday. Huwag kalimutan. Mababaog talaga ang nakalimot"

"Oo alam namin"

"Anong school ang lalabanan natin?

"Ang team ng St. Terese College"

Tungkol sa laban sa basketball ang pinag-uusapan nila

Nasa Canteen kami at kumakain ng lunch ngayon kasama si Xian siyempre at ang limang Campus Prince

Madalang lang makita na magkakasama ang limang Campus Prince kaya wag magtaka kung dagsa ang LEU dito sa Canteen para tignan ang mga to, idagdag mo pa na nandito din ang Campus King kaya ayun ang hindi magkandugaga ang ilan na kumuha ng picture nila, ako lang ata itong ayaw nilang nakikita eh.

Actually simula noong maging kami na ni Xian ay mas napapadalas na ang pagsasama sama ng limang Prinsipe. Idagdag pa na lagi na ding pumapasok ang Hari.

"Yrrah manood ka sa friday ah?" Ani Evans

Tinignan ko si Xian na umiinom ng juice

"Maglalaro ka ba sa friday?" I asked him

"Nope"

" Why not?"

"May ibang lakad ako sa Friday"

"Then no, hindi ako manonood"

Anong lakad niya sa Friday?

Itatanong ko ba? Pero baka importanteng bagay yun kaya wag na lang. I don't want to be nosy girlfriend.

***

"Lagi bang busy si Xian?" Biglang tanong ko kay Lance at Scott

Sila na lang kasi itong free at wala pang next subject na papasukan

Si Xian naman ay kanina pa umalis ng school

"Yup! Siya ang solely inheritor ng Laxamana Corporation kaya sinasanay na siya ng Papa niya kung paano patakbuhin ang Company nila para pwede na itong magtrabo dun pagka graduate niya next year" paliwanag ni Lance

"That is the reason kung bakit wala siya lagi sa school dati"

"Kaya swerte mo dahil mukhang sobrang in-love ang the successor ng Laxamana Corporation sayo" ani Lance na nginitian ko lang

May malaki pa lang responsibilidad na nakapatong sa mga balikat ni Xian, and realizing that the one of the biggest company in the Asia ang patatakbuhin nito ay paniguradong hindi iyon magiging madali.

Sa ngayon hindi pa ko nakapag decide kung susundin ko si Kuya, Dahil ayaw kong iwan si Xian.

Because i know.. Im falling for him already.. At alam ko na kapag nahulog ako ay nandiyan siya para saluhin ako.

And i don't want to break his heart.

***

Pag-uwi sa bahay ay nadatnan ko si Kuya na nasa sala at nakatutok ito sa laptop nito

"Kuya.." Lumapit ako sa kanya at tinignan ang ginagawa niya

Business stuff as always

"Alam mo bang 60℅ ang laki ng Laxamana Corporation kung itutiring sa Business na pinapaandar namin ni Tito?" Biglang sabi ni Kuya kaya kinabahan ako. Bakit naman tungkol agad kay Xian ang bungad niya sakin

"Are you sure na tatanggapin ka ng parents niya pag nalaman nilang ikaw ang pinili ng anak nila?"

"Kuya wala tayo sa drama" konti na lang ay maiinis na ako kay Kuya

"Yrrah, quit making fun of what im saying, im serious!"

This time ay isinara na niya ang laptop niya at humarap sakin

"Nag promise ako kina Mommy at Daddy that i will protect you from anything that will definitely hurt you! So please listen to me Yrrah."

"Kuya mahal niya ko"

"Mahal mo ba siya?"

"Im falling for him" pag-amin ko

"Listen, Xian Laxamana is not a  ordinary man, every girl likes him. And he will leave you sa oras na may magustuhan siyang mas better sayo"

Para akong maiiyak na sinasabi ni Kuya

Why? Kasi may point siya.

Pero umiling ako. Hindi yun gagawin ni Xian.

"Kuya hindi niya ko sasaktan"

"Bakit? Nakilala mo na ba siya ng mabuti? Alam mo na ba kung ano ang mga bagay na kaya niyang gawin at hindi niya kayang gawin para sayo?"

Nakagat ko ang labi ko at umiling

"See?"

"Kuya, don't be like this"

"Im only trying protect you Yrrah"

Tumayo na ko at umakyat na sa kwarto ko,

Kaagad akong nahiga sa kama ko at nag-isip

*sigh*

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Xian

After three rings ay sinagot niya ang tawag ko

"Yrrah?"

"Hi"

Dinig kong medyo tumawa siya kaya napangiti ako, ang sarap pakinggan ng tawa niya

"Why did you call?"

"Bakit? Masama bang tawagan ang boyfriend ko?" Sabi ko ng nakangiti

Tumawa ulit siya.

"Ginagaya mo ba ko?"

"Hindi"

"Yrrah"

"Hmm?"

"I love you" natahimik agad ako sa salitang binitawan niya

How will I respond?

"Yrrah, im not asking you so you dont have to answer me. I just want to inform you that i love you" aniya

"Xian i.. Im falling into you"

"I know" napangisi ako

"Xian marunong ka bang kumanta?"

"Why?"

"Can you sing me a song?"

"I can not "

"E? Bakit naman?"

"Hindi maganda ang boses ko" tumatawang sabi ni Xian na nagpatawa din sakin. Ang sarap pakinggan ng mga tawa niya

"Okay lang"

"Hindi yun okay. Ayokong ma turn-off ang girlfriend ko sakin"

"So takot kang ma turn-off ako sayo?"

"Oo naman, baka bigla kang makipag hiwalay sakin"

Natahimik ulit sa sinabi niya

Xian..

"Tinatawag na ko sa labas, ibababa ko na to"

"Okay, kita na lang tayo bukas"

After that call ay napapikit na lang ako at niyakap ko ang unan sa tabi ko

How come na napunta ako sa ganitong sitwasyon? Grades lang naman ang problema ko dati eh.

Xian Laxamana.. Bakit naging part ka lang ng buhay ko ay nagulo mo na ang utak at puso ko?

Ano pa ang kaya mong gawin skin?

***

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon