:: Chapter 9: Tanpuhan ::
[ Marco's POV ]
"Aray! Ang sakit ng ulo ko!!" sabi ko habang nakahawak sa aking ulo at nakapikit pa rin. Kagigising ko lang kasi.
Nang ibukas ko na ang aking mga mata nagtaka ako dahil nasa clinic na ako.
Ang huli kong pagkakaalala eh nasa room ako at nakaubob sa aking arm chair. Pano ako napunta dito?
Nagpalinga-linga ako at naghanap ng tao.
Nakita ko si Alex sa tabi ng aking kama, nakaubob, natutulog. Kita ko yung isang side ng mukha nya kasi naka side view sya..
Teka teka bakit andito si Alex? May klase pa kami ah?
Anong oras na ba? tumingin ako sa aking relo.
Nanlaki ang aking mata at nasabing.. Ha? Alas diyes na?
Litong lito ako kasi dapat nasa klase si Alex ngayon. Anu ba yaaaaaaaan. Tatanungin ko na nga lang sya mamaya.
Hmmm. Siguro si Alex ang nagdala sakin dito.. Baka nga.. Napangiti ako kasi andito sya sa tabi ko.
Sa sobra kong tuwa, madahan kong hinawakan ang kanyang pisngi. Wow, malambot at makinis ang pisngi nya ah, infairness..
Para tuloy gusto ko syang halikan sa pisngi.
Oy walang malisya 'to ah. Gusto ko lang naman syang pasalamatan sa pagdala nya sakin dito sa clinic. Alam kong nahirapan sya kasi ang bigat bigat ko.
Umupo ako galing sa aking pagkakahiga, dahan-dahang lumapit sa kanyang mukha, at siya'y aking hinalkan sa pisngi.
Bigla syang umibo! pero nakapikit pa din.
Nataranta ako, hindi ko alam ang gagawin. Baka malaman nya kung anong ginawa ko kaya dali-dali akong nahiga sa kama at nagkunwaring tulog.
Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa hula eh. Dapat hindi ko na ginawa yun, nagising tuloy siya.
BINABASA MO ANG
BF - BestFriend or BoyFriend
Ficção AdolescenteLast year of high school na ni Alex and her memories were slowly flashing back. Ang kanyang tropa na araw araw niyang kasama, ang mga kaklase na magugulo at mga guro na minsan ay namumura sila. Pero ang hinding hindi niya malilimutan ay ang dalwa ny...